SELENA
NANIGAS ako sa kinauupuan at agad nagbaba ng tingin. Nag-iinit ang pakiramdam ko nang mga sandaling 'yon at kahit malamig naman ang buong lugar dahil sa aircon ay mukhang pagpapawisan pa ako. Ni hindi ko na rin maramdaman ang kutsara at tinidor na hawak ko dahil sa nerbiyos. Parang sasabog na rin ang aking pantog.
What is that guy doing here? Totoo ba ang lahat ng natuklasan ko? H-he's... He's Riggs' brother? Paano mangyayari 'yon? Ang sabi ni Riggs ay isa lang ang kapatid niya. Si Lindsay na isang ramp model sa America. At iyon lang ang alam ko. He never told anything about this arrogant guy in front me. Na kahit hindi ako nakatingin ay ramdam ko ang malagkit na titig sa akin.
Napaigtad pa ako nang biglang hawakan ni Riggs ang aking kamay. Nabitawan ko ang hawak na tinidor at napalingon sa kaniya.
"Well, she is my girlfriend. And you need not to know her name. Sapat nang malaman mo na girlfriend ko siya. That she is mine."
Riggs voice sounded arrogant and insecure. Ewan ko kung bakit ganoon ang naramdaman ko sa pagkakasabi niyang iyon. Halata rin sa mga mata niya ang pang-uuyam habang nakatingin sa kapatid. Kay daling isipin na marahil may hidwaang namamagitan sa dalawa. Kaya siguro hindi ito naikuwento kahit isang beses sa akin ni Riggs. And even if he did, hindi rin naman ako interesado.
"Yeah. She is."
Mantalang ito namang isa ay sobrang confident sa sarili. Saglit ko itong sinulyapan and damn he was still staring at me. Pakiramdam ko ay hinuhubaran niya ako sa kaniyang imahinasyon. Sa mga titig nitong iyon, waring ipinaalala nito ang lahat ng nangyari sa amin ng gabing 'yon. Gustong-gusto kong tumalilis na lang takbo nang mga oras na 'yon at huwag nang magpakita rito. Hindi ko alam kung paano haharap. He had seen everything, touched and kissed. Tapos magkapatid pa sila ng boyfriend ko.
What a small world!
"Ngayong alam mo na, stop staring at her. Ayokong may tumitinging iba sa girlfriend ko. Mahirap na, maisipan mo pang sulutin. Hindi siya nababagay sa kagaya mo."
Awtomatikong napataas ang isang kilay ko dahil sa kagaspangan ni Riggs. There was really something going on between them. Pero hindi ko alam kung bakit parang nadismaya ako sa isinagot niya. Hindi naman niya masyadong pinahahalatang insecure siya sa kapatid. Sulutin talaga? Ako? Magpapasulot sa kagaya ng lalaking 'to...? Hah! Patawa siya.
But what would Riggs say kapag nalaman niyang may nangyari sa amin ng kapatid? Na instead na dapat siya ay ito ang nakasama ko?
Shit. That thing must never be told to anyone. Ever!
Panakaw akong muling sumulyap sa lalaki. What's his name anyway? Parang wala pang nagbabanggit. Hindi sa gusto ko talagang malaman ang pangalan niya. Hindi sa gusto ko siyang makilala. At least malaman ko lang ang pangalan ng lalaking iiwasan kong makadaupang-palad mula sa araw na 'to.
He smirked. Hagip na hagip ng mga mata ko ang mapanuyang ngiting iyon.
"Don't worry. I won't do that. Sanay naman akong kusang lumalapit sa akin ang swerte."
Nagsimula na itong mag-asikasong magsandok ng pagkain. Lalo namang nagngitngit ang reaksyon ni Riggs. Ako naman ay parang gusto nang magpatiris sa kinauupuan.
Kusang lumalapit? Bakit bigla kong naalala ang ginawa ko?
"Lumalapit o ninanakaw?" Pagak na tumawa si Riggs. "If I know, ninakaw mo, hindi lang ang atensyon ni Daddy, kung hindi pati ang posisyon mo ngayon sa kompanya. You stole the title that must be given to me. Mahilig ka kasing maggaling-galingan. You-"
"Riggolitos, will you please stop speaking ill of your brother!" Natigil sa pagsasalita si Riggo nang sumingit na sa usapan ang daddy ng mga ito. Padabog na nagbaba ng kamay sa mesa ang matanda. Napatingin kaming tatlo rito. Salubong ang mga kilay nitong nakatingin sa nobyo ko. "Hanggang ngayon ba, malaki pa rin ang galit mo sa kapatid mo? Kailan maaalis 'yang poot sa puso mo? Walang ginagawang masama ang kapatid mo sa 'yo. Whatever he has now, at kung ano man ang narating niya ngayon, pinagsikapan niyang maabot ang lahat ng 'yon."
Lalong pumalatak si Riggs. "Talagang lang, ha? I didn't see any effort that he did. Matagal nang nilalason ng ampon na 'yan ang isip mo, Daddy. He's manipulating you, deceiving you, you know that? He is trying to steal the company from us. 'Yong ako dapat ang nagma-manage niyon pero inangkin ng lalaking 'yan."
Natigagal ako. Ngayon alam ko na kung bakit ni minsan hindi nabanggit ni Riggs ang tungkol sa 'kapatid' niya. Hindi naman pala sila magkadugo. Ampon ang lalaki. Malaki ang galit dito ni Riggs dahil mina-manipulate daw nito ang daddy nila. Pero wala sa mukha ng matanda ang madaling mauto. Katunayan nga, kahit sa edad nitong iyon, kahit galing ito sa pagpapagamot, ismarte at matikas pa rin ang awra nito.
Riggs' main family business was about textile and home decorating furnitures. Magagandang klase ng produkto ang binebenta ng mga ito. They're even exporting them to the other Asian countries. Asia pa lang ang nararating nila, pero pangarap ni Riggs na makaabot pa sila sa iba pang kontinente. Riggs hadn't told me his exact position to their company pero alam kong doon siya nagtatrabaho. At talagang dedicated siya sa kaniyang trabaho. I never bothered to ask because for me, hindi naman iyon ganoon kahalaga, kung ano ang posisyon niya. Ang mahalaga ay maayos naman ang relasyon naming dalawa.
But seeing how mad he was, and how calm and proud his stepbrother, position in that company seemed really had a big role. At dahil malaki ang galit ni Riggs sa stepbrother niya, gusto ko na ring magalit dito. Well I would like to be a very supportive girlfriend. Pero hindi ko alam kung bakit sinasabi ng utak ko na maging neutral na lang.
"Kauuwi ko lang, Riggo. Ito agad ang ipapa-welcome mo sa akin," frustrated na wika ng matanda pagkuwan. Nawala ang sigla sa mga mata nito. "Kailan kayo magkakasundo? Kailan mawawala ang galit mo sa kapatid mo?"
"If he is my real brother, siguro makapagpaparaya ako sa kaniya, Daddy. Kaya lang hindi eh. Hindi natin siya kadugo, hindi mo siya totoong anak, pero lahat ng perks ng totoong San Diego, siya ang nagtatamasa. Napaka-unfair n'yo, Dad. Pinaghirapan kong maabot ang posisyon kong vice sa kompanya, nagsimula ako sa pinakamababa, pero ang lalaking 'yan..." Tiningnan niya nang masama ang kaharap. "Wala siyang pinaghirapan. He's just a fvcking manipulator. And deceiver."
Nagpakawala ng malalim na hininga ang matanda. Tumingin ito sa sinasabing ampon ni Riggs na saktong nakatingin din dito. He hadn't spoken a word mula pa kanina. Napansin kong kalmante pa rin ito at parang sanay na sanay na sa lahat ng narinig. Gusto kong maniwalang manipulator ito, pero malay ko ba sa pagkatao nito. Waring nagkakaintindihan ang dalawa na parehong bahagyang tumango. Tumayo ang lalaki na nakakatatlong subo pa lang yata ng pagkain at umalis sa harap ng hapag. Nakita kong nagbabaga pa rin ang mga matang sinundan ito ng tingin ni Riggs. Sandaling namayani ang katahimikan.
"I'm really sorry about that, iha. Nasaksihan mo pa tuloy kung paano mag-away ang mga anak ko," basag ng matanda sa katahimikan na nilakipan ng mapait na ngiti ang mga labi. "I thought matapos ng mahabang panahong pamamalagi ko sa America ay magkakasundo rin ang dalawa. But it seems like, walang nagbago."
Tahimik pa rin si Riggs na patuloy ang pagkain.
Tumango lang ako at alanganing ngumiti. "M-Magkakasundo rin po sila."
"Sana nga. Frank is such a nice man. But sadly, sarado ang isip ni Riggo na tanggapin siya bilang kapatid. He's been here with me since he was 15. And that was also 15 years ago to be exact. Sa loob ng mahabang panahong iyon ay wala naman kaming problema."
Frank. So that was his name. If he was adopted 15 years ago at age 15, ibig sabihin ay 30 years old na ito. Riggo and I were both 27. Since 12 years old, galit na si Riggo kay Frank?
"Let's go."
"Huh?" Napasinghap ako nang biglang tumayo si Riggo at hablutin ang isang kamay ko. Napilitan tuloy akong tumayo para sumunod dito.. Mabuti't tapos na rin akong kumain nang mga sandaling 'yon. Kaiinom ko lang din ng juice. Binalingan kong muli ang daddy ni Riggs at waring naunawaan naman ako nitong nagpapaalam. "Where are you taking me?" maang na tanong ko kay Riggo. Hila-hila pa rin niya ako. Buti na lang at sanay na sanay na ako sa heels at hindi natatapilok sa bilis ng lakad namin.
"My room."
"Huh?"
Binabagtas na namin ang hagdan pataas. They had a massive mansion too. Hanggang second floor lang din tulad ng sa amin, may higanteng chandelier sa gitna. But ours was much bigger and wider. Happier too, I guessed. Dahil lahat kami sa pamilya ay magkakasundo.
"W-What are we gonna do to your room?" Napalunok ako. Not now, Riggs. Huwag mo sanang ipilit muna. Hindi pa ako handa na matuklasan mong may nakauna na sa 'yo.. At kung hindi ba naman mamalas-malasin, iyon pang itinuturing niyang kaagaw.
Nilingon lang ako ni Riggs nang nabuksan na niya ang pinto. "Just stay here with me." Hinila niya ako papasok sa loob.
He kissed me right after he closed the door. Isinandal niya ako sa dingding.
I found it hard to answer the kiss sa hindi ko maisip na dahilan. Nakamulat pa ang mga mata ko at hindi tulad noong napapapikit dahil gusto kong namnamin ang kaniyang halik. But now, something was just off.
"Fvck!" he cursed.
"W-Why? I-I'm sorry," tila nakokonsensiyang saad ko. When his lips touched mine, may ibang tagpong rumehistro sa isip ko. The scene when his stepbrother was kissing me. And how he pinned me down that bed.
"No. I'm the one who must be sorry. I didn't know that he would be here. Daddy didn't tell me. Narinig mo tuloy ang pag-aaway namin."
Pag-aaway? When you're the only one who's litting the fire. Pinilit kong ignorahin ang makulit na bahagi ng isip. "I understand. Let's not just talk about him."
"Right. Let's just talk about us."
Saka ko lang napansin na nahila na pala niya ako palapit sa kama. He tried to kiss me again. Hinapit niya ang beywang ko.
"Ahmm, Riggs.." I said while biting my lower lip. Bahagya akong nanulak.
"Yes?" Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya.
"I-I need to go back sa restaurant right now. Marami akong naiwang trabaho."
Saglit na nakipagtitigan sa akin si Riggs, waring tinatantiya ang sinabi ko. "We were not able to properly celebrate our anniversary last night. Ang sabi mo, babawi ka. I want you right now..." May himig na nagmamakaawa ang tono niya. Naupo siya sa gilid ng kama at hinila niya ako paupo sa kandungan niya.
"I-i'm sorry, Riggs..." But I couldn't give it to him now. I didn't want him to find out. Kinukurot pa rin ako ng aking konsensya pero hindi ko magagawang magtapat sa kaniya.
"Come on. Why?"
He tried to kiss my neck. Napasinghap ako hindi dahil sa kiliting dulot ng halik doon. But rather dahil naiinis ako. Itinulak ko siyang muli.
"Ano ba'ng problema?" Pero kung naiinis ako, halatang mas naiinis na rin sa akin si Riggs.
"I said kailangan kong magbalik agad sa restaurant dahil marami pa akong gagawin." Iyon ang mahirap sa aming dalawa. Pareho kaming short-tempered.
"Okay." He sighed out of frustration. He finally let me go.
"We can go out for dinner later," bawi ko pagkuwan. Baka kasi iniisip niyang iniiwasan ko siya. Although talagang iniiwasan ko siya. Pero ayoko lang talagang mangyari ang hindi dapat mangyari. I would lose my brain if he found out.
"Yeah. I'll call you," malamig na tugon ni Riggs.
"O-Okay."
Lumabas na kami ng kaniyang silid. Pababa na kami ng hagdan nang maalala ko ang dala kong bag. Naiwan ko iyon sa may dining area kanina. Nagpaalam ako kay Riggs na sasaglitin ko lang doon ang naiwang bag. Malamig pa rin ang sagot niyang hihintayin niya ako sa labas.
Dali-dali kong tinahak ang daan papuntang dining area. Wala nang tao roon nang marating ko maliban sa katulong na patapos na rin sa paghuhugas ng mga pinagkainan.
Nakita ko agad ang bag ko na nakapatong sa may upuan at agad na dinampot iyon. Nginitian ko ang katulong nang makita ako nito, pagkuwa'y nagmamadali na akong tumalikod.
Pero muntik na akong mapasigaw nang sa pagpihit ko ay may nakita akong bultong nasa aking harapan.