LOGAN’S POV Napanganga ako dahil sa biglang pagbabago ng mood ng girlfriend ko. Damn! Ang bilis nun ah? Napakamot na lang ako sa batok at sinundan siya. Sakto namang dumating na ang sundo ng kasamang babae ng anak ko. “Mommy!” tili ng batang babae sabay takbo patungo sa nanay niya. Napataas ang kilay ko nang sumunod ang anak ko. “Mommy this is Ambrose, my boy friend and that’s his parents!” Pakilala ng bata. “Boyfriend??” sabay naming tanong ni Mara at ng mommy ng batang babae. “I mean, boy. Friend mommy!” matinis ang boses ng batang babae. “Ohh!” natatawang wika ng ginang at napatingin sa anak ko. “Hello po, I’m Ambrose Gutierrez.” pormal na pakilala ng anak ko. Napangisi ako dahil doon pero agad ko ring tinikom ang bibig nang makitang masama ang tingin ng girlfriend ko sa

