MARA'S POV
"Hello po! Naaalala niyo pa ba ako? Hehe" unang bati ko sa guard ng village kung saan ang bahay ni sir Logan. Tinitigan ako ni kuyang guard at kumunot ang noo niya. Napanguso ako dahil mukhang hindi niya ako naaalala.
"Ano pong sadya ma'am?" tanong niya. Inayos ko muna ang buhok kong nagulo dahil sa pagsakay ko ng jeep bago sumagot.
"Uhm private tutor po ako ng anak ni Governor Logan, sir. Baka pwedeng pumasok po hehe." Sagot ko naman.
"Sandali lang po ma'am." wika nito sabay kalikot sa telepono niya.
"Id niyo po ma'am." sambit niya kaya agad kong inilahad ang id kong peke sa kaniya.
Inis scan niya iyon sandali bago binalik sa akin at automatikong bumukas ang gate. Napangiti ako dahil sa mangha. Hindi talaga ako magsasawang mamangha sa ganitong innovation ng mundo. Sobrang dami nang high tech sa panahon ngayon. Habang tumatagal, mas lalo akong nakakaramdam na napag iiwanan na ako. Ni kahit cellphone na de keypad nga ay wala ako habang ang iba ay halos tinatambak tambak lang ang touch screen nilang cellphone. Hayss...
"Maraming salamat sir!" pahayag ko sa guard bago naglakad na papasok. Pagkarating ko sa harap ng bahay nina sir Logan ay pinindot ko ang doorbell ng dalawang beses. Naghintay lang ako sandali bago ko narinig ang boses ng isang lalaki.
"Face recognition." rinig kong wika nito. AI iyon na nasa camera. Nag smile ako doon at nag peace sign.
"Face recognition successful. Welcome!"
Napangiti ako sa pahayag nito. Maya maya lang ay bumukas na ang gate sa bahay nila at agad akong pumasok.
Mag aalas dose na din ng makarating ako kaya hindi na ako nagtaka nang maabutang nagtatanghalian ang gwapong mag ama.
"Hi sir, hi Ambrose!" bati ko sa kanilang dalawa. Seryoso lang akong tiningnan ni sir Logan.
"You're finally here, teacher!" masayang wika ni Ambrose at pumalakpak pa. Napangiti ako at bumalik na sa sala. Bigla tuloy akong nagutom, naalala kong wala pa akong umagahan dahil sa pagmamadali ko kanina.
Hmp! Nagmadali pa ako eh iniwan din naman nila ako!
Kinuha ko nalang ang mga textbooks na gagamitin namin ni Ambrose ngayong araw at inayos ko iyon sa mini table na nasa gitna ng sala. Si sir Logan ang nag provide lahat ng learning materials para sa anak niya. From textbooks, notebooks, activities booklets lahat na. Ang kailangan ko lang gawin ay turuan si Ambrose.
Hindi naman ako nahihirapan dahil matalino ang batang iyon at seryoso sa pag aaral.
"Daddy ko, buy us snacks please on your way home?"
Napalingon ako sa kaliwa nang marinig ang cute na boses ni Ambrose. I saw them, nasa b****a ng kusina at nag uusap. Lumuhod si sir Logan para magpantay sila ng anak niya.
"Okay, what do you want huh?" malumanay ang boses nitong tanong sa anak. Tumayo ako ng mabuti at nakangiti silang pinanuod.
Ang cute nilang panuorin sa totoo lang! Pareho kasing gwapo eh. Tsaka, nakakaaliw tingnan ang malambot na ekspresyon ni sir Logan para sa anak. Kapag iba kasi ang kaharap niya ay tila palagi siyang galit at naiinis eh.
"My favorites, daddy ko! Jollibee!" sagot naman ni Ambrose kaya natawa ang ama niya at kinarga siya.
"Okay, baby." wika nito bago naglakad papalapit sa akin. Agad akong nagkunwaring may ginagawa para hindi mahalatang pinapanuod ko silang dalawa.
"Hi, again teacher!" bati ni Ambrose nang inilapag siya sa couch ng ama niya.
"Hello, baby." nakangiti kong bati at inilapag sa mesa ang textbook na binabasa.
Hinarap ako ni sir kaya tiningnan ko siya.
"I'll be home by five pm. Don't let my son go outside, understood? Stay inside, I don't care what you and my son do, as long as he's safe." strikto nitong bilin. Tumango tango ako at sumaludo.
"Yes sir, copy." tugon ko. He scoffed na para bang nawiwirduhan sa pinag gagagawa ko.
Hmm, whatever!
Muli niya akong hinarap at mukhang may sasabihin pa pero natigil iyon nang biglang kumalam ang sikmura ko.
Shit! Narinig niya iyon!
"There's still food in tbe kitchen, you can eat there. Tss." masungit niyang wika at tinalikuran na ako para magtungo sa anak niya.
Nahihiya akong tipid na ngumiti. Tanginang tiyan naman to eh, pinahiya pa talaga ako. Pwede namang mamaya na siya kumalam kapag nakaalis na si sir.
Mabilis na nagpaalam si sir Logan sa anak niya at nagmamadaling naglakad papalabas ng bahay. Nang kaming dalawa na lang si Ambrose sa loob ay muling kumalam ang sikmura ko na narinig ni Ambrose.
"Are you hungry, teacher?" inosente niyang tanong sa akin. Napangiwi ako at tumango. Mabilis siyang tumayo at hinila ako.
"Come, you should eat." anyaya ng bata sa akin na ikinangiti ko.
Hayys, mag ama nga talaga sila.
Nagpaubaya ako papuntang kusina.
"I'll wait until you're full po, teacher." nakangiti niyang wika sabay amba sa upuan. Binuhat ko siya at iniipo sa inupuan niya kanina nung kumakain sila ng tatay niya.
"Thank you, baby Ambrose." malumanay kong pahayag bago kumuha ng sariling plato at pagkain.
"Anong gusto mong gawin natin pagkatapos ng lesson natin, baby?" tanong ko habang kumakain.
"Teacher, you shouldn't talk while your mouth is full po. Daddy always says that's a proper etiquette." pahayag ng bata kaya nabilaukan ako.
Shit! Napangaralan pa ako ng bata neto!
Agad akong kumuha ng tubig at maluha luhang ininom iyon.
"I'm sorry, baby." nahihiya kong wika. Tama naman kasi siya.
"It's okay po, teacher!" magiliw niyang wika. Nagpatuloy ako sa pagkain habang nagkukwentuhan kaming dalawa.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na rin ang pinagkainan siyempre.
"Let's start the lesson, are you ready?" nakangiti kong pahayag. Agad naman siyang tumango tango at tumakbo papalabas ng kusina.
"Diyos kong bata ka wag kang tumakbo! Baka madapa ka!" tili ko pero tinawanan lang ako ng bata na to.
"Teacher you're slow!" natatawa niyang sambit at humiga sa pahabang couch habang hinahabol ang hininga. Inirapan ko siya at nameywang sa kaniyang harap.
Nanggigigil ako sa batang to eh. Sarap kurutin ang tambok pa naman ng pisngi nakuu!
"Come on, magsimula na tayo." sambit ko makalipas ang dalawang minuto. Agad siyang bumangon at sumeryoso ang mukha.
"Eto, you're familiar with primary colors right?" pagsisimula ko. Tumango siya at tiningnan ang hawak kong textbook.
"What are the primary colors?" subok kong tanong sa kaniya.
"Red, blue, and yellow po teacher." Mabilis niyang sagot na ikinangiti ko.
"Very good. Now kunin mo ang mga colors na yun dito." utos ko sa kaniya at inilahad ang box of crayons. Mabilis niyang kinuha ang crayons at ipinakita sa akin. Inilapag ko ang textbook sa kaniyang harapan.
"Where's the circle, baby?" tanong ko. Mabilis niyang itinuro ang bilog na drawing.
"Now, color that as red. Triangle as yellow and the square as blue." utos ko. Mabilis siyang sumunod at kinulayan ang mga sinabi ko.
Natawa ako dahil lagpas lagpas ang pagkakakulay niya pero ayos na iyon. As long as he follows the instructions. Circle as red, triangle as yellow and square as blue.
"Wow! Very good, baby Ambrose!" puri ko sa kaniya.
After the color and shapes we proceed to the numbers. Medyo accelerated ang batang ito, ang bilis matuto eh nakakatuwa.
"Teacher I'm tired na po." nakanguso niyang reklamo. Tiningnan ko ang wall clock nila at napansing halos isang oras na din kami sa session. I gently smiled at tap his cheeks.
"Let's take a break muna, Ambrose." marahan kong wika. Agad niyang binitawan ang lapis at humiga ulit sa couch. Natatawa ako habang chinicheck ang nasagutan niya.
"That's enough for today, baby. I'll be giving you assignments okay? Patulong ka mamaya sa daddy mong masungit." pahayag ko. Narinig ko ang mahina niyang tawa.
"Daddy isn't masungit po teacher." pagtatanggol niya sa ama. Umikot ang mga mata ko sa narinig.
"Ang sungit kaya ng daddy mo. Kita mo nga palagi akong sinusungitan diba?" sulsol ko naman. Bumangon siya at hinarap ako.
"You're pretty po kasi, and daddy hates pretty ladies in our house."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Your daddy finds me pretty? Wehh?" Usisa ko. Itinikom ni Ambrose ang bibig niya kaya naningkit ang mga mata ko.
"You're lying, baby." sikmat ko.
"No! I find you pretty teacher, I'm sure daddy too but he doesn't admit it!" natatawa niyang pahayag. Binalewala ko na lang iyon at kinurot ang pisngi niya.
"Ewan ko sayo." natatawa kong ani. Bigla siyang tumayo at hinablot ang kaniyang mga laruan sa divider. Lego collection iyon.
"Teacher let's play!" anyaya niya kaya dinaluhan ko na lang siya. Ang likot likot niya at punong puno ng energy.
Hindi na kami nakabalik sa lesson dahil pareho kaming nag enjoy sa paglalaro. Nag enjoy ako sa pagkurot kurot sa pisngi niya.
Bandang alas tres ng hapon ay humingi siya ng snacks sa akin kaya naghalungkat ako sa kusina nila. Napangisi ako nang makitang may mga ingredients sila pang bake. Naexcite tuloy ako.
"Are you gonna bake, teacher?" kyuryosong tanong ni Ambrose. Tumango tango agad ako at nagsimulang ihanda ang lahat ng ingredients.
Alam ko kung paano mag bake ng cookies at cupcakes. Noong nasa probinsiya kasi kami ay namasukan akong katulong sa may kayang pamilya doon at mahilig mag bake si ma'am Teresa kaya natuto na din ako. Ang kaso ay lumipat sila sa ibang bansa at doon nanirahan na kaya napilitan akong lumuwas ng maynila para dito mamasukan.
"Wow! It looks good, teacher! Does it taste good too?" manghang pahayag ni Ambrose.
"Hmm tingnan natin. Teka wag mong hawakan mainit pa yan!" asik ko nang akmang kukunin niya na ang isang cookie.
"Daddy loves cookies too, teacher. Can you bake some for him?" Biglang wika ni Ambrose habang nakatitig sa cookies.
"Oo naman!" agad kong sagot at naglagay ng panibagong batch sa oven. Para iyon kau sir Logan.
"Tastes good po, teacher! Thank you!" puri niya habang hawak hawak na ang cookie na gawa ko.
"Mabuti naman at nagustuhan mo." Ani ko at nagligpit na ng kalat namin. Pagkatapos maluto ang pangalawang batch ay inilagay ko na muna iyon sa bowl at inilapag sa gitna ng mesa. Wala namang pusa sila sir kaya hindi iyon mawawala doon. Binuhat ko si Ambrose at binitbit ang bowl ng cookies namin.
We settled in the couch. Binuksan ko ang tv at inilagay sa cartoon network. Bumalik ako sa kusina para magtimpla ng orange juice namin ni Ambrose.
We enjoyed watching cartoon movies together habang kinakain ang cookies na binake ko.
"Did he just.. die?" bulalas ko at nilingon si Ambrose na tulog na pala sa aking tabi. Natawa ako pinakatitigan ang cute na bata.
Napagod siguro siya sa paglalaro namin kaya nakatulog. It's already 4pm. Inayos ko nalang muna ang pagkakahiga niya sa pahabang couch at nagligpit ako ng mga ginamit naming textbooks. After that, I settled in the couch again at pinatay ang tv, ipinaunan ko sa bata ang mga hita ko at ipinikit din ang mga mata. It feels so comfortable. It feels like home again...
Hindi ko namalayang nakatulog na din pala ako.
LOGAN'S POV
"Sir, Mr. Agoncillo wants to set an appt meeting with you this evening—"
"You know I don't accept appointments in evening, Aries." sagot ko habang nililigpit na ang mga gamit ko. Napabuntong hininga si Aries kaya tinitigan ko siya.
"It's all about the project we've been proposing sir. I think it's a big opportunity for the people." wika nito kaya napaisip ako.
Iyon ang proyektong tawid. We proposed to build a bridge sa isang barangay dito sa lugar namin. Liblib na barangay ang barangay makiling, nahihirapan ang mga tao, lalo na ang mga studyanteng pumasok sa skwela dahil wala silang tulay doon, kailangan nilang tumawid sa sapa. Kaya namin ipinopropose ang proyektong ito para sa kanila.
"He offered to support the construction sir for the bridge. He wants to talk it with you." Pahayag ni Aries. Napabuntong hininga ako at tumango.
"Set it. I'll meet him later. Uuwi na muna ako sa amin para magpaalam sa anak ko." I calmly said.
"Copy, boss. Thank you." tugon ni Aries bago lumabas ng opisina ko. Napahilot ako sa sintido habang nakatingin sa tambak tambak na papeles sa aking mesa.
Damn it! Kailangan kong magpunta dito ng maaga bukas para matapos agad to.
Pinatay ko na ang laptop at isinilid na iyon sa laptop bag ko. May kinuha akong dalawang folder at dadalhin ko iyon sa bahay para doon basahin at ireview.
Paglabas ko ng opisina ay nag aayos na din ang lahat. Alas singko din ang labas nila.
"Hi gov, uwi kana?"
Napakunot ang noo ko sa babaeng lumapit sa akin. Still young and pretty.
Nakaramdam siguro siya ng awkwardness dahil sa pagtitig ko.
"Uhmm, secretary po ako ni Mr. Guerrero Gov. Ivy Reyes." Pagpapakilala niya pa. Tinanguan ko nalang siya at mabilis na nilagpasan pero humabol pa talaga siya sa akin hanggang sa elevator.
"Wait lang po! I heard na mahilig sa cookies ang anak niyo sir. Nag bake ako, baka magustuhan niya." pahayag niyo at naglahad ng paper bag sa akin.
Tinitigan ko lamang iyon at wala sanang planong tanggapin.
"Sir pleasee? Pinaghirapan ko to eh." She pleaded. Bagot ko nalang iyong tinanggap dahil masyado siyang mapilit. Ayokong matagalan dahil may pinapabili pa sa akin ang anak ko.
"Thank you sir! Sana magustuhan niya hihihi" Wika nito sabay hagikgik.
Tsk. Women...
I really hate their guts. I only like them in bed because they're submissive.
Pagkalabas ko ng elevator ay diniretso ko sa basurahan ang bitbit na paper bag.
Saan niya kaya nalaman na paborito ng anak ko ang cookies?
Walang lingon lingon akong lumabas ng opisina at pumasok diretso sa kotse.
"Anton, sa Jollibee muna." pahayag ko sa driver ko.
"Pasalubong sir?" tanong nito.
"Yeah, nagpapabili." Tipid kong sagot. Ipinikit ko ang mga mata at hinilot ang sintido.
"Ganiyan din ang anak ko sir eh, mahilig sa Jollibee din." kwento nito.
Napangiti ako nang maalala ang anak ko.
Yeah, kids love Jollibee.
Nag drive thru lang kami at agad na dumiretso sa bahay. Pagkapasok ko sa bahay namin, biglang kumabog ang dibdib ko nang walang marinig na ingay.
"Ambrose? Daddy is home." pahayag ko. Mas lalong kumunot ang noo ko nang walang marinig na sagot. Dali dali akong naglakad papasok pero napatigil din nang maabutan silang mahimbing na natutulog sa pahabang couch.
Silang dalawa nung nerd niyang teacher. Nakakandong ang anak ko sa kaniya at mahigpit na nakayakap. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung ano nang nangyari dahil sobrang tahimik ng paligid.
Dahan dahan kong inilapag sa mesa ang laptop at ang dala kong folder. Marahan kong hinawakan ang likod ng anak ko at dahan dahan ko sana siyang bubuhatin pero bigla siyang nagpumiglas.
"No! Mommy!" bulalas niya sabay balik sa pagkakayakap sa nerd niyang teacher. Napaawang ang mga labi ko sa ginawa ng anak ko.
Does he think that this nerd is his mom?
Sinubukan ko ulit siyang kunin pero bigla siyang dumilat habang yakap parin ang leeg ng nerd niyang teacher.
"Daddy ko? You're here na po?" garalgal ang boses niyang saad.
"Yes, baby. Come here, nabibigatan na ang teacher mo oh." pahayag ko. Ngumuso siya at tinitigan ang teacher niya.
"She's warm po, daddy. I like hugging her." nakangiti niyang sambit. Napangiti na din ako sa kakyutan ng anak.
"Ayaw mo bang kayakap si daddy? I'm warm too." I said kaya napatingin siya sa akin.
"Your body is hard po, daddy ko. While teacher's body is soft and warm. I like it better." nakangusong wika nito. Hinayaan ko nalang muna siyang yumakap sa teacher niya. Nagpaalam muna akong magbibihis sa kwarto. Pero pagkababa ko ay nasa ganoong posisyon padin siya.
Ang nerd ay mukhang pagod na pagod dahil hindi man lang naaalimpungatan kahit naglulumikot na sa kandungan niya si Ambrose.
I smiled while watching my son gets very comfortable in her lap. Pero nang marealize ko ang pagngiti ay agad kong sineryoso ang mukha.
Why am I even smiling?
Didn't I hate that woman?
"I bought your request, baby." saad ko kaya dahan dahan siyang umalis sa kandungan ng teacher niya. Napatitig ako sa nerd at hindi ko natiis ang sarili. Inayos ko ang posisyon niya. Pinahiga ko siya sa pahabang couch dahil mukhang hirap na hirap siya sa posisyon niya kanina. Nakaupo lang kasi siya at nakatingala.
Dahan dahan kong tinanggal ang salamin niya pero agad na napatigil nang biglang magsalubong ang aming mga mata. Nakakunot ang noo niya at puno ng pagtataka ang mga mata.
Napatitig ako sa mga mata niya. Something in her eyes feel so familiar. It feels like.... I saw it somewhere..
"Ganda ko sir no?" bigla niyang sambit at ngumisi. Bigla akong natauhan at mabilis na lumayo sa kaniya.
"Tsk. May muta ka pa nga." sambit ko para makabawi. Napangisi ako nang mabilis niyang kinapa ang mga mata.
Uto uto din ang isang to. Tsk. Tsk.