SELENA NAKAILANG sulyap na ako sa wristwatch dahil sa pagkainip. Joseph kept on looking at me. Kanina pa nito gustong lumapit para makipag-chikahan sa akin pero sinabi ko ritong serious mode muna ako dahil may katatagpuin akong tao roon. Doon ko na lang naisip na magkita kami ni Lindsay, sa coffee shop nito, dahil almost taken na ang lahat ng table sa restaurant. Besides, halos magkatapat din naman iyon. Mahigit sa kalahating oras na rin akong naghihintay kaya naiinip na talaga ako. Frank just informed me that Lindsay was on the way already. Hindi ito sasama dahil nataong may sobrang mahalagang meeting na dinadaluhan. "Ate Selen?" Parang nabuhayan ako ng loob nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko na agad si Lindsay. Lindsay

