SELENA
AGAD akong nag-iwas ng tingin nang tanungin ni Lianna.
"How was the night with him? How's the feeling of the first time?"
Pumasok ako sa opisina kinabukasan . Pagdating ko ay nandoon na ito at mistulang nag-aabang sa akin. Pagkapasok na pagkapsok ko pa lang sa pinto ay nakatanong agad.
"I-It's good," wala sa sariling bigla ko na lang naisagot. Inilapag ko sa mesa ang bag at naupo sa swivel chair.
"Just good? Iyon lang?" nanlalaki pa rin ang mga matang tanong ni Lianna.
Pinilit kong pasiglahin ang awra ko. "It was very great. Hinding-hindi ko malilimutan."
Talagang hinding-hindi ko malilimutan. Eh kung sinong herodes ang nakasama ko sa magdamag. Paano ko ipapaliwanag kay Riggs ang nangyari? Ang cheap-cheap ng tingin ko sa sarili.
"Maybe he's not that good," naiiling at nangngiting wika ni Lianna.
No. He's really good. Tama bang basehan ang mga ungol at kiliting natatandaan kong naramdaman ko while we were doing it?
"I don't want to talk about it, Lianna. It's too personal." Nangako ako sa sarili ko na wala akong pagsasabihan ng tungkol sa bagay na 'yon kahit kanino. Even to my closest and trusted friend. Kahit kina mommy, kahit na kanino. Gusto kong tangi ako lang at ang lalaking 'yon ang makaalam ng nangyari. SO no one could ever judge. And what about that guy? Will he still remember?
Pero sa tabas ng mukha ng lalaking 'yon, parang sanay na sanay nang makipag-one night stand sa kung sino-sinong babae. For sure, ilang araw lang ang lilipas -- o baka nga isang araw lang ay ibang babae naman ang kasama niyon sa magdamag. He would forget me soon, at magiging parte na lang ako ng kaniyang sexlife, dapat ganoon lang din ang gawin ko sa kaniya.
Napabuntong-hininga ako. Siguro naman, after ng mga ilang buwan, babalik ito sa dati. Hindi na mahahalata ni Riggs na may nakauna na. And if he really loved, hindi na iyon magiging mahalaga sa kaniya.
Muli akong napabuntong-hininga. Bakit ba panay ang flash ng mukha ng lalaking 'yon sa isip ko?
"Disappointed ka siguro, ano?" Naparam ang iniisip ko nang muling magsalita si Lianna.
"Sabi nang I don't want to talk about it."
Hindi ko na pinansin ang reaksyon niya. Hinagip ko na lang agad ang mga papeles na nasa harapan ko at kahit walang kagana-ganang magtrabaho ay pilit na pinagana ang utak. Hindi ko hahayaang lamunin ng lalaking iyon ang buong sistema ko.
I know I will never see him anymore anyway.
Pagdating ng katanghalian ay tinawagan na ako ni Riggs. Susunduin na raw niya ako.
Pinilit kong ma-excite habang naghihintay rito. Nagpalit pa ako ng bagong dress na nasa walk-in closet ng opisina namin. Sinadya ko talagang magpagawa ng sariling walk-in closet doon, in case there would be an 'event' like this, handa ako kahit papaano. Kaunting retouch lang sa make-up at handa na ako.
Bumukas ang pinto ng office but the man who entered was not whom I was waiting to come.
"Hey!"
Gulat at excited na tumayo sa desk niya si Lianna at sinalubong ang bagong dating. Agad kong iniwas ang mga paningin sa dalawa nang maghalikan ang mga ito.
"Hindi ko alam na pupunta ka. You surprised me."
"I know you love surprises that's why I'm here. And I missed you."
And they kissed again na animo silang dlawa lang ang nasa apat na sulok ng opisinang iyon. Bigla akong napatikhim nang malakas. Lumingon sina Lianna at XAvier sa akin.
"Oh, sorry, nandiyan ka pala," kunwari pang wika ng kakambal ko sa akin.
"Kung gusto n'yong maglampungan, maghanap kayo ng lugar n'yo, huwag sa nakikita ko."
Hindi ko alam kung bakit ako biglang naging bitter. Ganito rin naman kami ni Riggs, sweet sa isa't isa. We dated and kissed a lot. He gave me surprises too.
"Okay. We'll go ahead then." Hinapit na ni Xavi si Lianna at tuluyan na ngang umalis ang mga ito.
Ten minutes had passed bago muling bumukas ang pinto ng opisina. Sanay na sanay na si Riggs na pumasok roon kahit hindi na niya katukin. Upon seeing me, he smiled and gave me the boquet of red roses.
"Hi,sweetie!" Lumapit siya sa akin at dinampian ng halik ang mga labi ko. Balak sana niyang patagalin nag halik ngunit ako ang kusang bumitaw. Ewan ko kung bakit ganoon. Parang hindi na ako nahahalina sa dampi ng labi niya. At bigla-bigla na namang pumasok sa isip ko ang hitsura ng lalaking naka-one night stand.
The hell with that guy!
"Okay ka lang? Let's go?" AT mukhang hindi nakaiwas sa mga mapanuring mata ni Riggs ang pangingilag ko.
Tumango ako. "Yeah, let's go."
Bago kami umalis ay naghabilin na ako sa tumatayong superviser ng restaurant kapag mga ganito nawawala kami ni Lianna. Pagkuwa'y tinungo na namin ni Riggs ang parking area kung saan nakahimpil ang sasakyan niya. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto at agad akong sumakay.
"Daddy's excited to see you." Habang nagda-drive pauwi sa kanila ay panay ang kuwento sa akin ni Riggs. Nakikinig naman ako at pilit pinae-excite ang sarili sa mangyayari. Actually, it's not the first time na makararating ako sa mansyon nila kung sakali. Ilang ulit na rin akong dinala roon ni Riggs.
Sa social media ko pa lang nakikita si Mr. Desiderio San Diego. Dahil sa maselang sakit nito sa puso, sa America ito pina-operahan at doon na rin nagpalakas ng isang taon. The old man really liked me for his son, at mukha naman itong mabait. At minsan na rin akong nakapangako rito na magkikita kami oras na umuwi ito mula sa America. And today's that day.
Pagpasok sa malaking gate ng mansyon ay pilit kong pinalis ang kaba sa dibdib. Riggs kept on complimenting me of how lovely I was that day. Pagka-park niya ng sasakyan ay agad siyang umibis ng kotse at lumiban sa side ko upang pagbuksan ako ng pinto. He even kissed my hand bago ako alalayang makalabas ng sasakyan.
Nakaangkla ang kamay ko sa braso niya habang naglalakad kami papasok sa loob. Noong isang buwan pa ang huling punta naming magkasama sa kanilang malaking mansyon at kapansin-pansin agad ang mga bagong pintura ng labas nito. Medyo nag-iba rin ang interior sa loob. Mukhang pinaghandaan talaga ang pagbabalik ng ama nito.
"Are you nervous?" tanong ni Riggs habang naglalakad na kami papunta sa may dining area.
Umiling-iling ako. "Medyo."
"Don't be. Mabait ang daddy."
Hanggang sa tuluyan na nga kaming makarating doon at nakita ko ang may edad na lalaking nakaupo sa pinakadulong bahagi ng mesa.
"Dad!"
Iginaya ako ni Riggs para mas mabilis na humakbang palapit sa ama nito. Nagtama ang mga mata namin ng matanda ay agad ako nitong nakilala. He smiled at me but before he could even stand up ay nakalapit na kami rito ni Riggs.
"Iha, is that really you?" ngiting-ngiting maang na taong ng matanda habang tila amused na amused na nakatitig sa akin.
Ngumiti ako nang ubod nang tamis at nakipagbeso rito. "Ako nga po. Finally, na-meet ko rin kayo in person."
"She is really gorgeous, isn't she, Dad?" pagbibida pa sa akin ni Riggs.
"Yes, definitely." Muli akong hinagod ng tingin nito. Ilang papuri pa ang natanggap ko mula rito bago kami naupo sa magiging puwesto namin ni Riggs. "So how are you, iha?" tanong pa nito habang hinihintay namin ang pagkain ise-serve ng mga katulong.
"I'm doing great po. The restaurant still runs well so far. In fact nagbabalak na akong magtayo ng isang branch pa sa ibang lugar."
"'Well that's good news. Magaling talagang pumili ang anak ko. At your young age, who would have thought that you would be that successful in life?"
He was aware about some parts of my life. Naikuwento ko na rin dito ang tungkol sa mga magulang ko. Even the business establishments that our family owned. Gusto rin daw nitong makilala ang mga magulang ko. We were planning about it anyway.
Maraming ikinukuwento ang matanda about sa mga past experiences nito sa America. Nang finally ay maihanda na ng mga katulong ang mga pinaluto nitong putahe ay tumikhim ito at tumigil sa ppagkukuwento. Sumilip ito sa orasang pambisig at luminga sa gawi ng sala.
"Why is he not here yet?" mayamaya ay tanong nito.
Nangunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. Sino ang tinutukoy nito? Wala namang nabanggit sa akin si Riggs na may iba pang tao kaming makakasama sa lunch na 'yon. And he referred it as 'he', ibig sabihin ay lalaki ang tinutukoy nito.
Sumulyap ako kay Riggs na nasa tabi ko nang mga oras na 'yon. My eyes were asking who his father was referring to ngunit ikinibit-balikat lang niya iyon.
"Ang sabi ko ay huwag siyang male-late. Talaga ang batang iyon..." pailing-iling pang sabi nito.
Hindi na lang ako kumibo at patuloy na nakiramdam. Nakatingin ako sa nakahaing pagkain. I was slightly starving. Ngunit dahil mukhang may iba pang panauhing hinihintay ang matanda ay nananatili kaming hindi kumikilos.
Sunod-sunod na bumuntong-hininga ang matanda. "Mukhang hindi na siya darating, magsimula na tayo."
And we did. Pinagsandok pa ako ni Riggs ng pagkain. Nasa kalagitnaan kami ng tahimik na salo-salo nang biglang nag-angat ang tingin ng matanda at bumalatay sa mukha nito ang magandang ngiti. Nakatingin ang mga mata nito sa may bandang likod namin.
"Oh, I thought you're not coming!" Sumigla muli ang awra nito at napatayo pa sa kinauupuan. Unti-unti kong pinihit ang leeg upang makita kung sino ang tinutukoy nito. Ngunit mabilis ang kilos ng lalaki na agad na lumapit sa matanda kaya hindi ko rin nakita ang mukha nito.
"I'm sorry kung na-late ako, daddy. Tinapos ko na kasi agad lahat ng gagawin ko sa opisina. Believe me, I really rushed to be in here."
Pumuwesto na sa kabilang side ng mesa ang lalaki at naupo roon. Mula sa kinauupuan ko ay para naman akong naestatwa. Makailang beses ko pang ikinurap-kurap ang aking mga mata para malaman kung hindi ba ako nililinlang ng aking mga paningin. Pagkarinig ko pa lang ng boses ng lalaki ay napasinghap ako agad dahil sobrang pamilyar iyon sa akin. Now that I was facing him, agad nang naklaro sa isip ko kung sino ito. At hindi natago ang pagkabigla sa mga mata ko nang finally ay makaharap ito. Ang masama pa ay nagtama ang aming mga mata.
"Oh, brother. Would you mind introducing me to this lovely lady beside you?"