“Marami ka pang kailangang malaman, Mara.” sagot ni Logan habang seryosong nakatitig sa akin. Napaupo ako sa kama at napasapo na lang sa aking noo. Lumapit sa akin si Ambrose at tahimik na yumakap. “Let’s get out of here po, mommy ko.” inosente niyang saad habang nakatitig sa akin. Tumango ako at tumayo na. Sinubukang lumapit ni Logan sa akin pero umiwas ako sa kaniya. I need to clarify things. It feels like itinago nila ako sa dilim. Sobrang gulo ng isip ko. “How about.. h-her?” tanong ko at nilingon ang katawan ni Alexa na nakahandusay sa sahig. Mabilis akong nag iwas ng tingin dahil hindi ko kinakayang tingnan iyon ng matagal. “Someone will take care of it.” sagot niya kaya tumalikod na ako habang hawak hawak ang kamay ni Ambrose. Nakasunod lang sa amin si Logan. Nadatnan ko

