SELENA "EH itong si Selena, kailan kaya mag-aasawa?" Ngiting-ngiti nang bumaling sa akin si Lola Conchita. Muntik na akong masamid ngunit pasalamat na lang at nakapagpigil ako. Tumikhim ako saka ngumiti. "Matagal pa, 'La. Paunahin ko muna si Xavi," sagot ko sabay ipinagpatuloy ang pagkain. We were having breakfast that morning at 'masaya' ang topic na pinag-uusapan. About Xavi's wedding, which was about to happen tomorrow. Kompleto kaming pamilya na naroon lahat. Both our grandparents from both side were already here and so excited for the upcoming wedding. Pati ang mga tito at tita namin at mga pamangkin from our mother side. Sadly, hindi sigurado kung makakarating on time sina Tito Marcus at Tita Jean dahil saktong may ganap ding importante sa buhay ng anak ng mga ito sa petsa ng kas

