SELENA "NO!!" hindi napigilan na malakas na sigaw ko. Kasabay niyon ay sumagitsit ang ingay nang bigla kong tapakan ang brake ng kotse ko. Tulalang nahabol ko ng tingin ang dere-deretso pa ring humaharurot na motor. Saka dali-daling bumaba ng sasakyan. Agad akong nagimbal sa nasaksihan ko. Duguan ang babaeng nakahandusay sa kalsada. Buhay pa ito dahil naigagalaw-galaw pa ang mga kamay at paa. Nilunok ko ang takot kahit nang mga oras na 'yon ay parang bibigay na ang mga tuhod ko. First time kong nakasaksi sa ganitong klase ng aksidente. Nilapitan ko ito. "T-Tulong... T-tulon..." Sa labis na panghihina ay halos wala nang boses na lumalabas sa bibig nito. Lalo akong nahindik nang makita sa malapitan ang mukha nito. Isang matandang babae. "Naku, Miss, huwag mong hahawakan!" Naagaw ang

