Chapter 05

1306 Words
SELENA "ARE you still there?" "H-Ha?" Napukaw ang isip ko nang iwagayway ni Lianna ang mga kamay sa tapat ng mukha ko. May sinasabi siya sa akin about sa mga sales report, iyon ang natatandaan ko, pero obvious na wala akong naiintindihan. Nasa harap ako ng monitor, nakapangalumbaba. Nakalapat ang katawan ko sa upuan pero mistulang nakalutang sa alapaap ang aking diwa. "Okay ka lang? Kanina pa ako salita nang salita rito pero para akong nakikipag-usap sa hangin." Bagama't nagrereklamo, hindi naman galit si Lianna. In fact, there was a playful smile on her lips. "Iniisip mo si Riggs, 'no? Missing him already? Don't worry, mamaya baka sunduin ka na rin no'n." May kalakip na kilig kunwari ang tono niya. Pero ako, ni hindi ko magawang ngumiti. O kiligin man lang. Dahil hindi si Riggs ang tumatakbo sa isip ko. Although dapat sa mga oras na 'yon ay nangangamba na dapat ako dahil ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Riggs sa akin. Since that day when we had lunch doon sa mansyon nila at nagtampo siya sa akin ay hindi pa rin kami nagkikita at nagkakausap nang maayos. I tried to reach him out pero nang tanggihan niya ako nang ilang beses na magkita kami ay tinigilan ko na ang pangungulit. Hindi ito ang unang beses na nagkatampuhan kami. We had a lot of fights before pero isa o dalawang araw lang ay nare-resolve agad namin. Pero ngayon, halos mag-iisang linggo na. But anyway, tulad nga ng sinabi ko, hindi si Riggs ang umookupa sa isip ko. Iba. . . . . . Kung may sakit ako sa puso, malamang na inatake na ako. Pagpihit ko pagkakuha ng bag ay bumulaga sa akin ang malaking katawan ng lalaki. He was not wearing anything maliban doon sa itim na boxer. Basa pa ang buhok nito at humahalimuyak ang amoy ng pinaghalong sabon at body spray. Napasinghap ako. Para akong hihimatayin sa gulat nang mga sandaling. Ano'ng ginagawa nito rito? "E-Excuse me," kandautal na sabi ko. Nagbaba ako ng tingin at humakbang sa kanan para umiwas dito. "In a hurry?" Pero halatang sinadya nitong kumilos para iharang ulit ang katawan sa daraanan ko. Tumama pa ang tungki ng ilong ko sa balikat nito. Matangkad na ako sa height na 5'7", plus nagsusuot pa ako ng at least two-inch heels, pero kapag tumitingin ako sa lalaki, kailangan ko pang tumingala. He's maybe as taller as Daddy, like Xavi. Or maybe a few centimeters taller. He had a deep-set pair of brown eyes. Long-bridged nose na parang kay sarap padaanan ng daliri. Curvy, pinkish lips na bahagyang nakaawang. Hindi ko masyadong napagmasdan ang mukha nito that morning when I woke up beside him. But the taste of his lips still remained in memory. And looking at his, I suddenly ached to taste it again. Shut up! Kapatid 'yan ng boyfriend mo. "A-Aalis na kami ni Riggs. W-Wala na akong gagawin pa rito," kandautal ako sa pag-e-explain ng bagay na I don't think ay kailangan ko pang ipaliwanag dito. Muli akong humakbang palayo habang mahigpit ang hawak sa bag ko. Pinagplanuhan ko na ang sunod na hakbang para makasibad mula rito but just as when I was about to take my first step ay nahawakan nito ang kamay ko. At hindi lang basta hawak dahil may naramdaman akong bagay na nakaharang sa pagitan ng mga palad namin. Maliit at manipis lang ang bagay na 'yon, almost the size of an ATM card. Not as hard as it though. Natitigilang napasulyap ako roon. Mainit ang palad nito, gusto kong bumitaw dahil tila nakakapaso ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin. "So, ang stepbrother ko pala ang tinutukoy mong dapat ay kasama mo nang gabing 'yon." May nakalolokong ngiti sa mga labi nito. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng labis na pagkailang. Talagang ang lakas ng loob nitong ipaalala ang lahat. "Let's just forget about it. Baka may makarinig -" Bigla akong napalingon sa gawi ng katulong kanina. Buti na lang at wala na ito roon. "Call me." At bago pa ako nakatapos sa mga sasabihin ay inunahan na ako nito. "A-And why would I do-" "Umalis ka nang hindi natin napag-uusapan ang nangyari sa atin. We will talk about it. Call me, that's my calling card." Naramdaman ko pa ang bahagya nitong pagpisil sa palad ko and it brought a thousand of voltage of electricity inside my being. "You will call me and tell me kung saan at kailan tayo magtatagpo o ako mismo ang biglang susulpot sa harap mo at dadalhin ka sa hotel kung saan kita dinala noong nakaraan. Mark my words. Kapag sinabi ko, talagang ginagawa ko." Then he left me like nothing happened. At mula nang araw na 'yon, hindi na maalis-alis sa isip ko ang sinabi ng Frank na iyon sa akin. Ilang gabi na rin akong hirap matulog. Hindi ba dapat siyang matuwa dahil hindi ako naghahabol sa nangyari? As if naman lahat ng girls na naka-one night stand nito ay hinahanap para kausapin nito hinggil sa nangyari. How many women had he bedded? Malamang na hindi iyon bababa ng bente. Halata naman sa hitsura nito na hindi ito ang klase ng lalaking humaharap sa responsibilidad. Oh, who are you to judge? Basta ramdam ko lang! "Selena, are you missing again?" Napaangat ako ng tingin. "H-Huh?" May pinipilit na kuhanin si Lianna na hawak ko. Noon ako biglang naalarma nang mapagtanto kung ano iyon. "Kanina ka pa nakatingin dito. Parang ang lalim ng iniisip mo. Ano ba ito?" That was his calling card! Humigpit ang pagkakahawak ko sa card at pahaklit na binawi ang kamay mula kay Lianna. "I'm going home early. M-Magkikita kami ni Riggs ngayon. Iwan mo na lang sa table ko lahat ng report na pag-aaralan ko. Bukas ko na lang titingnan lahat." Pagkatapos no'n ay wala sa loob na bigla na lang akong napatayo sa kinauupuan ko. Inilagay ko agad ang calling card sa bag ko at isinukbit iyon. "Ah, kaya naman pala." May pilyang ngiting sumilay sa mga labi ni Lianna. "Sige, goodluck. Enjoy!" Lumabas na ako ng opisina at nagderetso sa may parking lot at sumakay ng sasakyan ko. Ngunit habang nandoon ay sandali pa akong natulala sa kawalan. Hindi klaro ang pag-iisip. Should I really call and meet with him? Ano namang pag-uusapan namin? As if naman mayroon pa kaming dapat na pag-usapan. It was just a mere one-night-stand. Pero paano kung totohanin nga nito ang sinabi? Na basta na lamang itong susulpot at dadalhin ako sa hotel? And what if somebody I knew saw us?Tiyak na masisira ang pangalan ko ay Riggs. Magagalit iyong lalo sa akin at baka tuluyan kaming magahiwalay. And of course, ayoko na ni isang miyembro sa pamilya ko ang makakaalam ng 'sekreto' ko. Ayokong bumaba ang tingin sa akin nina mommy at daddy. May tumigil na itim na sasakyan sa tabi ng kotse ko at naki-park doon na biglang ikinakabog lalo ng dibdib ko. I remember that his car was black, kaya lang hindi ko tanda kung ano'ng model. Ibinaba ko ang windshield window ng sasakyan ko upang mas malinaw na masilip kung sino ang iibis doon. It's been 5 days to be exact since the day na muling nagkadaupang-palad kami ng lalaking 'yon. What if ngayong araw pala siya nakatakdang sumulpot sa harapan ko? Tiyak na hahanapin nito ako sa mga tauhan ko. And of course, magtataka ang lahat kung sino ito. Lalo na si Lianna. She's maybe my friend and my soon-to-be sister-in-law, but it's not my hobby to tell anyone about my darkest secrets. Kahit pa sa mommy at daddy ko. Okay. Bahala na nga. Bumaba na ang sakay ng itim ng kotse Nakahinga ako nang maluwag nang isang may edad na mag-asawa ang nakita kong lumabas. Hinanap ko na ang calling card sa bag. Dinayal ko ang numero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD