Chapter Two

2659 Words
CHAPTER TWO KATELYN Reminiscing the past are sometimes makes you smile, but not until when you realized how difference our presence are. *Flashback* Pagkarating na pagkarating ko sa tuktok ng burol, agad na hinanap ng pangingin ko si Rappy. Nagulat ako nang bigla siya sa 'kin nag-text kanina at pinapunta 'ko rito. Sa pagiging abala niya sa school ay bihira na lang siyang makipagkita rito kapag araw ng may pasok, lalo na ngayon na binubuo niya na ang mga requirements na kailangan niya para makapasok ng kolehiyo sa June. Kaya naman nang matanggap ko ang text niya'y kaagad akong nagtungo rito. Baka kasi may problema nanaman siya. Magmula nang maghiwalay ang parents ni Rappy, naging malungkutin na siya. Hindi na kagaya ng dati na lagi siyang masaya kapag naglalaro kami, ngayon kinukulit ko na lang siya para pasiyahin, mabuti na lang at nakikita kong epektibo ang ginagawa ko. Pero sa mga lumipas na taon ay hindi na kami mahilig maglaro dahil sa tumatanda na rin kami. Pero aaminin ko na nami-miss ko pa rin ang 11, years old na siya at 8, years old na ako. Ngayon 13, years old na 'ko, madalas na lang kaming magharutan at kwentuhan kapag hindi busy sa school, pero kapag alam namin pareho na kailangan namin ang isa't isa, okay lang na hindi makagawa ng assignment mapuntahan lang ang isa't isa. Nakita ko siya sa gilid ng paborito naming puno. Nakatanaw sa kawalan, kulay pula ang mukha dahil sa liwanag ng papalubog nang araw. Halos yakapin ang tuhod. Hindi ko pa siya nalalapitan ngunit basa ko na ang lungkot sa awra niya. Gusto kong maiyak dahil sa paninikip ng dibdib kong nakikita ko siyang ganoon, ngunit pinigilan ko. Ayokong sa ganitong pagkakataon, ako pa ang sasandal sa kaniya. Huminga ako nang malalim saka lumapit at umupo sa tabi niya. Nakita ko ang bahagya niyang paggalaw bilang simbulo na napansin niya ang presensya ko, pero hindi niya 'ko tiningnan at nanatili lang sa kaninang puwesto. Ginaya ko ang puwesto niya at pinanood din ang paglubog ng araw. Mula bata pa lang kami, rito na kami laging naglalaro. Hanggang sa magsawa kami sa paglalaro at maging abala sa eskwelahan, dito na ang aming naging tagpuan, takbuhan sa mga panahon na kailangan namin ng masasandalan at kapayapaan. "Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano'ng buhay ko ngayon kung hindi nawala si Mommy," halos mamaos ang boses niya nang bigla siyang magsalita. Tiningnan ko lang siya. Sa gawi ko ay kitang kita ko ang kurba ng mukha niya. Ang may katulisan niyang ilong, singkit na mata, at ang mahahaba nitong mga pilik mata. Halos mabasag ang puso ko nang may mabilis na luhang pumatak mula sa mata niya. "Iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon niya sa tuwing may mangyayari sa 'kin, kung anong gagawin niya, kung anong sasabihin niya. Everyday is very difference without her, many things in my life changed since I lost her. Kahit kailan hindi ako tumigil sa pag-asang panaginip lang ang pagkawala niya, na isang araw ay magigising akong isang malaking biro lang pala ang lahat." Mabilis na pinunasan ko ang luha ko. Hindi ko mapigilan ang masaktan. Maging ako, miss na miss ko na si Tita Pauline. Siya ang nag-alaga sa 'kin magmula bata pa lang ako. Siya na ang nagparamdam sa 'kin ng pagmamahal ng ina. Kahit kasi inaalagan ako ni Mama, hindi ko naman maramdaman na mahal niya 'ko bilang anak. Walang tinago sa 'kin si Mama, lumaki ako na alam ko kung bakit wala akong kinilalang ama. Sabi ni Mama pinagsamantalahan lang siya kaya ako nabuo. Noon hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ni Mama roon, pero hindi ko na matandaan kung ilan taon ako nang maintindihan ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Kaya pala parang lagi sa 'king galit si Mama, dahil sinira ng ama ko ang buhay niya. Minsan pakiramdam ko kailangan kong pagbayaran ang kasalanan ng ama ko. Pero sa kabila ng ganoong pagtrato ni Mama sa 'kin, nandiyan si Tita Pauline na halos tumayong ina ko. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa 'kin. Pero last year, naaksidente siya sa biyahe dahil sa malakas na ulan, malakas daw ang pagkakabagok ng ulo niya na sanhi ng pagkamatay niya. Magmula noon ay ang nag-alaga na kay Rappy ay si Tito Piks, brother in law ni Tita Pauline. Kahit hindi pinabayaan ni Tito Piks si Rappy, kitang-kita ko pa rin ang pagbabago ng buhay nito. Ang lungkot na lagi kong nakikita sa mga mata niya, minsan nakikita ko ang ngiti niyang may pahid nang pagkukunwari. Sobra-sobra pa ang daliri para mabilang kung ilan beses lang naging totoong masaya si Rappy magmula nang mamatay ang mommy niya. "Hanggang ngayon pinag-aaralan ko pa rin kung paano mabuhay nang normal na wala siya. Akala ko ito na 'yong pinaka malaking pagbabago ng buhay ko, pero hindi pa pala." Binalingan niya ko. Kumikinang ang mga mata niya dahil sa basa niyang mga mata at liwanag ng araw. "Bumalik si Daddy, Kate, sinasama niya 'ko sa London." Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay bigla akong nabingi, alam ko ang sinabi niya pero ayaw magproseso sa utak ko, ayaw nitong tanggapin. Panandalian na namanhid ang dibdib ko, ngunit nang maramdaman ko ang sakit ay pakiramdam ko babagsak ako. Binalewala ko ang pag-init ng mga mata ko. "Gaano kayo katagal do'n?" Hindi ko alam kung narinig niya 'ko. Pakiramdam ko hangin lang ang boses ko dahil sa sikip ng dibdib ko. Palihim akong humiling na sana buong summer lang. Na magkikita pa kami ulit. Magkakasama. Napatingin ako sa kamay ko nang kunin niya 'yon at ipatong sa may tuhod niya. Naramdam ko ang panginginig ng kamay niya habang pinipisil ang palad ko. It felt so good but the message of his touch driving me crazy. Pakiramdam ko alam ko na ang sagot. "Migrate, gusto niya 'kong mag-migrate na sa London, kasama niya. Hindi na raw kami babalik," puno ng lungkot niyang sabi. Umiling-iling ako at yumakap sa kaniya. Naramdaman ko ang pag-uga niya nang itulak ko ang sarili sa kaniya. Pareho kaming humihikbi at nanginginig ang katawan kakaiyak. Ayokong mahiwalay kay Rappy, ayoko. "Rap, 'wag ka nang umalis. Iniwan na nga tayo ni Tita Pauline, maghihiwalay pa tayo..." rinig ko ang pagkabasag ng boses ko, ngunit pilit ko lang 'yon inignora. Bahagya niya 'kong hiniwalay sa kaniya. Magkatapat ang mukha namin. Kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha, kitang-kita ko pa rin ang pamumula ng buong mukha niya dahil sa kakaiyak, at ang tuloy-tuloy na pagpatak ng luha niya. Ramdam na ramdam ko ang paghimas niya sa pisngi ko. "Kate, kailangan. Si Daddy na ang legal guardian ko, kaya kung nasaan siya dapat nadoon din ako." Napayuko ako. Gusto ko pa siyang pigilan pero hindi ko alam kung dapat pa ba. Si Tito Vatch na lang ang parents ni Rappy, at kung mayroon man siyang dapat samahan ay si Tito Vatch na lang 'yon. Pero paano ko? Kami? Si Rappy, siya ang best friend ko. Sa kaniya ko natutunan kung pa'no maging tunay na kaibigan, sa kaniya ko natutong mag-matured, at sa kaniya ko rin nalaman ang pagmamahal. Sa batang edad, inaamin kong mahal ko na si Rappy. At ramdam ko, alam kong mahal niya rin ako. Lagi namin sinasabi kung gaano namin kamahal ang isa't isa, kung gaano kami kahalaga sa puso naming dalawa, kahit wala pa kaming pormal na relasyon, dahil masyado pa 'kong bata, pero mahal na namin ang isa't isa. "Naaalala mo pa ba kung bakit sa punong 'to tayo laging nakasandal kapag kailangan natin ng tatakbuhan?" Inangat ko ang mukha ko at nakita ko siyang sinisilip ang mukha ko. Tiningnan ko ang puno na nasa tabi niya, at inalala ang palagi sa 'ming kwinekwento ni Tito Piks, kung bakit sa lahat ng makikita sa buong Emmanuels ay ito dapat ang tularan namin. "Dahil sa sobrang haba nang panahon na nabubuhay 'to, masyado nang maraming trahedya ang pinagdaanan niya, pero nananatili pa rin 'tong nakatayo-" "Hindi siya natinag ng trahedya, ng panahon. Kung saan siya lumaki, nabuhay, at naging matatag sa pinaka mahirap na parte ng buhay niya, hindi siya tumaob, hindi niya iniwan ang kinatatayuan niya, " rugtong niya sa sinasabi ko. Pilit siyang ngumiti. "Kate, ako ang punong 'to, at ikaw ang lupain kung saan ako naging matatag nang maghiwalay ang parents ko, nang umalis si Daddy sa bansa, nang mawala si Mommy. Kaya mananatili rin ako rito, mananatili ang puso ko kasama mo." Muli niyang pinunasan ang luha ko. Kitang kita ko kung paano niya pagmasdan ang kabuuan ng mukha ko, hanggang sa nanatili 'yon sa mata ko. "Kate, hintayin mo 'ko, babalik ako. Babalikan ko ang babaeng minahal ko, at mamahalin pa hanggang sa paulit-ulit na bukas." Tumango ako. "Hihintayin kita, kahit gaano katagal, maghihintay ako." *** DAPAT ngayon masaya 'ko na nakita ko na ulit ang lalaking matagal ko nang hinihintay, but no. Remembering all the good memories with him, it did makes me feel good all the time. But not this time. As I watched him turning his back, I know all the promises makes no sense now. As I hold on, he loosen it. The memories are not sending me happiness now, I've got pain. "Girl! 'Wag ka nang mag-senti diyan! At least ngayon alam mo na kung bakit hindi na siya bumalik." Nakita ko sa screen ng laptop ko si Cindy na kasalukuyan nang inaayos ang kama ko. Si Cindy muna ang umaasikaso sa bahay ko habang wala ako. Pumayag naman siya dahil saglit lang naman ako rito, tatapusin ko lang ang project. Isa pa siya naman ang kumumbinsi sa 'kin na tanggapin ang proyekto. Tatlong araw na ang lumipas matapos kong makilala ang mga ka-team ko sa pagbuo ng hotel business ni Tito Allan, and it's so depressing. Hanggang ngayon hindi pa nawawala sa alaala ko ang nangyari that time. Kung paano makipag-usap ng sobrang pormal sa 'kin si Rappy. Titingnan niya lang ako kapag napupunta sa 'kin ang atensyon ng iba dahil sa mga suggestions, idea, na kinukunsulta nila sa 'kin. Kung paano siya magpaalam at magpasalamat, act as if tungkol lang sa trabaho ang koneksyon namin. Inaamin ko, na sa oras na matapos ang meeting ay inaasahan kong lalapit siya sa 'kin at makikipag-kumustahan, but he didn't. Hindi manlang siya nagpakita ng sign na masaya siya na muli kaming nagkita. That meet up didn't makes me comfortable in whole 3, days. Kaya nagpasya na 'kong kausapin si Cindy para mapaglabasan ng sama ng loob. Napakamot sa may kilay si Cindy nang hindi ako sumagot sa kaniya. Mukhang alam niyang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. "I'm just trying to say na baka maganda na ang career niya diyan sa London, to the point na hindi niya na maiwan. Ikaw na ang nagsabi, Civil Engineering na siya diyan, with a high position. Ano nga naman magiging buhay niya sa Pinas kung iiwan niya ang career niya diyan, 'di ba?" Pumangalong-baba ako sa unan na nakapatong sa lap ko. "Nakita ko nga kung gaano na siya ka-professional sa ginagawa niya. Pero kailangan ba talaga niyang umasta na wala kaming pinagsamahan manlang?" Nagulo ko pa ang buhok ko buhat ng iritasyon. "Malay mo? There's an explanations naman, you just have to find it out." Umirap ako. I really want to see him again, but as of now I don't feel it. He's still hurting my egos and I can't just ignore it. "Why would I? If he don't feel happy to see me, then don't! I don't care!" Nag-slow clap siya at tumawa ng sobrang sarcastic. Kung katabi ko lang 'tong babaeng to ngayon, malamang nahampas ko na 'to. "I know you're lying! You're just too mad so you can't admit it, but I know that even you don't want to, you really care and happy to see him." "Cindy! I'm your best friend here, remember?" "I do!" She laugh. "But you must admit na mabait ang tadhana. After 12, long years, finally pinagtagpo na ulit kayo." "Should I really thank for that? Ang haba na ng 12 years, seriously?" Ewan ko ba sa sarili ko. Parang kamakailan lang halos tanggihan ko ang project na binibigay ni Tito Allan, para lang hindi umalis ng bansa, umaasa na babalikan ako ni Rappy. Pero nadismaya talaga 'ko sa pinakitang aksyon ni Rappy. It feel really bad to experience something opposite of what you expected. "Bes, don't be sad. May plano ang tadhana kaya ngayon lang uli kayo pinagtagpo." "Plano rin ba niyang gawing malamig ang pakikitungo ni Rappy sa 'kin?" Before she could react, nagbukas na ang pinto ng kwarto ko na nakapagpahinto sa 'min. Tito Allan has been so sweet to me. He prepared a room for me. Kahit na alam niyang saglit lang ako rito, hindi niya ko pinaghanda ng guest room. Sumilip si Mama sa pinto, mukhang natigilan siya nang titigan ang mukha ko. "Is there any problem?" She asked. I fake a smile. "Its okay 'Ma." I assured her. Bahagya siyang tumango. "Nandito na ang bista na 'tin. Are you done?" Mabilis na tumango ako at sinabing susunod ako. Mabilis na nagpaalam na 'ko kay Cindy saka naghanda para bumaba na sa first floor. Ang sinasabi ni Mama na bisita ay ang C.E.O ng kompaniya ni Tito Allan. I don't have any idea kung para saan, basta pinag-ayos na lang nila 'ko dahil inimbitahn daw nila 'yong CEO for dinner tonight. Nakaayos na si Mama nang silipin niya ko, she's wearing a white blouse and long skirt to botton. With a light makeup, she's stunned. Mukha pang bata si Mama kahit may edad na. Hindi kataka-taka na araw araw ma-inlove sa kaniya si Tito Allan. Maski si tito Allan, hindi pa gaanong halata sa kaniya ang edad, although hindi na rin siya mukhang bata. He's a tall, big blonde guy. Tonight, he's wearing his usual dress up, a white polo shirt and a blue jeans. He looks handsome in that way. Me, I'm wearing a pastel red plain dress. T-shirt style on the top. I knot my short hair in half knot. Bumagay naman siya at nagmukha ako akong formal and matured. "Sweetheart, you're here!" Masiglang bati sa akin ni Tito Allan. I smiled. Halos mag-freeze ang ngiti ko nang tingnan ko ang kaharap ni Tito Allan, na lalaking alam kong siyang bisita namin. Unlike his son, he has a blonde hair, and a grey eyes which makes him more British look. Hindi kagaya ni Tito Allan, mukha pa itong bata ngunit sumasabay ang pangangatawan na mukhang hanggang ngayon ay alagang -alaga. "It's been a long time since the last time I saw you. How are you?" Tito Vatch, said. I blinked when he hug me. Si Tito Vatch, ang asawa ni Tita Pauline. Minsan na rin akong naging malapit sa kaniya, hindi nga lang sobrang lapit kagaya ng kay Tita Pauline. Maaga rin siyang nalayo sa 'kin dahil bumalik siya sa bansa niyang London nang maghiwalay sila ng asawa, he's a part of my childhood. "Mama's never mentioned that you're the CEO she's talking about," I said after my response and ask him how is he. "Woah! Maybe because I'm not that CEO," and he laugh. Before I could react, mula sa pinto palabas ng garden, linuwa niyon si Mama, kasama ang taong hindi ko inaashang makikita ko ngayong gabi. "Kate, he is the CEO." I don't know what to feel. Should I be happy to see him? Should I celebrate that Rafael not used to be Rappy's here in front of me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD