SELENA
PALINGON-LINGON ako sa paligid.
Dahil wala akong maisip na puwede naming pagkakitaan, sa isang park ang naisip ko. Araw ng Lunes 'yon kaya wala masyadong tao. Itinigil ko sa may parking space ang aking sasakyan at nanatiling naroroon sa loob.
My first choice was to invite him in a restaurant. Iyon naman palagi ang lugar na pinupuntahan kapag may kikitain kang tao pero biglang nagbago ang isip ko. For me, makikipagkita ka lang naman doon kapag importante ang taong hinihintay mo. It's only for those who are in a date or business transaction. Eh ano ba ang gagawin naming dalawa? Mag-uusap lang naman kami...
..tungkol doon sa nangyaring one-night stand.
Kung hindi lang ako takot na baka bigla siyang sumulpot sa workplace ko at may makapagsumbong, hindi ako makikipagkita sa lalaking 'yon.
Tumunog ang cellphone ko. Tatagalan ko sana ang pagsagot kung hindi ko lang nakita ang pangalan ni Riggs.
"Hello?" sagot ko.
"Where are you? Wala ka sa restaurant mo. Sabi ni Lianna, makikipagkita ka raw sa akin."
"H-Huh?" Bigla akong nataranta at hindi agad nakapagsalita. "O-Oo. Wala nga ako sa restaurant dahil umalis ako. I... I was planning to come to your office and surprise you kaya lang..."
"Kaya lang, ano?" Napalitan ng curiousity ang paasik na boses ni Riggs kanina. Narinig ko pagkuwan ang pag buntong-hininga nito. "Lianna told me a lot about you these past few days. Palagi raw malalim ang iniisip mo. I'm sorry about what happened last week, sweetheart. I admit it was my fault. Wala ako sa lugar, hindi ko dapat pinipilit ang bagay na 'yon. Nagtampo ako, but I want you to know, hindi lang naman 'yon ang habol ko sa 'yo." Masuyo at malambing na ang boses nito. Kapag ganoon na ang tono nito, alam kong sincere na itong humihingi ng sorry.
Napabuga ako ng hangin. "Yeah, s-sorry rin. But -"
"So where are you? Magkita tayo. Pupuntahan kita."
"H-Huh? Eh..."
"Baka nagkasalisi tayo. I want to see you. I've missed you. Let's meet. Nasa office ka na ba? Pupunta kita. Hintayin mo 'ko diyan." Pagkatapos niyon ay nawala na ito sa kabilang linya.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Lalo tuloy naguluhan ang takbo ng isip ko. Ano'ng excuse ang sasabihin ko kay Riggs? Malayo ang lugar na kinaroroonan ko ngayong sa opisina kung saan ito nagtatrabaho. Halos nasa dulong bahagi na ako ng Metro Manila. Sinadya kong sa lugar na 'yon para walang makakakita.
Gusto ko nang makipag-usap sa lalaki para matigil na ito kung sakaling mangungulit talaga sa akin. Siguro naman ay hindi tatagal sa sampung minuto ang magiging pag-uusap namin ng lalaking 'yon. Then mabilis na lang akong bibiyahe pabalik kay Riggs. Magdadahilan na lang akong na-traffic at may dinaanan sa kung saan.
Muling tumunog ang cellphone ko. Muliko iyong dinampot mula sa dashboard at sinagot. It was Frank who's calling.
"Nasaan ka na? Can you please -"
"Follow me."
"Huh?"
Iyon lang at pinatayan na ako nito ng tawag. Mayamaya ay nakarinig ako ng sunod-sunod na busina mula sa likod. Pagsilip ko sa rearview mirror ko ay nakita ko ang itim na sasakyan. Nasapol din ng mga mata ko ang bulto ng taong nagmamaneho niyon. At sa hindi ko mawaring dahilan ay biglang tumahip ang kaba sa aking dibdib nang makita ang pamilyar na ayos na buhok. It was just a simple clean cut sa gilid. Medyo mahaba ang gitnang buhok nito na bagay na bagay dito kahit hindi na nito lagyan ng pampatigas o wax. Sinaway ko na ang sarili o nang akmang aalalahanin ko pa iba pang facial features nito. He's handsome, okay. Pero mas guwapo ang Riggs ko.
Nagmaniobra na ito palayo. Binuksan ko na rin ang makina ng sasakyan ko at kahit gusto kong tawagan ito para itanong kung saan kami patutungo ay hindi ko na ginawa bagkus ay sinundan na nga lamang ito. Walang masyadong sasakyan sa parteng iyong ng kalsada. Moments later on ay nakasunod na ako sa likuran ng sasakyan nito.
Sa isang coffee shop ito nag-park at sinundan ko na nga lang ulit ito. Left no choice ay sa tabi ng sasakyan nito ko ipinark ang akin.
Mabilis itong bumaba ng sasakyan at tumayo sa harap ng kotse ko para maghintay. Kanina, desperada akong 'makipag-ayos' dito ngunit nang muli kong masilayan ang kabuuan nito ay bigla na namang nanghina ang mga tuhod ko. Kapag nakikita ko siya, pakiramdam ko nagkakasala ako kay Riggs. And I could vividly see and hear everything that happened to us that night. And I couldn't believe na nagpahawak at nagpahalik ako sa taong hindi ko kakilala.
Pero pinilit kong i-compose ang sarili. Hindi nito dapat mahalata na big deal sa akin ang nangyari. Na masyado akong apektado sa presensya nito. Ayokong magmukhang ako ang agrabiyado. Kaya taas noo akong bumaba ng sasakyan ko.
"Ten minutes. Iyon lang ang kaya kong ibigay sa 'yo. May mahalagang bagay pa akong gagawin kaya -"
But instead of listening to me, hinaklit nito ang kamay ko at walang sabi-sabing hinila ako papasok sa may coffee shop.
Mahigpit ang kapit niya sa kamay ko. At hindi ko mapigilang mapakislot lalo nang habang naglalakad na kami patungo sa isang table na nasa dulong bahagi ng shop ay pinagdaiti niya ang mga daliri namin. Holding me like I was his girl. Para naman akong ewan na nalilito sa nararamdaman ko nang mga oras na 'yon. Pinagpapawisan ang kamay ko.
"Sit." Pinahila niya ako ng upuan nang naroon na kami sa napili nitong mesa. Saka lang nito binitawan ang aking kamay. Naupo ako na parang sunud-sunuran sa utos nito. Naupo na rin ito sa upuan katapat ko. "Ano'ng gusto mo?" he asked a few moments later. Iniabot nito sa akin ang menu.
Pinilit kong alisin ang kalituhan sa isip ko. "Didn't you hear what I was saying a while ago? Sabi ko, ten minutes lang ang kaya kong ibigay sa 'yo -"
"Let's try their best selling here. Miss!" tawag nito sa atensyon sa babaeng naka-uniform na nakatayo malapit sa cashier. Restaurant-type ang nasabing coffee shop kaya may mga waiter. Nagse-serve din ang mga ito ng mga pasta, pastries at cakes.
"Sir?"
Ngiting-ngiti namang lumapit ang babae. May kislap sa mga mata nito habang nakatitig sa mukha ni Frank, nawala naman nang sa akin mapatigin. Sandali akong hindi nakakibo at nakamaang sa lalaki. Pangalawang beses na nitong iniignora ang mga sinasabi ko. At alam kong sinasadya nito iyon. Hindi ko alam kung para inisin ako sa sadyang ganoon ang ugali nito. Bossy.
"We'll have your bestseller. Pati itong mocha-flavored cake."
Mocha-flavored? Hindi ako mahilig sa mocha.
"T-Teka--"
"That's all."
"Okay, Sir." Mabilis na tumalikod ang babae.
Naiwang awang na naman ang mga labi ko. Tiim ang bagang na sinalubong ko ang mga mata nito nang finally ay bumaling na sa akin.
"Wala pa akong sinasabing i-order mo ako, nakapagdesisyon ka na agad. Hindi ko gusto ang mocha-flavored cake. Hindi ko rin sinabi sa 'yo na gusto kong magkape," paasik na sabi ko. Talagang tinarayan ko ang boses ko sa pag-asang matatakot ito sa akin. That is, kung ito 'yong tipong gentleman sa mga babae. Pero mukhang hindi.
"Kung ayaw mo ng kape at ng cake, then I'll take it out at ibibigay sa may gusto," pakibit-balikat lang na sagot nito.
"Didn't you hear me? Sabi ko, ten minutes lang ang puwede kong ilaan sa 'yo -"
"Your ten minutes will start after our orders are served."
"Aba't --" Nananadya ba ito o ganoon talaga ang ugali nito? Lalo akong nanggigil. Kuyom na ang mga kamao ko nang mga oras na 'yon at kung puwede nga lang ay suntukin ko na sa pagmumukha ang lalaking ito. Baka sakaling matauhan. Pero may pinag-aralan akong babae, at may takot pa rin naman ako sa Diyos kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili. Nagbuga na lang ako ng hangin. "Okay," sumusuko na lang na pahayag ko. Tumingin na lang ako sa labas ng shop. Sa mga nagdaraang sasakyan. Ngunit hindi ko rin naitagal doon ang aking mga mata dahil nasisilaw ako sa liwanag ng araw. It's 2pm in the afternoon.
"What?" maang na tanong ko. Nang alisin ko kasi ang mga mata sa labas ay aksidenteng napatingin ako rito at nagtama ang aming mga mata. I caught him staring me intently. Waring pinag-aaralan ang hitsura.
Umiling-iling ito. "Wala naman. Masama bang tumingin sa babaeng kasama ko?" Pagkuwa'y may sumilay na kakaibang ngiti sa mga labi nito.
Agad akong nagbaba ang tingin. Bakit ako napakislot nang makita ang kahit nakakainis ay may dating na ngiti ng lalaki. Riggs could also give tthat kind of smile to me, pero hindi ko naramdaman ang ganoong damdamin tuwing kasama ko ito. Damn! Because you hate that guy. That is!
"H-Hindi ko na yata mahihintay ang pagdating ng order natin. Tulad ng sinabi ko, may mahalaga pa akong lakad sa araw na ito. So please, whateve you have to say, puwede bang..." Natigilan ako nang makitang nakatitig na naman ito sa akin. Para itoong tuod sa puwesto nito, nakangiti pa ang mga matang nakatingin sa akin. He was looking at eyes, then biglang lumipat sa aking ilong. Then sa aking mga nakaawang na labi. Matagal na namalagi ang mga mata nito sa huli na lalong ikina-conscious ko. Bahagya ring nakaawang ang mga labi nito at ang isang traydor na bahagi ng aking utak ay biglang pinaalala sa akin kung gaao kasarap humalik ang lalaking ito.
"Fine. Kung hindi na talaga kita mapaghihintay at atat na atat ka na, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa."
Sa narinig ay dapat makaramdam ako ng relief dahil finally ay matatapos na ang ugnayan namin pero hindi maipaliwanag na kaba sa halip ang aking naramdaman. May kinuha ito mula sa inside pocket ng suot nitong Americana. Pinilit kong uriratin kung ano iyon ngunit sinadya nito iyong ikubli gamit ang malapad nitong kamay. May kakaibang ngiti na naman sa mga labi nito na muli ay nagpalito sa akin.
Ibinaba niya ang mga kamay sa mesa. Bigla niyang kinuha ang isang kamay ko na nakapatong din doon at walang sabi-sabi ay isinuot ang singsing na siya palang itinatago nito.
"I'm not taking 'no' for an answer. Whatever happpened between us that night, gusto kong panagutan iyon. Whether you like it or not, I am going to marry you."
Lalong hindi ako nakahuma. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa singsing na basta na lang nitong isinuot sa daliri ko ay sinundan agad nito ng proposal na iyon. At hindi lang doon iyon natapos. Hindi pa ako nakakapagsalita nang tumayo si Frank at dumukwang palapit sa mukha ko. Itinaas nito ang baba ko gamit ang hintuturo nito at mariin akong dinampian ng halik sa mga labi. Napapikit ako, at nang muling nagmulat. At sa pagmulat ko ay muling nagtama ang aming mga mata.
"I will meet your family one of these days. Isasama ko si Daddy. You need not to worry a thing. Ako na ang bahalang mag-explain sa kaniya."
Pagkatapos no'n ay iniwan na ako nito. Tulala at pinagtitinginan ng mga tao.