Chapter Three

2883 Words
CHAPTER THREE KATELYN I've learned a very helpful things in front of the dinner table, that is to smile even I when don't feel to. Tahimik lang ako sa buong hapag-kainan. Nagsasalita lang ako sa t'wing kakausapin nila 'ko, minsan kapag curious din ako sa topic. Most of all, I just fake a laugh and my smile. Kahit gaano kasiyang kasama sa hapag-kainan si Tito Vatch kasama si Mama at Tito Allan, hindi ko naman makuhang mag-focus sa pinag-uusapan namin dahil sa pagkailang sa katapat kong upuan, si Rappy. Kagaya ko, mukhang hindi rin siya komportable. And I don't have any idea why. Hindi ko alam kung nagu-guilty ba siya kaya hindi niya 'ko makuhang tingnan? Kung may nagawa ba 'kong masama? Kung ano'ng dahilan sa paglayo niya. I really don't know. If I will title my life, I will name it, 'I don't know'. "Until now whenever I look at him, I can't even tell if he's really our Rappy," natatawang sabi ni Mama, nakatingin kay Rappy na siyang eksaheradong ngumiti. Pasimple ko 'yon pinagmasdan. Kahit kasi nakita ko na siyang ngumiti noong nagkita kami sa meeting, iba ang ngiti niya ngayon. He seems happy. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Does he happy remembering the past? "Tita Cel, I'm still Rappy, but with a good pronunciation of Raffy, " he said, then laugh with his very masculine voice. "Pauline's really funny to make him grown up with that silly wrong pronunciation,“ "Its okay dad, I missed being Rappy, sometimes." Napatingin ako sa kaniya, at nagulat ako nang maabutan kong nakatingin din siya sa 'kin. Hindi pa ako nakakapag-react ay iniwas niya na ang mata niya. Sa halip na magsalita ay nanahimik na lang ako, at nagpanggap na nakikinig pa sa usapan, kahit ang totoo ay wala na 'kong maintindihan. Pati ba ang tingnan ako, hindi niya magawa? May kasalanan ba 'ko sa kaniya? Sa halip na magdaldal ay nanahimik na lang ako, para na rin itago kina Mama ang bigat ng loob ko. Hanggang sa natapos ang dinner at tinuloy ang kwentuhan sa living room. May kalakihan ang living room ng bahay ni Tito Allan. Dalawang long sofa ang magkaharap, habang dalawang single sofa naman ang magkatapat. Nagtatawanan sina Tito Allan at Tito Vatch na siyang magkatabi sa long sofa, habang magkatabi naman kami ni Mama sa tapat nila. Nagulat ako nang bumulong sa 'kin si Mama. "You haven't spoke with Raffy yet?" Bahagya ko siyang tiningnan. I tried to hide my emotion. I wish I succeeded. "I just feel some awkwardness," tanging nasabi ko. Hindi ako komportable na magsabi kay Mama, kaya naman kung ano ang dahilan ay mas pipiliin ko na lang itago. Nagpaalam kani-kanina lang si Rappy, ang sabi niya may importante lang daw siyang kakausapin sa tawag, kaya naman nagpunta muna siya sa garden. "Hindi ka na dapat mailang sa kaniya. Go follow him, for sure tapos na 'yon sa phone call niya." Tatanggi pa sana 'ko, kaya lang ayokong magduda si Mama. Kaya naman lumabas nga ako sa garden at naabutan si Rappy na nakatitig sa pool, na kasalukuyang naglalgay ng ilaw sa balat niya. Magkasama na ang garden at pool site ng bahay. Pinaliligiran ng magaganda at mababangong bulaklak ang pool, and it's makes this part of the house as most refreshing place. Hindi pa 'ko nakakalapit ay mukhang napansin niya na ang presensya ko. Nakaupo siya sa mahabang upuan na malapit lang sa pool. Saglit niya lang akong tiningnan at agad din binalik ang tingin sa pool. Somehow it reminds me what he looks like when he told me that he's leaving. Kahit na gaano ka-pre-occupid ang isipan niya'y ramdam na ramdam niya pa rin ang presensya ko, ang liwanag sa mukha niyang dating pula gawa ng araw, ngunit ngayon ay simpleng kislap na lang na parang nanginginig kakagalaw ng tubig dahil sa hangin, at ang pagtitig niya sa liwanag. Hindi ko alam kung kailangan ko bang mag-umpisa ng topic o kausapin siya. Naisip kong pumasok na lang uli, pero natigilan ako nang tawagin niya 'ko. Tahimik na umupo ako sa katapat niyang upuan, at tumingin din sa pool na tinitingnan niya. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paggalaw ng adams apple niya. Does he have a hard time to talk to me? "I wasn't expecting na tatanggapin mo ang offer ni Tito Allan sa 'yo. Alam kong mula noon ay ayaw mo nang sumama sa kanila," sabi niya sa mahinang boses ngunit may kalakihan. Its feel strange na muli siyang marinig na magtagalog, whem all along pakiramdam ko nakalimutan niya na ang lengguwahe namin. Mabilis ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niya. Alam niyang mula noon? Matagal na ba siyang nakakatanggap ng balita tungkol sa 'kin? "Matagal mo na bang alam na may koneksyon kami ni Mama kay Tito Allan?" Binaling niya ang ulo sa 'kin, all though hindi siya umalis sa pagkakaharap sa pool. "Oo. 4, years ago since the first time I met Tito Allan. Your mom's convince dad na makipag-merge sa kompaniya n'yo, nang isang araw nagkita sila sa isang restaurant." "4, years?" I murmured. "4, years ka na palang may idea kung paano ako ico-contact, bakit wala akong natanggap?" wala sa sarili kong tanong. I don't know. May kung ano sa loob ko na kumirot. Nadagdagan ang mga tanong kong gustong masagot. But I still don't know if I could get an answer. Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa 'kin. "Do I have to?" Naigulo ko ang buhok ko dahil sa iritasyon, naging dahilan 'yon para kumawala ang mahaba-haba kong bangs na pinilit kong isama sa ipit ko kanina. Hindi ko alam kung paano ko ide-describe ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung may panalo ba ako. Does he have to? For me yes, dahil ako ang pinangakuan. Pero minsan maging akong ay hindi sigurado kung tama pa mga bang maghintay ako? I don't know. But it hurts to feel thate you're forgotten by someone who once promised you a love. Bago pa ako makapgsalita ay naunahan niya na 'ko. And somehow, hiniling ko na sana hindi na lang siya nagsalita, o sana nabingi na lang ako nang hindi ko na narinig ang sinabi niya. "Kung ang pinanghahawakan mo lang ay 'yong minsan kong pinangako, kalimutan mo na 'yon. Mag-matured na tayo, 'wag na natin balikan ang mga bagay na ginawa o sinabi natin noong hindi pa natin alam ang totoo sa hindi. We're too innocence that time, too young. But now we're both grown up with our very respective career. Let's leave our immaturity right where its belongs." Bago pa magproseso sa 'kin lahat ng sinabi niya ay tumayo na siya. Nakita ko lang ang pagdaan niya sa 'kin sa gilid ng mga mata ko, at ang paggalaw ng salaming pinto papasok sa loob. Parang namanhid ang puso ko, ngunit bakit sa lahat ng pagkamanhid ito ang may sakit? Hinayaan ko ang pagpatak ng luha ko. Hindi ko alam kung sa sakit o iritasyon. Ayaw tumakbo ng utak ko, hindi ko masabi kung tama ba ako o mali. Ang tanging alam ko lang ay masakit. Kapag ba nasa tamang edad na kami at kailangang mag-matured, dapat na rin namin kalimutan ang nakaraan? That's bullsh*t. *** ALL my goals now is to finish my job here in London. Gusto ko nang umuwi sa Tagaytay. I don't care if London is Mama's real home now, or Tito Allan's, or even that Rafael Valerio. All I know is there is where I really belong. Emmanuels is my home. Sa sumunod na tatlong araw ay tiningnan ko lahat ng lupain ni Tito Allan, to check the space. Good thing lahat ng information na kailangan ko ay nasa iisang folder na binigay sa 'kin ni Tito. But right now, plano ko nang gumawa ng design. Kaya naman nakipagkita ako sa architect naming si Taylor, sa malapit na coffee shop sa mansion. I admit, leaving the house is really given me a hard time. Hindi ko pa kabisado ang buong London, or kahit ang places na kailangan ko lang puntahan. Buti na lang ay may naka-hire na driver si Tito para maging service ko kahit saan ko gustong magpunta. Although wala akong pinupuntahan bukod sa opisina ni Tito at sa firm, kung saan namin pinag-uusapan ang pag-build ng hotel. Siguro kung nandito si Cindy, nalibot na namin ang buong London. Pero wala siya rito, at wala na 'kong ibang kaibigan dito bukod sa nakalimot nang si Rafael. Sa lumipas na mga araw, pinilit ko siyang iwaksi sa isipan ko. Kahit papaano ay nagtatagumpay naman ako. Although hindi ko pa rin makalimutan ang mabigat na pagkadismaya ko sa kaniya. Sino bang nagsabi na isang araw babalik siya at aayain akong maging girlfriend niya? Sino bang nagsabi na kailangan niya 'yon tuparin kahit hindi niya na 'ko mahal? Wala naman 'di ba? Ang gusto ko lang naman ay muli siyang magpakita kahit bilang kaibigan na lang. Para naman kahit papaano alam ko kung saan ako lulugar. Ang hirap kasi sa kaniya, pinaghintay niya 'ko, pinangakuan, pero hindi niya naman kayang panindigan. Kung alam niyang may pangako siyang iniwanan, sana maaga niyang sinabi na hindi niya na kayang tuparin. Sana imbes na halos tawagin niyang walang kwenta ang pangakong 'yon at kalokohan lang, nagsorry na lang siya at apologize. Kung sa ganoong paraan niya sinarado ang pangako niya, hindi siguro ako masasaktan nang ganito. Maluwag kong tatanggapin, at magmo-move forward na 'ko. But he didn't. He somehow insulted the promise I have once lived with. Mabilis 'kong ipiniling ang ulo ko nang marealize kong nasisira ko na ang strawberry cake na kinakain ko, kakaisip sa kaniya. Ayoko nang isipin ang tungkol sa kaniya. Nasisira lang ang araw ko. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa pintong salamin, umaasa na makikita ko si Taylor na pumasok. Puno ng tao ngayon dito sa coffee shop. Alam kong maaring hindi niya kaagad ako mapansin kung nagkataon, kaya naman pumwesto ako sa malapit lang sa pinto. Nakatalikod ako sa pinto, ngunit kitang kita ko naman ang tao sa labas dahil sa transparent walls. Inaabangan ko ang red car ni Taylor na minsan ko nang nakita nang magkasabay kami noon sa parking lot. I imagining her na lalabas ng red car niya with her cleavage on, and her flawless legs. Si Taylor, sa unang tingin ay hindi mo aakalaing architect siya dahil sa way niya ng pananamit. She's always sexy in every way, difference from me. I just wore a white sleeveless turtle neck on top, and black skinny jeans to bottom, I pair it with a black boots. Hindi na 'ko masyadong nag-makeup at basta ko na lang tinalian ng man-bond style ang buhok ko. Alalang-alala pa 'ko na baka ma-late ako sa usapan namin ni Taylor, kaya hindi na 'ko nag-ayos masyado, 'yon pala siya ang late. Sa pagkainip ay muli ko na lang tiningnan ang folder kung saan naroon ang letrato ng space. Samu't saring imagination of designs na ang naiisip ko, I really have to talk with Taylor. Bahagyang naagaw ang atensyon ko nang may tumikhim sa tabi ko. Muntik ko nang dedmahin 'yon at ibalik ang tingin sa folder kung hindi ko lang nakilala ang nakatayo doon. He's wearing a black long sleeve shirt and a black pants. Hawak niya ang shades niya na mukhang kakahubad niya lang. He's a half smiling looking down at me. Si Rappy. Napakurap ako nang sundan ko siya ng tingin hanggang sa maupo siya sa kaharap kong upuan. "What the hell! Why are you here? You're not the one who I'll be seeing here!" mahina lang ang boses ko ngunit tonong pasigaw. This past few days, nagkikita naman kami sa meeting. Pero bukod doon ay hindi ko na siya kinakausap o tinitingnan manlang. Umiiwas na 'ko sa kaniya. Ewan ko kung napapansin niya, if yes, wala na siguro siyang pakialam, pabor pa nga sa kaniya dahil siya ang unang may gustong umiwas. "Relax! Parang napaka big deal naman na nandito ako, remember? I'm the civil engineering here?" Umirap ako. "Engineur Rafael, please 'wag mo sa 'kin ipagmalaki ang all so called 'very respective career' mo. Hindi pa rin ikaw ang ka-meeting ko rito." Hindi ko mapigilan ang tarayan siya. Naiinis na nga ako sa pagka-late ni Taylor, siya pa ang magpapakita sa 'kin? Lalo lang nasira ang araw ko. Naramdaman ko ang pagtitig niya sa 'kin, kaya pasimple ko siyang tiningnan at nagpanggap na nakatingin ako sa labas, parang may hinahanap. Nakita kong mukhang binabasa niya ang ekspresyon ko. Hindi ko tuloy mapigilan na mapakunot ang noo. Sige, Rappy! Ngayon mo ipakita sa 'kin kung gaano ka kagaling magbasa ng mga design. Sorry na lang sa 'yo, hindi ako kagaya ng mga projects mo na kayang kaya mong solusyunan sa isang iglap. Narinig ko ang mahina niyang pagbuntong-hininga. "Yesterday, Taylor's called me. She asked me kung puwede ko raw siyang samahan sa meeting n'yo, do'n sa space," he explained. Tiningnan ko siya. "So she's coming? Where is she? I gotta call her-" Kukunin ko na sana ang cellphone ko sa bag nang awatin niya ang braso ko. "Let me," he said and dial to his phone. Hinayaan ko na lang siya at uminom sa juice ko. Naiinip na pinanood ko siya habang may kausap sa cellphone. Nakikita ko ang unti-unting pagkunot ng noo niya. "Seriously? You shouldn't said yes if you have something to do this day!... What kind of emergency? Do you want me to go there?... You are the architect Taylor, you should be here!... What?... Is that more important than this project?... When then?... Fine!" Pagkababa ng phone niya'y mukhang iba na ang awra niya. Mukhang uminit lang ang ulo niya sa usapang 'yon. Bigla tuloy akong nawalan ng lakas para tarayan siya. He seems more serious now than a few minutes ago. Tumikhim ako. "So... Where is she?" Kalmado na ang boses ko, sinusubukang itago ang iritasyon. Sa totoo lang pakiramdam ko alam ko na ang sinabi ni Taylor, but I still need a confirmation. "She's not coming, maybe after she finished her 'emergency' things. Let's go, I'll escort you there by myself." Tumayo siya at nag-iwan ng pera sa booklet na nasa mesa, saka unang naglakad palabas. Gusto ko sana siyang tawagin para sabihing ako na ang magbabayad, pero hindi ko na nagawa dahil mukha talaga siyang wala sa mood. This is a very long way ride. *** NAPANGITI ako nang makita ko ang River Thames. Sa tabi ng River Thames itatayo ang hotel, hindi naman ganoon kalapit. Nang una hindi ko inaasahan na ganito pala kaganda ang River Thames, but not now as I saw it personal. Its amazing. Ang ganda sa paningin ng asul na asul na tubig, ang paghampas ng malamig na hangin ay napakasarap langhapin. "First time?" Tiningnan ko si Rafael na nakatayo malapit sa gilid ko. Nakasuot siya ng itim na shades, pero kahit hindi ko kita ang mata niya'y alam kong nakatingin siya sa 'kin. Hinawi ko ang iilang bangs na kumawala na sa ipit ko. Nakangiti na tumango ako. "Oo, hindi pa 'ko masyadong nakakapamasyal sa buong London, pero so far sa lahat ng nakita ko na rito, ito ang pinaka maganda." Humakbang siya palapit sa 'kin. "Noong una 'kong nakarating dito, nahulaan ko na magugustuhan mo rito nang sobra. Tama nga ako." Napatitig ako sa kaniya. Sa ilang araw na mabigat ang loob ko sa kaniya, ngayon ko lang naramdaman ang kislap ng saya. Ang sarap sa pakiramdam na nang makatungtong siya rito sa London, naiisip niya pa rin ako. "Let's go," anito. Hindi na 'ko tumanggi nang dalhin niya 'ko sa pinaka space. Malaki ang space, tamang tama sa design na pinaplano namin ni Tito Allan at Mama. Sa ilang oras na pinag-uusapan namin ang design at place, hindi na 'ko nakaramdam ng awkwardness. Nakikita ko rin ang mangilan-ngilan niyang pagngiti, na dahilan para lumabas ang dimples niya na lumalabas lang kapag totoo ang ngiti niya. "So, what can you say about this place?" He asked as we walk by. We walk side by side. Malapit nang maggabi, nakikita ko na ang pag-iiba ng kulay ng kalangitan. "Very refreshing. Kahit ako kung mamimili ako ng place na gugustuhin na pag-stay-an, pipiliin ko rin dito." "Pansin ko, lagi mong napapansin 'yong pagiging refreshing ng lugar?" komento niya. Kanina ko pa nga sinasabing refreshing ang place na 'to. "I love refreshing place, one of the reason why I chose to stay in Emmanuels, sa Tagaytay, kaysa sa Maynila." "You stayed?" mukhang sa lahat ng sinabi ko ay doon lang siya naging interesado. Magsasalita na sana 'ko, nang mapatingin ako kung saan may tumawag ng pangalan ni Rafael. "Raff," lumapit sa 'min si Taylor. "Where have you been?" narinig kong sinabi ni Rafael nang salubungin niya 'to. Lalapitan ko na sana sila, ngunit natigilan ako sa ginawa ni Rafael kay Taylor. He kissed her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD