“N-No.. don’t..” nagigimbal kong usal. Ngumisi siya at nakaramdam ako ng hapdi sa aking leeg. “You are so f*****g lucky, Mara Reyes. I am your karma.” Madiin niyang bulong na ikinatindig ng balahibo ko sa batok. Buong lakas ko siyang itinulak at agad akong lumayo sa kaniya. Nasagi ko ang salamin kaya nabasag iyon at umalingawngaw ang ingay ng pagkabasag sa buong bahay namin. “Ma’am!” sigaw ni Marco at mabilis akong nilapitan at chineck. Sabay kaming napatingin kay Crista, iyon ang pangalang sinabi niya sa akin kanina. Tumakbo siya papalabas pero agad siyang napaatras nang makasalubong ang isang bodyguard. Sunod sunod ding nagsipasukan ang ibang tauhan ni Gov kaya napa atras siya. “What the f**k happened?! Baby??!” bulalas ni Gov at halos liparin ang hagdan makababa lang nang makita a

