SELENA THAT event kept me uneased these passed few days. Palagi kong naiisip ang hitsura ni Riggs at mga napag-usapan namin sa ospital and nandoon pa rin ang takot sa isip ko. Sa tuwing mapapalabas ako sa aking opisina, hindi ko maiwasang kung saan-saan tumingin sa takot na baka nandoon lang si Riggs at nagmamasid. Although bigo ako na makita ito, pakiramdam ko ay may mga mata pa ring nagmamasid sa paligid ko. Sinabi ko kay mommy at daddy ang nangyaring iyon. Hindi lang si Frank ang nangulit sa mga pulis na pag-igtingin ang paghahanap kay Riggs pati na rin si Daddy. Masyadong mabagal ang paghahanap ng mga ito. Gusto pa nga ni Daddy na ikuha ako ng personal bodyguard ngunit tumanggi ako. Araw-araw naman akong hinahatid-sundo ni Frank. Hindi naman siguro maglalakas ng loob na pumasok sa re

