SELENA PUNO ng naggagandahang bulaklak ang buong paligid. Lahat ng mga bisita ay nakangiti at nakasentro ang tingin sa bride na mabagal na naglalakad sa red-carpeted na sahig ng simbahan. Habang naglalakad ito ay may mga nagkakalaglagang petals mula sa itaas. Then a sweet wedding march music came along. Mahaba ang suot na gown ni Lianna. She looked like a Goddess walking down the moon to meet her beloved mortal man. Kung hindi ko alam ang mga kagaguhang pinaggagawa niya kapag wala si Xavi, malamang ganoon ang iisipin ko tungkol sa kaniya. Malamang na matutuwa ako at lihim na maiinggit because finally, every woman's dream to marry the man she loves was about to happen. Maluha-luha si Xavi habang pinagmamasdan niya ang paglapit ng babaeng pinakamamahal. Habang literal na parang dinuduro

