Chapter 3

2591 Words
"Magbabayad nga ho ako, aling Lorna. Hindi pa sa ngayon dahil di pa ako sumasahod." pahayag ko. Pinipigilan ko ang inis dahil kanina pa siya nandito! Kumakain na nga siya ngayon eh! Nadale pa ang dala kong ulam hays! "Hmm sarap nito ah!" bulalas niya pa kaya napairap ako at pabagsak na naupo sa upuang kahoy. "Bayaran mo ako ngayong linggo. Tatlong buwan na ang utang mo sa akin, mahiya ka naman aba! Matanda na ako at itong apartment nalang ang bumubuhay sa akin." sambit nito. "Talaga ba, aling Lorna? Eh bat di kapa patay ngayon kung ito ang bumubuhay sayo?" Pilosopo kong sambit. "Nakuu ikaw na bata ka talaga! Pilosopo ka! Basta bayaran mo ako sa renta ngayong linggo kung hindi mapapalayas na kita dito." sambit pa nito sabay duro sa akin ng kutsarang hawak niya. Kutsara ko pa naman iyon tapos dinuduro duro pa ako hmp! Napabuntong hininga na lang ako at nag isip kung saan ako kukuha ng pera. Pagkaalis ni aling Lorna ay pagod akong nakasalampak sa upuan. Naiintindihan ko naman ang ginang na iyon. Tatlong buwan na talaga akong di nakakabayad ng renta dahil sa bawat kita ko doon sa bar ay sakto lang sa naipapadala ko kila nanay at sa pang araw araw kong gastusin dito. "Bumale kaya ako ng pera kay sir Logan?" wala sa sarili kong sambit. Bigla akong napangiti sa naisip pero agad ding nawala iyon nang maalalang hindi pa pala ako nagkakalahating buwan na nagtatrabaho bilang private tutor ni Ambrose. Nakakahiya naman kung bumale agad. Nakatulugan ko ang pag iisip kung saan kukuha ng pera pambayad ng renta. Nagising na lang ako dahil sa malakas na katok sa pinto at sa boses ni Margaret na tumatawag sa akin sa labas. Mabilis akong tumayo at tinungo ang pintuan. Pagbukas ko ay sumalubong sa akin ang madilim na labas. Shit! Gabi na pala. Bilis ng oras. "Sabi na eh, nakatulog ka pala talaga. Oh tumatawag mother earth mo." sambit ni Marga sabay lahad sa akin ng cellphone niyang de keypad at agad pumasok sa apartment ko. Umiling iling nalang ako at inilapat sa tenga ang cellphone. Nakasanayan ko na ding nandito sa bahay si Margaret dahil kaibigan ko siya. Sa katunayan nga ay siya ang unang naging kaibigan ko dito sa Maynila. "Hello nay? Kamusta po kayo diyan?" pagkausap ko kay nanay sa kabilang linya. "Hello, Mara anak! Pasensya na at nagising ka, sinabihan ko naman si Marga na huwag ka ng gisingin at bukas nalang ulit ako tatawag pero ayaw magpaawat ng kaibigan mong iyon. Ayos lang kami dito, ikaw ang kumusta diyan?" mahabang litanya ni nanay. Napangiti ako at lumabas ng bahay. Tumingala ako dahil ramdam ko ang pangingilid ng luha sa aking mga mata dahil miss ko na siya. Miss ko na sila. Mag iisang taon na simula noong umalis ako sa amin eh para magtrabaho dito sa maynila. "Ayos lang po ako, nay. Natanggap niyo na po ba ang pinadala kong pera?" pahayag ko, pinipilit na hindi manginig ang boses dahil sa pangungulila. "Oo anak, maraming salamat ha? Nakabili na din ako ng gamot para sa hika ko at nabilhan ko ng masarap na ulam ang kapatid at mga pinsan mo." marahang saad ni nanay na ikinatango ko. Kagaya ng nakasanayan naming gawin, nag usap kami tungkol sa kung ano ano ng isang oras hanggang sa tumunog ang cellphone ni Margaret senyales na malapit nang mamatay ang cellphone dahil lowbat na. Pagkababa ng tawag ay pinahid ko ang luha sa mga mata at huminga ng malalim. Shit. Balik na ulit sa babaeng independent, Mara. Bawal ang lampa at mahina sa lugar na ito. This is where the battle of survival takes place. "Salamat, Marga. Lowbat na." saad ko pagkapasok sa loob. Inirapan niya ako at inilahad ang charger niya. Natatawa ko iyong kinuha at ako na ang nag charge ng cellphone niya. "Duty tayo ngayon. Wala na akong pera!" rinig kong sambit ni Marga. Natawa ulit ako at nilingon siya. "Nag duty ako kagabi. Ikaw wala, kaya duty ka ng mag isa doon sa bar." pahayag ko. Umayos siya ng upo at masama akong tiningnan. "Suss! Akala mo ba di ko alam na nagpawasak ka na sa isa mong kleyente kagabi? Nakuuu! Magkano nakuha mo dun huh?" usisa niya sa akin. Pabagsak akong umupo sa upuan at wala sa sariling ikinipot ang dalawang hita. Medyo mahapdi padin p********e ko pero kaya ko naman na. "Sakto lang naman. Five thousand lang." Sagot ko. Napapalatak siya. "Gaga ka talaga! Akala ko ba bigatin? Bakit five kyaw lang ang pera? Hinalungkat mo ba ang wallet nakuu!" bulalas niya. Inirapan ko siya at natawa. "Oo naman, kaso wala halos cash. Puro card nandun eh pero ayos lang. Masarap naman." nakangisi kong asik. Natawa siya at umaagree pa sa akin. No one knows that it's my first time. Walang nakaka alam na virgin akong pumasok sa bar na iyon. Even Margaret, hindi niya alam. Hindi kasi tumatanggap ng virgin si madam Carla eh. "Ano, di kapa ba aalis? Inaantok na ako!" reklamo ko sa kaibigan dahil mukhang wala siyang balak lumayas sa bahay ko. Hindi niya ako pinansin at tumayo lang para mag timpla ng kape. "Kumusta ang trabaho dun kila Governor?" tanong niya kaya napabuntong hininga ako. "Ayos naman. Hindi pasaway ang anak niya. Mabait eh, yung tatay yung hindi mabait." sagot ko naman habang iniisip ang masungit na mukha ni sir Logan. Narinig ko ang tawa ni Margaret. "Ano ka ba, lahat alam na masungit si Governor. Cold hearted pa iyon at arogante." wika niya kaya kumunot ang noo ko. "Eh bakit siya ang hinalal niyo sa pagka gobernador sa lugar na to?" Naguguluhan kong tanong. "Well, he's our best choice. Marami siyang connection and besides, mas pipiliin pa ng taong bayan ang arogante at masungit na kagaya ni gov pero may malasakit sa mga tao kesa sa manyakis at adik na Martin Alonzo na yun no!" sagot naman ni Margaret na ikinatango ko. Sabagay.. kahit ako naman eh. "Pero magandang offer na trabaho iyong pagiging tutor, Mara ah. Sana may utak din akong gaya ng sayo, matalino ka eh." bigla niyang sambit na ikinatahimik ko. Maraming nagsasabi niyan pero halos hindi ko naman nagagamit dahil kapos kami sa pera pang aral. "Buti hindi nakahalata si gov na peke ang mga dokumento mo? Ang galing naman talaga ni Jerson mameke!" bulalas niya kaya natawa ako. Kabadong kabado pa ako nung first day kasi peke ang ipinakita kong diploma, buti nga talaga. "Akala ko ba duduty ka? Mag ayos kana at baka maraming customer ngayon sa bar." pag iiba ko ng usapan. Tamad na tumayo si Marga at nagkamot pa sa buhok. "Hays, oo nga pala. Siya sige, mauna na muna ako at bubukaka pa para magkapera hmp!" pahayag niya bago tuluyang umalis ng bahay ko. Napailing iling nalang ako sa bibig niya. Nasasanay na lang din talaga ako dahil halos araw araw ko siyang nakakasama. Pagkaalis niya ay nagligpit na lang ako sa lamesa at naghugas ng pinggan. Hindi din mawala sa isip ko ang utang kay aling Lorna. Kinabukasan ay nagising ako sa paulit ulit na katok sa pintuan ng apartment ko. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ang orasan. "Watdapak! Alas diyes na!" Bulalas ko at dali daling bumangon. Napatigil ako nang marinig ulit ang katok sa pintuan kaya dali dali akong nagtungo doon at halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ang taong Hindi ko inaasahang makita. "Sir?!" Gulantang kong bulalas. Napatitig ako sa kaniyang masungit na ekspresyon. Kunot na kunot ang noo niya at tila galit na naman. "Good morning, teacher!" Napababa ang tingin ko dahil sa narinig na boses at nakita ang nakangiting si Ambrose. Naka ayos siya at mukhang may lakad. "A-Anong.... B-Bakit kayo nandito?" nauutal kong tanong. Mabilis kong sinapo ang mukha at pasimpleng kinapa ang mga mata. Tangina! May muta pa nga ako! Diyos ko nakakahiya! Narinig ko ang buntong hininga ni sir Logan kaya napatingin ako sa kaniya. Pansin kong tinakpan niya ang mga mata ni Ambrose kaya magsasalita na sana ako pero agad niya akong inunahan. "Atleast... wear a f*****g bra, woman." baritono niyang boses na sambit. Napanganga ako nang mapansin ang pag igting ng kaniyang panga. Dahan dahan akong tumingin sa aking sarili at doon lang nag sink in ang sinasabi niya. Oh damn! Wala sa sarili kong naisarado ang pintuan dahil sa pagkataranta at babalik na sana sa kwarto para magbihis ngunit naalala kong rude pala ang ginawa ko kaya bunuksan ko ulit ang pinto. "Pasok ho kayo!" anyaya ko bago kumaripas ng takbo papunta sa kwarto. Pagkapasok ko ay napahawak na lamang ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng kabog nito. Siguro dahil sa gulat. Yes, yes. Sa gulat lang to! Nagulat lang ako kasi naman! Sino bang mag aakala na nandito sa apartment ko ang dalawang yun hays! Umiling iling ako at naghubad na nang damit pantulog kong suot. Oo, maninipis kasi na damit ang suot ko kapag natutulog ako dahil sobrang init sa kwarto ko. Tanging maliit na de clip fan lang kasi ang gamit ko para daw hindi malaki ang bayad ng kuryente sabi ni Aling Lorna. Napatitig ako sa dalawa kong boobs at napanguso. "Bakit kasi ang laki laki niyong dalawa! Ayan tuloy, palagi kayong napapansin agad." panenermon ko at bahagya silang pinag untog. Natawa na lang ako sa sariling kapilyuhan. "You look like you're crazy. Are you sure you're not?" Bigla akong napaigtad ng marinig ang boses na iyon ni sir Logan. "Ahhhh sir! Bastos ka!" sigaw ko at mabilis na niyakap ang sarili. Mabuti na lang hindi pa ako naghuhubad ng shorts dahil wala pa naman akong suot na panty! "Anong ginagawa mo dito sa loob ng kwarto ko?!" inis kong sigaw pero hindi man lang nagbabago ang ekspresyon niya sa mukha. Bagkus ay parang mas bagot na bagot pa siyang nakatingin sa akin habang nakasandal sa hamba ng pintuan ng kwarto ko. "Sir Logan!" inis kong singhal at nilapitan siya. Yakap yakap ko parin ang sarili at pinantakip ko ang hinubad na damit sa aking dibdib. Sinubukan ko siyang itulak papalabas ng kwarto dahil mukhang wala siyang planong lumabas ng kusa. "Lalabas ka o irereklamo kita bg pamboboso?!" singhal ko at matalim siyang tinitigan. Halos manlambot ang tuhod ko nang titigan niya ako pabalik. Shit! Bakit ganito siya makatingin sa akin? Parang hinihigop ako! Napalunok ako bago nag iwas ng tingin at pasimpleng bumuga ng hangin. "Labas na sir. Hindi tama ang ginagawa mo." seryoso kong pahayag. Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko kaya mas tinakpan ko pa iyon. Pansin ko ang pag smirk niya na para bang mas lalo pa akong iniinis. "I was looking for a comfort room. I thought eto na yun. I don't intent to... See you have naked. Though, wala din namang interesante diyan tsk." arogante niyang pahayag bago binuksan ang pintuan at lumabas. Nag usok ang ilong ko sa narinig at dinuro siya pero nakaalis na siya. Inis ko nalang na ibinaba ang kamay at tinungo na ang closet. Wala raw interesante sa katawan ko? Gago siya! Hindi nga niya ako tinigilan hangga't hindi ako bumabagsak sa kama noong gabing iyon eh! Paulit ulit niya pang sinabing ang sarap ko hmp! "Pasalamat ka hindi ko pwedeng sabihin yun sayo!" bulong bulong ko pa habang nagbibihis. Paglabas ko sa kwarto at dumiretso muna ako sa maliit kong banyo na nasa kusina banda para maghilamos man lang at magmumog. Naabutan ko silang dalawa sa sala at nakaupo. Nakakandong si Ambrose sa kaniyang hita at mukhang mababait ang magtatay na to! Si sir Logan, parang walang ginawang masama kanina ah! Mas nagmumukhang masikip ang apartment ko dahil nandito sila. "Anong ginagawa niyo pala dito?.... sir?" tanong ko at umupo sa kaharap na couch. Medyo luma na nga ang couch na to eh, ilang dekada na din. Nagpababa agad si Ambrose mula sa kandungan ni sir Logan at mabilis na lumapit sa akin. Ikinandong ko din siya at napangiti. "You're pretty po, teacher!" saad niya at humagikgil pa. Napakunot ang noo ko at mahinang natawa. Bolero talaga ang batang ito! Narinig ko ang buntong hininga ni sir Logan kaya napatingin ako sa kaniya. "He's looking for you. May gagawin ka ba ngayong araw? Can I hire you as his nanny for the mean time? His nanny filed a leave for a week dahil nagkasakit ang anak nito so—" "Please say yes, teacher! Please, pleaseee...." nagsusumamong wika ni Ambrose. "Magkano sahod sir?" interesado kong tanong. "Five thousand every day." seryoso nitong sagot kaya napa smirk ako. Shit! Ang laki ng sahod! "Isang linggo sir?" tanong ko ulit, pilit na itinatago ang excitement. "Yes. Just one week." arogante niyang sagot. "Okay, go ako." kalmado kong sambit kahit nagkakagulo na ang organs ko sa katawan. Malaking tulong na iyon sa akin! Limang libo isang araw?? Aba! Free food pa yan kasi madaming pagkain sa bahay nila. "Yeyyy! You're my new nanny na po teacher Mara?" magiliw na pahayag ni Ambrose kaya ngumiti ako at tumango. Hinarap niya ako at mabilis na niyakap. "I'll be a good boy po para hindi ka tired." he cutely said. I had a glimpse of sir Logan smiling while looking at us. Gwapo na siya pero times 100 kapag naka ngiti siya. Nang mapansin niya ang tingin ko ay agad bumalik sa pagkaseryoso ang mukha niya. Napanguso nalang ako at binuhat si Ambrose. "He's heavy. Put him down." agad na saad ni sir Logan at tumayo na din. "Can you start today? I have a meeting by 1pm at walang magbabantay sa kaniya." saad nito habang nakapamulsa. Hindi na ako nag isip at tumango na lang agad. "Good. Let's go." bigla niyang sambit kaya nanlaki ang mga mata ko. "Ha?" wala sa sarili kong tanong. Nakahawak na sa kamay ko si Ambrose at tila sang ayon na din sa tatay niyang aalis na kami. "You don't actually think na hahayaan kong magtagal sa ganitong lugar ang anak ko right?" kunot noo niyang tanong sa akin. Nang lait pa talaga eh! "Hindi naman. Kaso wala pa akong ligo sir! Kakagising ko lang aba! Mamayang 1pm pa naman meeting mo eh." sambit ko. "We'll just wait for you nalang po, teacher!" singit ni Ambrose. "Right daddy?" dagdag pa nito. Namayapa sandali ang katahimikan sa amin bago napabuntong hininga si sir Logan. "Fine. Go and do whatever you want. We'll just wait for you in the car." saad nito kaya napangiti ako. Naks! Ganda ko talaga! Hihintayin daw ako? Si Governor Logan? Maghihintay sa'kin? "Sige sir, mabilis lang to promise!" agad kong sambit at mahinang kinurot ang pisngi ni Ambrose. Binuhat na si sir ang anak niya at agad na lumabas ng apartment ko. Mabilis din naman akong kumilos habang may ngiting nakapaskil sa aking labi. Nag ala flash na ako pero siyempre hindi ko nakalimutang mag manang outfit. Alam ko kasing ayaw ni sir sa magagandang babae na gaya ko sa bahay niya eh. Iyon ang sinabi sa akin ni Marga kaya magpapanggap nalang muna akong manang para may trabaho ako kesa naman maganda lang pero walang pera. Nakangiti kong isinukbit ang bag at lumabas ng pintuan pero nawala ang ngiti ko nang makitang wala ang sasakyan nila sir sa labas. "Huh? Akala ko ba hihintayin ako?" nakanguso kong bulong. Napapadyak ako at umirap. Akala ko pa naman nakakalibre na ako ng pamasahe papunta sa bahay nila! Nang mapansin ang mga matang nakatingin sa akin ay mabilis kong inilock ang pintuan ng apartment at naglakad paalis doon. Nakuu, sigurado akong pinagchichismisan na nila ako ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD