MARA'S POV
Nagising ang diwa ko dahil sa malamig na bagay na dumadampi sa aking pagmumukha. Napaungot ako at dahan dahang idinilat ang mga mata.
"Oh my god! Rapeee!" malakas kong sigaw at agad na napabalikwas nang bumungad sa aking paningin ang seryosong mukha ni sir Logan.
Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko! Bigla tuloy akong nahiya jusko! Paano pala kung may muta pa ako???
Hinila ko ang kumot at niyakap ang sarili. Madiin akong napapikit dahil sa sumigid na sakit sa aking p********e dahil sa biglaan kong kilos.
Shit talaga! Ang tanga ko! Ang sakit ng pempem ko nakakaiyak!
"Tsk. I'm just helping you out woman. I don't even want to touch your body." masungit nitong pahayag at inirapan pa ako.
"Susss! Kunwari kapa sir, eh huling huli kana! Tulonggg! Hmmpp!"
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang tinakpan ni sir Logan ang aking bibig gamit ang kamay niya.
Diyos mio marimar! Ang bango ng kamay niya wahhhhh!
"Shut the f**k up! My son's asleep. Tsk." madiin niyang wika kaya natigil ako at inilibot ang tingin sa paligid. Napanganga ako nang makitang nasa pahabang couch si pareng Ambrose dito sa... Wait.. nasaan ako? Kwarto ba to?
"Kaninong kwarto to??" nanlalaki ang mga mata kong tanong sa boss ko. Napabuntong hininga siya.
"Guest room." tipid niyang sagot kaya bigla akong nahiya.
Shet! Nakapasok ako sa bongga nilang guest room!
"What are you doing?" kunot nuong tanong ni sir Logan.
"Ayos lang ako sir. Anong oras na pala? Kailangan ko ng umuwi may mga bata pang naghihintay sa akin." mahina kong saad sabay naglakad papalapit kay Ambrose na natutulog sa couch.
Kawawa naman ang batang ito.
"Bakit mo dito pinatulog ang anak mo sir? Hayss!" Wika ko at napangiti habang tinititigan ang gwapong bata. Sinuklay ko ang buhok niya pataas at hindi napigilan ang kurutin ang kaniyang matambok na pisngi.
Ang gwapo talaga! Manang mana sa tatay eh!
"May anak kana?" kunot noo na tanong ni sir Logan. Bigla akong nasamid sa sariling laway dahil sa tanong niya.
"Anak? Wala pa sir ah! Grabe ka naman, kagabi nga lang nakuha ang—" natigil ako sa pagsasalita dahil biglang naisip ang susunod na sasabihin sana.
Ang pagkabirhen ko. At ikaw ang kumuha nun sir! Hindi pala kinuha dahil binigay ko naman iyon ng kusa kaya wala akong karapatang magreklamo sa sakit ng pempem ko ngayon.
"What?" kunot ang noo niya ulit na tanong. Naghihintay ata siya sa susunod kong sasabihin.
"Ahh.. ehh.. ano sir wala pa akong anak hehe. Single din po ako. Walang jowa, o ka talking stage wala." saad ko at muling napatingin kay Ambrose.
"Hmm.." I heard him growled. Napalunok tuloy ako dahil sa sobrang sexy ng boses niya.
"Ilipat natin si Ambrose sa higaan sir. Baka hindi siya komportable dito eh." pag iiba ko sa usapan. Naramdaman ko ang paglapit niya sa amin ni Ambrose dito sa sofa, tuwid akong napatayo.
"Don't leave the house yet. You need to eat and take your meds." seryosong wika ni sir Logan bago dahan dahang binuhat si Ambrose at naglakad papalabas ng kwarto.
Parang may sariling isip ang aking mga paa at sumunod ako sa kanila. Nang makarating sa master's bedroom ay nagdalawang isip ako kung susunod ba akong pumasok o hindi.
Wala kasing empleyado ang pinapayagang pumasok dito eh.
"Come inside." Narinig kong saad ni sir Logan kaya dahan dahan akong naglakad papasok. Agad na bumungad sa akin ang malawak na kwarto.
Oo, malawak! Nakakalula para isang buong apartment ko na ang kwarto ni sir! Ganito ba talaga kapag mayaman?
"Close your mouth." asik ni sir kaya nahiya tuloy ako dahil nakanganga na pala ako.
Shit!
Itinikom ko ang aking bibig at naglakad papalapit sa kama nila kung saan niya inilapag sa Ambrose. Bigla namang nagising ang bata at kinusot kusot pa ang kaniyang mga mata.
"Daddy ko, si teacher— ohh, are you okay na po, teacher?" mahinang tanong ni Ambrose. Napangiti ako at tumango.
"Thank you, Ambrose." usal ko. Bumaling siya sa kaniyang tatay na tahimik at may masungit paring ekspresyon sa mukha.
"Daddy ko, I'm thirsty po." saad niya.
"Ako na ang kukuha sir—" mabilis kong pahayag at tatalikod na sana.
"No. Stay here." baritonong boses ni sir Logan kaya napatigil ako. Hinalikan niya sa noo ang anak bago tumayo at naglakad papalabas ng kwarto. Tila nakahinga ako ng maluwag dahil nakaka suffocate ang presensya ni sir Logan. Pakiramdam ko pinipigilan ko ang hininga ko kapag nasa paligid siya eh.
Naramdaman kong may humila sa laylayan ng aking damit kaya napatingin ako kay Ambrose. He had this pleading expression in his eyes.
"Teacher, are you really fine?" he asked me again.
Ang thoughtful naman talaga ng batang ito. Gumapang siya papalapit sa akin at tumayo sa kama. Hinayaan ko siyang ilapat ang malilit niyang palad sa aking leeg at noo.
"You're still hot po, but not burning hot like earlier. Daddy said he'll take care of you and he really did!" pahayag niya at pumalakpak pa.
Parang hinaplos ang puso ko sa pag aalala ng batang ito.
"Thank you so much, Ambrose. You're very sweet and thoughtful!" nakangiti kong pahayag habang ginugulo ang buhok niya.
"I really like you, teacher Mara. Can you be my mommy nalang po?" mahina niyang usal na ikinapawi ng ngiti ko.
"H-Ha?" wala sa sarili kong wika. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.
"You're pretty po. You smell so good too, I like your smell and you're very kind. Can you be my mommy?" mas lalong humihina ang boses niya habang sinasabi ang huli. Sumubsob siya sa aking gilid at humigpit ang pagkakayakap sa akin.
"Pinapalapad mo naman mga organs ko sa katawan! Hindi ako bagay maging mommy no, ang pasaway mo pa naman!" pagbibiro ko pa at mahinang natawa.
"I'll be mabait po if kayo ang maging mommy ko!" mabilis niyang usal na ikinatawa ko.
"Naku! Nangungurot ako ng bata sige ka, gusto mo yun?" pananakot ko sa kaniya.
"Ehhh? Does it hurt po ba?" inosente niyang tanong. Napabuntong hininga na lang ako sa kakyutan niya.
"Nasaan ba kasi mommy mo, Ambrose?" kyuryoso kong tanong sa kaniya. Ngumuso ang bata at nag iwas ng tingin.
"I don't know po eh. Maybe I don't really have a mom." malungkot ang boses niyang sambit.
Hindi ko alam kung anong sunod kong sasabihin kaya bumalot ang katahimikan sa buong kwarto. Napalingon ako nang may biglang mapansing gumalaw sa pintuan at nakita doon si sir Logan na mukhang kanina pa nakatayo doon.
"I'm sorry for that." Paumanhin niya sa akin bago inilahad kay Ambrose ang tubig niya. Agad iyong tinanggap ni Ambrose at nagpasalamat pa sa daddy niya. Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mga mata nang makitang alas tres na ng hapon!
Nakuu! Kailangan ko ng umuwi! Agad akong tumayo sa kama at inayos ang damit.
"Sir, kailangan ko na po palang umuwi hehe.." Paalam ko kaya napatingin sa akin ang mag ama.
"I prepared some food for you in the kitchen. May gamot na din doon. Make sure to take it first before leaving. I don't want to hold accountable if something bad happens to you." masungit niyang wika. Tumango ako at bumaling kay Ambrose na nakatitig lamang sa akin.
"Thank you, baby. Bukas naman ulit hm?" malumanay kong saad. Mahinang tumango si Ambrose at muling humiga sa kama.
Sa tingin ko ay nagtatampo iyon. Hays.
Agad akong dumiretso sa kusina pagkalabas ng kwarto. Malawak ang bahay ni sir Logan pero nakakatakot dahil wala masyadong tao!
Isang beses ko palang nadatnan ang mga kasambahay niya dito sa bahay at pansin kong na isa lang ang babae at yun ay si Aling Adelina. Hindi kami close nun dahil medyo masungit si tanda sa akin hmp!
Pagkarating ko sa kusina ay agad kumulo ang tiyan ko nang maamoy ang mabangong aroma ng pagkain. Sunod sunod akong napalunok habang nakatingin sa pagkaing nakahain sa mesa.
Shet! Pwede bang magbalot dito?
Agad agad akong kumuha ng plato at kubyertos at nilantakan ang pagkain. Wala namang sinabi si sir Logan na magtira ako diba? Pwes, uubusin ko to lahat!
May beef steak pa!
Diyos ko lord thank you! First time kong makakain ng ganitong pagkain eh.
"Hmm! Sarap! Sino kaya ang family cheif nina sir? Kapag nakapag asawa ako ng afam at yumaman ihahire ko yun!" Bulong bulong ko habang ini enjoy ang pagkain.
Hindi ko kayang ubusin ang lahat ng pagkain kaya agad agad akong naghanap ng pambalot dahil ishasharon ko tong lahat!
Ininom ko din ang gamot na nasa mesa at napapangisi ako habang nilalagay sa foil ang tirang pagkain.
"What the hell are you doing?"
Napaigtad ako nang dumagundong ang boses ni sir Logan sa buong kusina. Bigla akong nahiya pero hindi ko yun ipinahalata.
"Ah eh, ano sir hehe ano—"
"I said, kumain ka. Hindi ko sinabing—"
"Kumain ako sir! Tingnan mo, malaki na tiyan ko dahil sobrang busog na ako. Hindi ko kayang ubusin kaya ishasharon ko nalang sayang naman." pahayag ko at napanguso dahil nakakatakot ang ekspresyon niya sa mukha.
Kunot na kunot ang noo niya at salubong ang makakapal na kilay.
"Ishasharon? What the f**k is that?" inis niyang asik kaya mahina akong natawa.
"Luh si sir, hindi alam yun. Sabagay, aircon humor ka nga pala. Ishasharon means ano sir, dadalhin ko sa bahay namin ganun! Bring home!" pagpapaliwanag ko pa.
Tila mas lalo siyang naguluhan at napailing iling.
"Don't you f*****g dare teach my son about your jargons. Hindi magandang pakinggan. It sounds so.. cheap." masungit nitong wika. Gusto kong umirap pero pinigilan ko talaga ang mga mata ko.
"Noted sir hehe" saad ko nalang.
"Tapusin mo na yan para makaalis kana sa bagay ko. Tsk." Ani niya sabay talikod sa akin.
"Ahh, sir! Sir!" mabilis kong pigil sa kaniya. Naglakad ako papalapit kay sir Logan na taka na naman akong tiningnan.
"What?!" inis niyang tanong. Napakamot ako sa batok at napangiwi.
"Ano kasi... Wala akong dalang bag. Baka may eco bag kayo diyan ganun na pwedeng paglagyan ng binalot ko at—"
"I don't know what's that." masungit niyang asik at tinalikuran ako ulit.
Wala na akong nagawa kung hindi ang mapapadyak nalang sa sahig at bumalik sa mesa. Naghalungkat ako sa mga kabinet sa kusina para may mapaglagyan nitong pagkain.
"Ayownnnn! Yes! HAHA!" masaya kong bulalas nang makakita ng parang tote bag dito sa pinakahuling kabinet. Malaki iyon, mukhang shopping bag yata pero pwede na. Mas malaki mas better!
Nagmadali akong kumilos at agad inilagay ang binalot kong mga ulam. Malaki ang ngiti sa mga labi akong lumabas ng kusina habang sukbit ang shopping bag sa aking balikat. Nadatnan ko si sir Logan sa sala at seryosong nagtatype sa kaniyang laptop.
"Yes. I can't come today but I'll make sure I'll be there tomorrow morning." baritono niyang saad. Doon ko lang napansin na may nakalagay palang ear pods sa tenga niya.
Tumigil ako malapit sa kaniya kaya bahagya siyang tumingala. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at mas nalukot ang noo niya. Sumenyas nalang akong aalis na at nang tumango siya ay mabilis akong naglakad papalabas ng bahay. Medyo may kalayuan ang tinutuluyan kong apartment sa bahay ni sir Logan dahil nasa exclusive silang village kaya naghintay muna ako ng jeep sa waiting shed sa labas lang ng gate ng village nila.
"Oh isa pa dito miss, sasakay ka ba?" Biglang may humintong jeep sa harapan ko at iyon ang sinabi sa akin ng drayber.
"Manong puno na!"
"Ano ba yan! Ang sikip na nga dito manong eh!"
Napangiwi ako sa narinig galing sa pasaheros.
"Puno na manong." saad ko.
"Ha? Hindi pa yan, kaya pa yan. Usog kayo." saad naman ni manong pero umiling iling na lang ako. Ano ba namang drayber to, halata nang puno na ang jeep eh! Nakuu!
"Sa sunod na lang po ako, salamat." Pahayag ko.
"Bahala ka." asik pa ni manong kaya napairap ako.
"Bahala ka din!" bulong ko pagkaalis ng jeep sa harapan.
Inabot pa ako ng sampung minuto kakahintay sa sunod na jeep at nakahinga ako ng maluwag nang kaunti lang ang sakay nun.
Mag aalas singko na ng hapon nang makarating ako sa kanto ng tinitirhan ko.
"Tangina pagod na ako." reklamo ko pa pagkababa ng jeep. Napabuntong hininga na lamang ako bago nagsimulang maglakad dahil sa sunod pang kalye yung apartment ko. Ang bigat pa naman ng dala dala kong bag. Pero ayos lang, pagkain naman to eh.
"Uyy! Uy! Mara tulungan kana namin!" salubong sa akin ni Bogart. Kasama niya ang dalawang kaibigan na sina Tonyo at Jomar.
"Sige, salamat!" mabilis kong sagot sabay tapik sa balikat niya. Mga tambay sila dito sa kantong ito. Madalas nauutusan sa pag igib ng tubig o kung ano ano pa.
Agad nilang kinuha ang bag sa akin at sila ang nagdala.
"Bango nito ah, pagkain to no?" komento ni Tonyo. Napangisi ako at tumango.
"Oo, bigyan ko kayo pagkadating ko sa bahay." wika ko.
"Yown! Ayos mukhang may masarap kaming ulam mamaya!" bulalas ni Jomar.
Pagkarating sa apartment ay agad kong inilabas ang mga dala sa bag at binigyan sila nang tig isang balot.
"Wala akong pera kaya ulam nalang muna ha? Salamat sa pagtulong." pahayag ko.
"Sus! Mas maganda pa nga to kesa sa pera eh. Salamat, Mara!" pahayag ni Bogart bago sila umalis.
Nakangiti ko silang tinanaw habang papaalis sila ngunit agad ding napawi ang ngiti ko nang makita si aking Lorna na naglalakad sa pasilyo.
Lagot maniningil to s**t!
Mabilis pa sa alas kwatro akong nagsarado ng pintuan. Nilock ko iyon at nagmamadaling nagtago sa likod ng pintuan.
Maya maya lang ay narinig ko ang boses niya sa labas.
"Hoy, hoy halika nga muna dito." rinig ko ang matinis niyang boses.
"Ano ho iyon, aling Lorna?" tanong ng isang bata.
"Si Mara ba umuwi na? Nakita mo bang umuwi?"
Napakagat labi ako habang naghihintay ng sagot ng bata.
"Hindi pa yata eh. Wala namang tsinelas sa labas tsaka lock ang pintuan. Hindi ko nakita aling Lorna." sagot ng bata kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Bwesit na batang ito! Kelan kaya magbabayad!" rinig kong stress na boses ni aling Lorna.
Sorry na aling Lorna. Kapag talaga nakasahod ako ay uunahin ko kayong bayaran. Ang nasahod ko kasi kagabi galing sa club ay ipinadala ko agad sa probinsiya namin eh.
Hinintay kong makaalis si aling Lorna sa harap ng apartment ko bago ako umalis sa likod ng pintuan. Ipinagpatuloy ko ang pagtanggal sa binalot na ulam at inilagay ko iyon sa Tupperware.
"Huli kang babaita ka!"
"Ay putangina mo ka!" gulat kong sigaw at muntik pang mabitawan ang Tupperware na hawak. Nasa likod pala ng apartment ko si aling Lorna at nakasilip sa bintana.
Tanginang matanda to!
"Hoy, Mara! Lumabas ka diyan aba sinasabi ko na nga ba eh nagtatago ka lang! Buksan mo ang pinto kung hindi papalayasin talaga kita dito!" galit na sigaw nito kaya wala na akong nagawa kung hindi ang pagbuksan siya ng pintuan at ihanda ang tenga sa matinis niyang boses.