“Baby, may stocks pa tayo nito—“ “Ah, ah, ah? May sinasabi ka?” mabilis kong putol sa sinasabi niya at inilagay sa cart ang isang box ng gatas. “Wala, boss madam.” Sagot niya na ikinangiti ko. “Very good.” wika ko at inirapan siya. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya habang nakasunod sa akin. Malapad ang ngiti ko at sobrang gaan na ng pakiramdam ko. Hindi gaya kahapon at kagabi na para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Nag ooverthink din ako kagabi dahil ang tagal niyang umuwi! Kaya ngayon gusto kong parusahan siya. “Hmm.. may kulang pa ba?” tanong ko sa aking sarili. “I think wala na, baby. Ang dami na nito actually.” rinig kong saad niya pero hindi ko siya pinansin at nag isip pa ng dapat bilhin. “Ahh! Sa meat section, Logan! Punta ka doon, kuha ka ng steak meat.”

