“Do you want us to drop by the hospital, baby?” tanong ni Gov habang nagdadrive. Napakamot ako sa batok at masama siyang tiningnan. “Oa mo gov ah! Ayos nga lang ako, wala ngang kahit isang galos eh. Kalma kana please?” pakiusap ko sa kaniya. Muli siyang napabuntong hininga at hinawakan ang hita ko. Papunta na kami ngayon sa school ng anak namin dahil susunduin namin siya. Sa labas na lang daw kami kakain dahil inaayos pa ang kusina namin kaya hindi pa makakapagluto doon. “I’m sorry, baby.. I just wanted to make sure you’re okay.” marahan niyang saad na humaplos sa puso ko. “I know. Wag kang mag sorry.” saad ko at hinawakan ang malaking kamay niya na nasa hita ko. Nasa harap pa lang kami ng school pero agad na kumabog ang dibdib ko nang makita si Alexa na naghihintay doon. Shi

