Chapter 6

1598 Words
MARA'S POV "Teacher, you're awake too!" bulalas ni Ambrose kaya napatingin ako sa kaniya. Inayos ko muna ang salamin bago ngumiti nang makita siya. Hindi naman talaga sira ang mata ko, itong salamin ko ay walang grado. Pang disguise ko lang talaga to. "Hey baby. Kanina ka pa ba gising?" usisa ko sa kaniya. Hindi ko na pinansin si sir Logan na naupo sa kaharap kong sofa. "No po, just a while ago. Look, teacher, daddy bought us Jollibee!" magiliw nitong pahayag sabay lapit sa akin. "Wow! Super bait naman ng daddy mo no? Pati ako binilhan!" plastic kong wika. Napangiwi si Ambrose habang papalapit sa akin. "But you said earlier, teacher that daddy is sungit and—" Mabilis kong tinakpan ang bibig ng bata dahil sa sinabi. "Hehehe masarap ba yang Jollibee na yan, baby? Pahingi ako ha?" agad agad kong sabi sabay kurot sa pisngi niya. Kinuha ko ang paper bag ng Jollibee at agad na nalanghap ang mabangong aroma nito. Gagi bigla tuloy akong nagutom! "I didn't buy it for you, woman. It's for my child." baritonong wika nito kaya napanguso ako. "Kaya nga sabi ko pahingi ako sir eh. Nakuu tumatanda na kayo, medyo bingi na." wala sa sarili kong wika habang kinukuha sa paper bag ang burger. "Nakakalimutan mo yatang boss mo ako?" Natauhan ako bigla sa narinig. Napatigil ako at napalunok. Shit! Bakit ko ba kasi nasabi yun! "S-Sorry sir, joke lang iyon hehe" kabado kong wika. Pagtingin ko sa kaniya ay biglang kumabog ang dibdib ko. Umiigting ang panga niya at tila nagalit ko yata. Sorry naman huhu. Hindi ko alam na sensitive pala siya sa topic na yun! "This is for you, teacher, and this is for Ambrose!" mahinang wika ni Ambrose sabay lapit sa akin ng isang box ng fries. Napaayos ako ng upo sa gulat dahil biglang tumayo si sir Logan. Iniwan niya kami sa sala at dumiretso sa kusina. Totoo naman eh, sign of aging na yung medyo nabibingi na! Tsaka ilang taon na ba si sir? "Baby, ilang taon na ba daddy mo?" kyuryoso kong tanong kay Ambrose. Inosente niya akong tiningnan. "I don't know po, teacher. Let's ask daddy an—" "Naku wag na! Nagalit na nga eh." agad kong sambit at binuhat siya. Pinaupo ko siya sa aking kandungan at sabay naming kinain ang Jollibee na bili ni sir Logan. "I'm full na po, teacher!" bulalas ni Ambrose at inilahad sa akin ang burger niyang kakarampot nalang. "Nahiya ka pa! Ubusin mo na lang yan, kaunti na nga lang eh." asik ko at natawa. Ngumuso ang bata at umiling iling. "No, I'm full na po eh. Not kasya na in my stomach." cute niyang saad sabay tapik sa kaniyang tiyan. Umirap nalang ako at kinuha ang inilalahad niya. Agad ko iyong kinain at nagulat nang biglang maglagay ng isang pitsel ng tubig si sir Logan sa center table. May dalawang baso doon kaya agad akong nag assume na para sa akin ang isa. "Thank you sir!" bulalas ko at aabutin na sana ang isang baso pero mabilis niya iyong hinawakan at sinalinan ng tubig at ininom. Aabutin ko na sana ang pangalan pero sinalinan niya din iyon at inilahad kay Ambrose. "Baby, here's your water." malumanay niyang wika sa anak at tiningnan ako ng matalim. "Grabe ka sir." nakanguso kong saad. Tinaasan niya ako ng kilay at umayos ng upo sa kaharap naming couch. Napatingin ako sa basong ininuman niya at napangisi nang may maisip. Akala mo sir ha.. Mabilis akong kumilos at inabot ang baso niya. Nilagyan ko iyon ng tubig at dali daling nilagok. "Thank you sir!" nakangisi kong wika pagkatapos uminom. Kitang kita ko ang gulat sa mukha niya. Satisfying makita ang panibagong ekspresyon sa mukha niya maliban sa iritado at masungit. "Tsk. Gross." suplado niyang wika pero kitang kita ko naman ang pamumula ng mga tenga niya. Suss! Nagbablush si sir eh! Hindi ko na lang iyon pinuna dahil baka mamaya magsungit na naman. Napatingin ako sa wall clock at agad nataranta nang mapansing malapit nang mag alas sais ng hapon. Diyos mio! Over time na ako dito ah. Hinarap ko si sir Logan at huminga ng malalim. "Kelan ko makukuha ang sahod ko sir? Pagkatapos ba ng isang araw? Or isang linggo?" Seryoso kong tanong. Umayos siya ng upo at tila nag isip pa. "Hmm.. what do you prefer?" baritono nitong tanong sa akin. "Siyempre after nalang ng isang araw sir. Kailangan ko ng pera eh." mabilis pa sa alas kwatro kong sagot. Napaismid siya at mahinang tumango. "Stay here." wika niya at tumayo. Napangisi ako dahil alam kong kukuha na siya ng pera. Half day lang ako ngayon kaya may two thousand five hundred akong kita. "You're going home na po, teacher?" inosenteng tanong ni Ambrose sa akin nang makitang nagliligpit na ako ng gamit ko. "Oo eh. Bukas naman ulit." nakangiti kong wika sa kaniya. Tila nalungkot ang bata kaya dinaluhan ko agad. "Wag kang malungkot. Diba big boy kana? Yung assignment mo ha? Huwag mong kakalimutan." paalala ko. Tumango naman siya kaya isinukbit ko na ang bag sa aking balikat at hinalikan ang kaniyang pisngi. "Can I kiss you too, teacher?" tanong niya. Agad kong iniumang ang aking pisngi sa kaniya para makahalik siya sa akin. "See you tomorrow po!" Paalam niya sa akin. Agad namang dumating si sir Logan at naglahad ng pera sa akin. Hindi na ako nagpa keme keme pa at inabot agad iyon at isiniksik sa bra. "What the f**k?!" gulat niyang bulalas dahil sa ginawa ko. "Bakit sir? Mas safe siya dito dahil babiyahe pa ako pauwi. Maraming holdaper sa daan no!" Pagrerebat ko pa. "Tsk. Whatever." saad niya na hindi ko nalang pinansin. "Alis na ho ako sir. Thank you po! Bye baby Ambrose!" paalam ko pa. Kumaway sa akin ang bata habang hindi man lang ako tiningnan ni sir Logan. Napasinghap ako pagkabukas ng pintuan ng bahay nila dahil sumalubong sa akin ang malakas na hangin na may kasamang ulan. "Walang hiya! May bagyo ba?!" wala sa sarili kong bulalas sabay yakap sa aking sarili dahil sa sobrang lamig. "You don't know?" Napaigtad ako dahil sa boses ni sir sa aking likod. Grabe naman mang gulat ang isang to! "Makulimlim lang naman kanina eh, wala pang ulan tapos ngayon ang lakas na. Hays." nanghihina kong wika. "Umuwi kana." biglang saad ni sir kaya hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. "Luhh si sir walang konsensya! Ang lakas ng ulan oh may hangin pa kapag ako natangay kasalanan mo—" "Yeah yeah. You're annoying tsk." inis nitong sambit sabay talikod sa akin. Muli kong isinara ang pintuan at bumalik sa loob. Bahala siya hindi ako uuwi ngayon hangga't hindi tumitila ang ulan. "Teacher?" takang tanong ni Ambrose nang makita akong pabalik. "Hindi makakauwi si teacher kasi malakas ang ulan, baby. Ayos lang ba dito muna ako?" nakanguso kong wika. Nanlaki ang mga mata ni Ambrose sabay tango tango. "Yes! Yes! Yes teacher!" napapapalakpak na wika ni Ambrose. Napangiti tuloy ako. "Thank you, baby! Buti kapa ang bait bait. Hindi katulad ng iba diyan." sambit ko at sinadyang lakasan ang boses nang makita si sir Logan na papalapit sa amin. "Can you cook?" masungit na tanong ni sir sa akin. "Oo naman sir! Kahit ano pa yan kayang kaya ko." agad kong sagot. "Good. You cook para may ambag ka naman dito." sambit niya sabay buhat kay Ambrose. "Let's go, baby. Let's wash you up." wika niyo sa anak. Kumawak sa akin si Ambrose kaya kumaway na din ako pabalik. Inialagay ko ulit sa couch ang bag ko at dumiretso sa kusina. "Teka, ano palang lulutuin ko?" Tanong ko sa sarili. Napakamot ako sa ulo dahil nakalimutan kong magtanong. Nag martsa agad ako papunta sa kwarto nina sir para magtanong kung anong gusto nialng hapunan. Baka mamaya tuluyan na akong mapalayas dito ng hindi oras dahil ayaw nila sa niluto ko eh. Kumatok ako ng tatlong beses at nang walang sumagot at mabilis kong pinihit ang siradura. "Ahhhhhhhhhh! Bastos!" malakas kong tili nang bumungad sa akin si sir Logan na hubo't hubad! Madiin akong napapikit sabay takip pa sa aking mga mata. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa nakita. Putangina ang laki! Ang haba at ang taba! Muling nanumbalik ang mga alaala noong unang gabi naming dalawa. Hindi ko masyadong nakita iyon dahil madilim sa kwarto pero ngayon, oh my god! Nakakatanggal hininga. "Why are you here woman?" kalmado ang boses na sambit ni sir kaya dahan dahan kong idinilat ang mga mata pero muling napasigaw nang makitang ganoon parin ang hitsura niya! Hindi man lang nagtapis o ano! "Sir takpan mo naman po please lang! Ang bastos niyo!" Malakas kong sigaw. "Ikaw ang nandito sa kwarto ko tapos ako pa ang bastos ngayon?" saad niya kaya napanguso ako. "Gusto ko lang namang magtanong kung anong gusto niyong hapunan!" pasigaw kong wika habang nakapikit padin. "You can open your eyes." baritonong sambit nito. "May takip naba yan?" tanong ko pa. Hindi siya sumagot kaya dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at nakahinga nang maluwag ng makitang may takip na talaga. "Hoo! Grabe ka sir!" bulalas ko at pinahid ang pawis sa noo. "Anong hapunan nga?" tanong ko ulit. "Sinigang." tipid nitong sagot kaya tumango tango ako. Pinasadahan ko pa ng tingin ang katawan niya. "You want to see it again?" nakangising wika ni sir. Nanlaki ang mga mata ko at kumaripas na ng takbo bago niya pa matanggal ang tuwalyang nakatapis sa bewang niya. Bastos talaga si sir! Porket malaki ang alaga niya eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD