MARA’s POV Kinabukasan ay late akong nagising kakapuyat sa pagmumukbang. Pero agad din naman akong ngumiti nang maalala ang minukbang kagabi. Mas masarap pa nga iyon kesa sa cravings ko eh. Pakanta kanta pa ako habang naliligo sa banyo at nag sskincare. Sobrang ganda ng mood ko ngayong araw! Hindi ko alam, baka dahil to sa kinain ko kagabi? Basta ang gaan ng pakiramdam ko! Parang nagliliwanag lahat ng nakikita ko eh. “Perfect!” bulalas ko habang nakatingin sa salamin at gandang ganda na naman sa sarili. Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako sa kwarto para hagilapin ang mag ama ko. Nasa hagdan pa lang ako ay naaamoy ko na ang mabangong aroma na nakapagpatakam sa akin. Dali dali akong bumaba at nagtungo sa kusina. Naabutan ko ang mag ama kong nagluluto! Yes, silang dalawa

