“Saan ka galing?” Iyon ang bungad kong tanong kay Gov pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan sa bahay namin. Hating gabi na at kakauwi niya pa lang. Kanina pa ako naghihintay sa kaniya eh. “Anong nangyari sa I’ll be home before six pm mo, gov?” dagdag ko pa. Napatigil siya at napabuntong hininga bago naglakad ulit papalapit sa akin. “Hey, baby..” bati niya at sinubukang humalik sa akin pero mabilis akong umiwas dahil sa naamoy ko. “Ang baho mo, Gov! Amoy alak ka!” Asik ko at umatras. Napanguso siya at muling napabuntong hininga. “Bakit ka nag inom? At hindi ka man lang nagsabi sa akin? At bakit mo kailangang magsinungaling huh? Akala ko ba tungkol sa trabaho ang—“ Napatigil ako sa pagrarant nang inilapat niya ang hinlalaki sa aking mga labi. “Shhh.. baby.. sorry.” ani ni

