“Hindi ko na alam, Logan. Bakit ngayon ko lang to nalalaman lahat? Ang gulo gulo..” sikmat ko sabay sapo sa aking noo. “You can ask me anything, baby.. Lahat ng bumabagabag sayo.” saad niya naman. Muli niyang kinuha ang kamay ko at hinalikan iyon. Binawi ko iyon at tumayo. Nagpalakad lakad ako sa kwarto. Pabalik balik dahil pumasok sa isipan ko ang nag aalalang hitsura ni tita Louise kanina. “Si tita Louise.. alam na ba niyang anak ako ng lalaking nagtangka sa kaniya?” pigil hininga kong tanong. Tiningala ako ni Logan at dahan dahan siyang tumango. Suminghap ako at nahirapang lumunok. Paano ko siya haharapin ngayon? Fuck! Mas lalong kumikirot ang ulo ko! “Ano pa ba ang hindi mo sinasabi sa akin, Logan?” tanong ko sa kaniya. Nafufrustrate ako! Hindi ko na alam kung anong uunah

