SELENA "WHAT happened?" nagtataka at nag-aalalang tanong ni Frank. "Issa was rushed to the hospital. Muntik nang mawala ang pamangkin ko. Buti na lang, malakas ang kapit ng baby," agad na sagot ko. "Pamangkin.... Y-You mean..." Tumango-tango ako. "Yes. She's pregnant. My twin brother's baby." At nagsimula na nga akong magkuwento ng mga pangyayari. Buti na lang ay agad na nadala sa ospital si Issa and she's fine now and the baby. I was relieved for a while. Coincidentally ay sa parehas na ospital kung saan naka-confine ang daddy ni Frank isinugod din si Issa. Nasa kabilang floor lang ang kinaroroonan ni Frank at nang magising si Issa at makausap ito ay agad akong nagtungo sa sumunod na palapag. "So what's your plan? When will you tell them the truth?" concerned na tanong ni Frank

