Chapter 02

1616 Words
SELENA Nakakailang ring na ang cellphone ko ay hindi ko pa rin iyon pinapansin. Nakalagay sa screen ang pangalan ni Riggs. Makailang ulit ko na ring nabasa ang mga mensaheng pinadala niya sa akin kinagabihan pa ngunit wala pa rin akong nire-replyan isa man sa mga iyon hanggang ngayon. Tulala pa rin ako habang nakahiga sa malambot na kama sa condo unit ko. Nakatulog na ako lahat-lahat pagdating ko roon mula sa hotel na pinagdalhan sa akin ng estrangherong lalaki. I thought pagkagising ko ay mawawala kahit kaunti ang shock sa mga pangyayari, ngunit kahit maghapon na akong nakatulog ay wala pa ring nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala. Nakipag-one night stand ako sa hindi ko kakilala? But God knows I didn't intend to do it. Akala ko talaga ay si Riggs ang lalaki. Magkakulay sila ng sasakyan, at sa tantiya ko, sa parte ring iyon ng parking lot ng bar naka-park ang sasakyan. Nang maaninag ko ang bulto ng lalaki, I thought it was really Riggs. Magkasinglaki kasi sila ng katawan at parehong... guwapo. "Che! Hindi guwapo ang isang 'yon!" nasabi kong bigla sa sarili. Napabuntong-hininga ako. Inalala ang hitsura nito. "Yeah, guwapo nga, pero mas guwapo si Riggo." Muling nag-ring ang cellphone ko, this time, it was mommy who's calling. Lahat ng sino mang tatawag sa akin ay mai-ignora ko maliban lang sa mommy ko. "Mommy?" sagot ko sa kabilang linya. "Ikaw na bata ka, saan ka nagpalipas ng gabi? Bakit hanggang ngayon hindi ka pa rin umuuwi ng bahay? Nasaan ka? Wala ka raw sa restaurant ngayon sabi ni Lianna. Hindi mo rin daw siya kasama umuwi kagabi." Histerikal ang boses ni mommy. Bumangon ako at sumandal sa headboard. "Dito ako sa condo ko nagpalipas ng magdamag, Mommy. Hindi ko na nahintay pa si Lianna dahil talagang gustong-gusto ko nang umuwi kagabi." Of course, hindi ko sasabihin ang buong naganap. Takot ko na lang sa magiging reaksyon ng mga magulang ko. Ayokong bumaba ang tingin nila sa akin. Lalo na ang mommy ko na ayaw pa nga sana akong payagang umalis kagabi. Hindi ko kasi kasama noon si Xavier, ang kakambal ko at same time ay boyfriend ng kaibigan at business partner ko na si Lianna. Lianna and I are running a restaurant. Instead of helping my brother and daddy manage our ownn company ay ang pagpapatayo ng sariling restaurant ang pinagtuunan ko ng pansin. Because cooking is what I love. Nag-aral pa ako sa international school para maging ganap na chef. I finished first my Bachelor's Degree in Hotel and Restaurant Management bago nag-aral ng culinary sa Italy. My parents are very supportive of me. Nagtrabaho muna ako ng mahigit isang taon sa isang sikat na resto para ma-experience at magkaroon ng ideya kung paano ang kalakaran doon. Then I met my classmate in culinary school again, si Lianna nga at napagplanuhan naming magtayo ng sarili naming resto. Almost eighty percent of the budget came from me. Mga naipon ko habang nang magtrabaho, iyong iba ay ni-loan ko sa daddy na ngayo'y unti-unti ko nang nababayaran. Kung tutuusin, kayang-kayang budget-an ng daddy ang pagpapatayo ng resto at kahit hindi na ako singilin nito. But I insist. Dahil kahit papaano, gusto kong maging independent at hindi umasa sa yaman nito. In the proccess of managing the resto, Lianna met my twin brother. Nang minsang bumisita si Xavie at kumain sa restaurant namin, ipinakilala ko sa kakambal ko ang kaibigan ko. Love sparked between the two at ngayon nga, isang taon na ang mga itong magkarelasyon. Malapit na rin ang mga ito na ikasal. It was just a month ago when my brother proposed to her. In one to two months ang plano ng mga ito. "Umuwi ka na ngayon din. Alalang-alala ako sa 'yo. Hindi ka sumasagot sa mga tawag namin kagabi." I'm already 27, yet my mother still treated me like 15. Ang katwiran niya kasi, ako ang nag-iisang babaeng anak nila ni daddy. Kaya ganoon na lang ang paghihigpit nila sa akin. Ayaw nilang mapariwara ang buhay ko. Maayos naman ang naging pagpapalaki nina mommy sa amin and of course, alam ko naman ang tama ang mali. Nasa right age na rin naman ako kung sakali. They didn't want me to spend the night with Riggo o kahit magbakasyon lang na kasama ito kahit legal naman ang relasyon namin. Mommy wanted it to be marriage first before everything. Kaya lang hindi na mangyayari 'yon, dahil may nangyari na sa akin. Nag-inat-inat ako saka bumangon. "Okay, 'Mie. Uuwi na 'ko." Pagkatapos naming mag-usap ay dumeretso na ako sa banyo para maligo. Pagdating ko kaninang umaga sa condo ay deretso higa ako sa kama at hindi namalayang nilamon na pala ako ng antok. Kaya hanggang ngayon ay suot ko pa rin ang dress na suot ko kagabi at maging ang... pigil ko ang tawa at inis nang maalala ang brief na hiniram ko sa lalaki. Sa pagmamadali ko kanina, nalimutan kong isuot iyon kaya naki-CR muna ako sa may lobby ng hotel. That was one hell of the night na ayoko nang maulit at maalala pa. Sana hindi na ulit mag-krus ang landas namin ng lalaking iyon. Itinapon ko sa basurahan ang brief. Of course, ayoko ng alaala mula sa lalaking 'yon. Pagkatapos maligo at nag-ayos agad ako para makauwi agad ng bahay. Tiyak na katakot-takot na sermon ang aabutin ko kay Mommy. First time na hindi kasi ako umuwi sa amin ng magdamag. . . . . . "I've been calling you. Tawag ako nang tawag sa 'yo kagabi. Bakit hindi ka sumasagot, ha?" Nasa bahay na ako at kaaakyat lang ng kuwarto. Katatapos lang mag-dinner at katatapos lang din akong sermonan nina mommy at daddy. Heto, finally, sinagot ko rin ang tawag ni Riggs. Pero sikmat agad ang ibinungad sa akin. "I''m sorry, I was so drunk last night at hindi ko na talaga kaya, kaya umuwi na lang ako," katwiran ko. "Hinanap kita kagabi sa labas pero hindi kita nakita kaya umalis na ako. I'm sorry. I'm really sorry. Babawi na lang ako." Ramdam ko na tila hindi nabawasan ang inis sa akin ni Riggs sa kabilang linya. "Paano ka nakauwi? Wala kang dalang sasakyan? Damn. Sabi ko na eh, hindi na tayo dapat nag-bar, dapat dumeretso na lang tayo sa bahay." May panghihinayang sa boses nito. Napabuntong-hininga ako. "Kung bakit kasi umalis ka pa? Wala tuloy ako no'ng kasama." Umalis din si Lianna, pagkaraang magpaalam ni Riggs kaya nainip na ako. Tapos hindi ko alam na ganoon ang mangyayari. How could I explain ito to him? Oh, was it really necessary na ikuwento ko sa kaniya ang totoong nangyari? He will hate you for sure. At tiyak na iiwanan ka. "Kung bakit kasi kailangan mo pang malasing bago ka pumayag." Ngayon may himig pagtatampo ang boses ni Riggs. "I-I'm sorry..." Wala naman akong masabi maliban sa mga katagang iyon. Nakokonsensya ako sa nangyari. Siya dapat ang kasama ko nang gabing 'yon at hindi ibang lalaki. Pero magmukmok man ako nang magmukmok, wala na rin akong magagawa. Nangyari na ang hindi dapat mangyari. Narinig ko ang pagbuntong-hininga rin ni Riggs. "Hayaan mo na. Marami pang pagkakataon. I guess we can try again some other time." "Yeah. O-of course." "Nga pala tomorrow..." Para akong tinulos sa kinapupuwestuhan ko. Tomorrrow? Aayain niya akong sumama sa kaniya bukas? "N-No, Riggs. I-I can't." Nakagat ko ang pang-ibabang labi. "H-Ha?" Parang nagulat siya. Nagbago ako ng puwesto sa pagkakahiga. "K-Kasi ano...." Pumikit ako at mabilis na mag-isip. "N-Never mind. A-Ano'ng meron tomorrow?" Hindi ko maintindihan ang sarili. I just couldn't imagine the same thing that I did with that stranger with him anymore. Imagine, I had a one-night with somebody else tapos kami rin ay... Riggs loves me. Hindi naman siya nag-fail na ipadama iyon sa akin. He's been a real sweet and attentive boyfriend to me. May mga pangarap din siya para sa aming dalawa. Kapag naging CEO na siya ng kumpanyang pag-aari ng ama, ang sabi niya'y magpapakasal na kami. He wanted to be the best version of himself before it happened. May mga plano na nga rin kami kung saan kami magpapatayo ng bahay, kung ilan ang magiging anak namin. Etc, etc... Normal na naman daw iyong ginagawa ng magkarelasyon. That's their way of showing how they are physically and emotionally attached to each other. How they love each other. And he said, it's not s*x. It's making love. At pareho na kaming adult. Ewan kung bakit ako itong ginagawa iyong big deal. But then again, wala na. You're no longer a virgin. Somebody has already stolen it away. "Tomorrow darating ang daddy. Finally, tapos na ang treatment niya sa America. Magaling na siya. And he wants to meet you personally. He is expected to arrive bukas bago magtanghali. What about a lunch with us? Siguro naman, hindi mo ako matatanggihan. And then we'll -" Napatikhim ako. "Alright, sige. Tomorrow," mabilis kong tugon. Ayokong marinig ang idudugtong niya. Hindi pa ako handa. "See you tomorrow." Tila sumigla ang boses ang boses ni Riggs. "Masakit pa ang ulo ko, Riggs. Kailangan ko na ulit magpahinga," aniko pagkuwan. Totoo namang may iniinda pa akong sakit nang mga sandaling 'yon. Kaya lang, hindi sakit sa ulo kung hindi sa pagitan ng mga hita ko. How many times na may nangyari sa 'min kagabi, hindi ko na alam. Basta ang alam ko lang, naaalimpungatan akong hinahalikan na niya ang mga labi ko. And damn! Yet I was enjoying it. He sighed again. "Sige na. Magpahinga ka na. Basta bukas, susunduin kita. Hmm?" "Oo. Sorry talaga, Riggs." Tinapos ko na ang tawag. Sorry, if I can't tell you what really happened. Kasi naman ang lalaking 'yon... Buwisit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD