Nagising ako dahil sa nakakakiliting pakiramdam sa aking mukha. “Good morning, mommy ko..” Mahinang bulong ni Ambrose at hinalik halikan ang aking buong mukha. Iyon pala ang nakakakiliti. “Good morning, baby.” bati ko at napangiti. “Daddy is still sleeping, mommy ko. He looks tired po.” wika ng anak namin kaya napatingin ako kay Gov na halos ipagsiksikan na ang sarili sa aking katawan! Sa laki ng katawan niya at halos kainin na ang katawan ko! Dahan dahan kong tinanggal ang isang hita ni Gov na nakadantay sa aking mga hita din. Tinanggal ko din ang braso niyang nakapulupot sa aking tiyan bago ako bumangon sa kama. “Stay here, baby. Mag aayos lang si mommy ha?” Anas ko. Tumango naman siya agad kaya nagtungo na ako sa banyo. Pagkalabas ko ay mahina akong natawa nang maabutang

