SELENA SA isang hotel and restaurant tumigil ang sasakyan. Kahit nakailang beses na akong nag-insist na hindi ako kakain at kailangan ko nang makauwi agad ay parang walang narinig si Frank. He drove away na tila sinasadya pa nitong bagalan at layuan ang aming destinasyon. "I told you, busog pa ako dahil nag-dinner nga kami ni Riggs kanina," nakasimangot pa ring tanggi ko nang tanungin niya kung ano ang gusto kong kainin. "So have you finally broken up with him?" Nakataas ang isang kilay ni Frank habang nakatingin sa akin. "Of course... Hindi!" nanlalaki ang mga matang sagot ko. Humalukipkip pa ako. "Hindi ako makikipag-break sa boyfriend ko. M-Mahal na mahal ko kaya 'yon." Kahit sa totoo lang ay hindi ko na mapangatawanan ang mga salitang iyon. Habang tumatagal ay parang nawawalan na

