Chapter 1

1938 Words
NAIYAK sa tuwa si Annie nang sa wakas ay natapos din ang medical residency niya isang ospital sa Makati. Natapos niya ito sa loob lamang ng apat na taon. Aside from the residency, she also works as a general medical practitioner in some clinics for additional income. At the age of twenty-eight, she finally reached her dream of becoming a doctor, despite the ups and downs in her life. Naabutan siya ng kaibigang si Ingrid sa lobby ng ospital. Gilfriend din ito ng kuya niya. Nakasabay niya na nag-aral ng medisina si Ingrid pero nauna itong nakatapos sa kaniya. Mas matanda naman ito ng isang taon sa kaniya. May ilang subject kasi siyang na-drop dahil sa depresyon na sumabay sa pagkawala ng baby niya. She lost her baby during the trouble that happened between Vladimir and Jake. Nilagawan kasi siya ni Vladimir after ng one-night stand nila noong nalasing kaso hindi siya pumayag at sinabing hindi pa siya handa. Inilihim niya sa binata ang pagbubuntis niya, kaso nabisto rin siya noong nakunan. Halos magpatayan sina Vladimir at Jake noon kaya lalo siyang na-stress. Galit na galit ang kuya niya kay Vladimir. Bukod sa ayaw ni Jake kay Vladimir, nag-alangan din siyang tanggapin ito dahil sa sinabi ni Jake na sindikato ang tatay ni Vladimir. Kaso mapilit si Vladimir kaya lalong nagkagulo. Noong nakunan siya, nagalit si Vladimir at sinisi siya, pero kaagad din itong lumayo matapos mamatay ang mommy nito dahil sa atake sa puso. Nalaman din kasi ng ginang na nakunan siya, inisip na si Harry ang ama ng baby niya. Dahil sa guilt ay hindi na siya nagpakita pa kay Vladimir, ni pagsilip sa burol ng mommy nito ay hindi niya nagawa. Sinisi naman niya si Jake sa pagkawala ng baby niya. Ito kasi ang nagpalala ng stress niya at apektado pati kaniyang pag-aaral. Kung hindi ito nakialam at hinayaan si Vladimir na panagutan siya, baka naging madali ang buhay nilang lahat. Kaso nilamon din siya ng takot dahil sa banta ni Jake na ipapatay si Vladimir. Dahil sa pagkawala ng baby niya, lalong lumayo ang loob niya sa kaniyang kapatid. Bukod sa halos kontrolin nito pati kaluluwa niya, ginawa rin siya nitong collateral sa mga napag-utangan nitong boss at kasosyos sa negosyo. Gusto na niyang makalaya kaya kahit halos sumuko na siya sa medisina, itinuloy pa rin niya. Kailangan niyang makalayo kay Jake. “Congrats, Annie!” bati sa kaniya ni Ingrid. Hinalikan siya nito sa kanang pisngi. Malapad siyang ngumiti. “Salamat. Kung hindi dahil sa motivational words mo, baka matagal na akong sumuko,” aniya. Sabay na silang pumasok sa doctors’ office. “No worries. Pareho lang naman tayong may pinagdadanan,” anito. Tinapik siya nito sa kanang balikat. Matipid siyang ngumiti. “Oo nga, pero masuwerte ka pa rin dahil nariyan ang parents mo.” “Yeah, that’s why I’m still thankful.” Nang makuha ang kailangang record, nagpaalam din siya sa kaibigan. She’s not comfortable talking to Ingrid since she noticed some changes. May pakiramdam siya na nanlalamig na si Ingrid kay Jake. Aware siya na dating ikinasal si Ingrid sa Italy, nagkaroon ng anak sa dating asawa. Kaso hiniwalayan nito ang asawa matapos matuklasang miyembro ito ng syndicate group. At nitong nakaraang buwan, tinanggap ulit nito ang dating asawa na nagkaroon ng retrograde amnesia para tulungang maka-recover. Nagsabay-sabay din kasi ang kamalasan simula nang natuklasan ni Ingrid na may ugnayan pa rin ang kuya niya sa ex nitong si Inna. She felt guilty about denying the fact just to secure Ingrid’s relationship with Jake. But it seemed too late. Umiiwas na si Ingrid sa kapatid niya. Lately, she discovered Jake’s secrets. Nagpamiyembro pala ito sa mafia organization kaya ang laking pera nawala sa real estate company nila. Nagkautang pa sila sa pamilya ni Ingrid. Kaya minsan ay siya na lang ang umiiwas kay Ingrid para hindi siya usigin lalo ng konsensiya. Kaso nitong nakaraang araw, nahalata ni Ingrid na balisa siya. Nagkakagulo na kasi sila dahil nasi-sense na ni Jake na nagkakamabutihan na sina Ingrid at ex nitong si Dwayne. WALA siyang duty sa hapon kaya inasikaso lamang niya ang ibang kailangan sa clinic na pupuntahan sa susunod na araw. Pagsapit ng lunch time ay muli silang nagkita ni Ingrid sa entrance ng ospital, palabas na rin ito. Hindi siya mapakali kasi alam niya’ng inoobserbahan siya ni Ingrid. Inusig siya nito tungkol sa missed call niya noong gabi. Natukso siyang tawagan ito para sana sabihin ang problema niya, kaso nagbago rin ang kaniyang isip. Mabuti hindi nito nasagot ang tawag. Niyaya na lamang niya itong mag-lunch sa malapit na restaurant. While waiting for their ordered food, Ingrid questioned her anxiousness. Ang dami niyang alibi kahit taliwas sa katotohanan. Pero kalaunan ay ginulantang siya ng desisyon ni Ingrid. “I will break up with Jake,” sabi nito. “What? But why? If tungkol ito kay Inna, I think hindi naman big deal ‘yon,” she said. Lalo siyang naging uneasy. She tried to defend her brother to prevent the possible conflict, yet Ingrid refused to believe. Nagulat siya nang tila marami na itong alam tungkol sa sikreto ni Jake. Alam na nito ang pinaggagawa ng kapatid niya. May pinakita itong ebidensiya na may relasyon pa rin sina Jake at Inna. Dedepensahan pa sana niya ang kapatid ngunit umapela si Ingrid. “Stop defending your brother, Annie. I know you’re trying your best to separate from him, but you are scared. I can help you if you will cooperate with me,” sabi nito. Nilamon na siya ng kaba. Ang totoo’y araw-araw siyang takot, lalo nang malamang na ipinagkanulo siya ni Jake sa bilyonaryo nitong amo na gustong-gusto siya. Minsan ay gusto na lang niyang magpasagasa sa tren para matapos na ang problema niya, pero marami pa siyang pangarap, na alam niya’ng maisasalba pati problema sa kaniyang kapatid. Hindi tuloy siya makakain nang maayos pagdating ng order nila. Inalipin na kasi siya ng mabigat na emosyon. Lalo pa siyang inusig ni Ingrid tungkol sa nakaraan niya. May tiwala siya rito kaya walang mawawala kung sabihin niya ang masakit na parte ng kaniyang buhay. Hindi rin siya nakatiis at naglabas ng saloobin kay Ingrid. But later on, Ingrid opened up the topic about her past, about the father of her late baby. She’s amazed, at the same time, confused as to why Ingrid knows about the guy, about Vladimir. Hindi man nito nabanggit ang pangalan ni Vladimir, nasa punto ng mga tanong nito na tila marami itong alam. Nagkuwento na rin siya tungkol sa nakaraan niya, kung paano nawala ang baby niya at ano’ng nagyari sa tatay nito. At hindi niya naiwasang maging emosyonal. Ingrid sensed that Jake was also responsible for why she lost the chance to be happy. Nag-hystirical na ito sa galit. “Ayaw ni Jake na magka-boyfriend ka kasi naipagkanulo ka na niya sa boss niyang bilyonaryo. How can you manage your life with that stupid idea of your brother, Annie? Sinasakal ka niya. ‘Tapos ikaw pa ang tatanaw ng utang na loob? Dapat walang ganun kasi pera rin ng parents mo ang pinangtustos niya sa pag-aaral mo,” ani Ingrid, pumalatak na ito. Naunahan na siya ng emosyon at mabilis na umalab ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. Napaluha na siya. Hindi na niya inisip ang tungkol kay Vladimir dahil inaalala niya ang posibleng mangyari sakaling hiwalayan na ni Ingrid si Jake. Lalo silang magigipit at baka babalik sa dating bisyo nito si Jake, bagay na ikinakatakot niya nang husto. Pagkatapos ng tanghalain ay sinamahan niya si Ingrid sa opisina ni Jake kaso wala ito roon. Wala rin sa bahay ang kuya niya kaya sumama na lamang siya kay Ingrid sa condo nito. Na-miss na rin niya ang anak nito kaya bumili siya ng laruang robot at kotse para kay Slather. Gumaan na rin ang pakiramdam niya matapos magkuwento kay Ingrid. Pero curious pa rin siya bakit may hint ito tungkol kay Vladimir. Wala naman siyang pinagsabihang iba tungkol doon. “Kung gusto mo na talagang bumukod kay Jake, may bakante pang unit dito sa condo namin,” ani Ingrid. Lulan na sila ng elevator. Pag-aari ng pamilya ni Ingrid ang condo na iyon. “Sounds good, but thanks. Gusto ko kasi iyong house and lot, at hindi ko gusto ang ambiance ng condo. Mahilig kasi ako sa halaman,” aniya. “Oo nga pala. Pero puwede naman sa housing project ng kuya mo, ah. I have an investment there.” “Ayaw naman ni Kuya.” “Bakit?” “Ayaw lang talaga niya na bumukod ako sa kaniya.” “Of course, dahil may kailangan pa siya sa ‘yo.” Hindi siya kumibo at napabuga ng hangin. Tama naman si Ingrid. Hawak pa rin siya ni Jake sa leeg. Inayos niya ang kaniyang damit. She just wore white skinny jeans and pink blouse, terno sa shoulder bag niya. Komportable rin siyang magsuot ng three inches sandals. Ayaw niya naman ng sobrang palamuti sa katawan dahil morena siya, mas simple mas bagay. Nagmumukha siyang model sa tuwing nag-aayos, lalo’t nasa limang talampakan at anim na pulgada ang kaniyang taas. She didn’t wear too much makeup, lipstick and face powder were enough. Wala rin siyang ibang alahas maliban sa relong pambisig. Nasa tapat na sila ng unit ni Ingrid nang mag-text si Jake. Galit na galit ito kasi ilang tawag nito ang hindi niya sinagot. She typed her reply and told Jake that she was busy in the hospital. Kinabahan din siya matapos magsinungaling sa kapatid. Feeling kasi niya ay may inutusan itong tao para sundan siya. Minsan kasi ay ramdam niya na may sumusunod sa kaniya. “Let’s go inside, Annie!” paanyaya ni Ingrid. Sumunod naman siya rito pero panay pa rin ang tipa sa cellphone. Tinawag na ni Ingrid ang anak nito. Nagulat siya nang may batang yumakap sa kaniyang binti, si Slather pala. Mag-apat na taon na si Slather, malaking bata. “How are you little handsome?” nakangiting tanong niya rito rito. “I’m good, Ninang!” tugon naman nito. Inilabas naman niya ang regalo para kay Slather. “Here’s my gift for you,” sabi niya, sabay bigay ng regalong munting robot at kotse rito. “Wow! Amazing!” komento ni Slather. Tuwang-tuwa ito. Tinabihan niya sa couch si Slather at iniwan na siya roon ni Ingrid. Pumasok na ito sa kusina. Marami palang bisita sila Ingrid, mga kaibigan malamang ng ex-husband nito. Busy ang lahat kaya inaliw muna niya si Slather. Na-miss niya ito nang sobra. Ang bilis nitong lumaki at lalong lumitaw ang kakapogian. Kamukha pala talaga ito ni Dwayne. Mayamaya ay lumabas si Ingrid mula sa dining. “Annie, let’s eat! Dalhin mo na si Slather,” sabi nito. “Sige. Let’s go, pogi,” aniya. Binuhat na niya si Slather na ayaw bitawan ang laruang kotse. Ngunit napako naman ang mga paa niya sa bukana ng pintuan nang mahagip ng kaniyang paningin ang pamilyar na lalaki, katabi ng lalaking nagsusuot ng kamesita. Animo binuhusan siya ng malamig na tubig at hindi makapaniwala sa nakikita. Hindi niya mahagilap ang sagot sa tanong bakit naroon si Vladimir. “Halika na, Annie, maupo ka rito,” ani Ingrid. Hindi pa rin siya nakakibo at marahang nailapag sa sahig si Slather. Nang mapatingin sa kaniya si Vladimir, lalo lamang naghuramentado ang kaniyang puso. Bakas din sa mukha ng lalaki ang pagkagulat at tulalang nakatitig sa kaniya. She doesn’t know how to win back her sanity at the moment. After almost seven years, she didn’t expect to meet Vladimir again. What a coincidence! Coincidence lang nga ba ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD