bc

My Jerk Billionaire Bodyguard

book_age18+
762
FOLLOW
4.6K
READ
billionaire
revenge
one-night stand
dominant
submissive
mxb
female lead
office/work place
husband
actor
like
intro-logo
Blurb

Rated ?

Mafia Romance/Action

Book 3 of Retired Mafia Series

Vladimir's story

Annie's life has been controlled by her brother, Jake since her parents died. She lost her baby, the man she loved. Ang tanging gusto na lamang niyang gawin sa buhay ay maging successful na doktor at magkaroon ng sariling pera. Until she met the father of her late baby, Vladimir, ang half-brother ng yumao niyang boyfriend. Dapat ay wala na siyang lilingunin sa nakaraan nila na isang malaking pagkakamali. Ngunit tila batang makulit si Vladimir at inalay ang sarili sa kanya, nagsilbi bilang bodyguard niya.

It's an honor for her to have him, yet she can't trust this man again since her brother hinted to her about Vladimir's secrets. Sa halip na iwasan ito, tila hawak nito ang kaniyang tadhana, na hindi naman niya mabalewala. Her heart knows who to trust, and it's no way to refuse. Ngunit paano kung tama ang hinala ng kuya niya kay Vladimir? Magagawa pa rin ba niya itong mahalin?

chap-preview
Free preview
Prologue
DALAWANG linggo na ang nakalipas matapos mailibing ang labi ng boyfriend ni Annie na si Harry. Wala pa rin siya sa wisyo, ni hindi makauwi at gustong manatili sa bahay ng pamilya ni Harry. Naroon ang mommy nito at katulad niya’y tulala at hindi pa rin tanggap na wala na ang mahal nilang si Harry. Hindi muna siya bumalik sa medical school dahil sa depresyon, kung kailan malapit na siyang magtapos. And she chose to stay where she could manage her depression. Sobra-sobra na ang pasakit na dinanas niya. Noong nakaraang taon ay sabay na namatay ang parents niya dahil sa aksidente. Gabi na’y hindi pa rin siya makapagpasya kung uuwi ba siya. Lalo lamang kasi siyang ma-stress pagdating ng bahay dahil palaging lasing ang kuya niya. Nasa kusina siya ng bahay nila Harry at nagliligpit ng mga ginamit na kubyertos. Choice niyang magsilbi pa rin sa mommy ni Harry lalo’t may sakit ito. Dati ay sa opisina siya nito nagtarabaho bilang staff, at doon niya nakilala ang anak nito. Pinagsabay niya noon ang pag-aaral ng nursing at trabaho kahit hindi alam ng parents niya. Gusto kasi niya na magkaroon ng sariling pera. Nakatapos din naman siya at natuloy sa medical school. “Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ng baritonong boses ng lalaki. Kumislot siya sa pagkagulat at marahas na lumingon sa lalaking nagsalita. Pumasok si Vladimir, ang half-brother ni Harry. Kapatid ito ni Harry sa ina. Iyon ang ikatlong beses na nakita niya si Vladimir pero maagaan naman ang pakikitungo nito sa kaniya kahit bihira siya kausapin. “Hm…. puwede bang dito muna ako? May problema rin kasi sa bahay, baka lasing na naman si Kuya,” aniya sa malumanay na tinig. “Okay lang, basta huwag kang matulad kay Mommy na hahagulgol buong magdamag. We need to accept that Harry has gone. It’s been a week, though.” Hindi niya alam kung may galit si Vladimir kay Harry kasi hindi niya ito napansing umiyak. Palagi rin itong nagsusungit sa kaniya, tila sinisisi siya sa nangyari kay Harry. Pero kung galit ito, hindi ito magpapakita sa burol ni Harry. Simula noong namatay si Harry at lumala ang sakit ng mommy nito, nanatili na roon si Vladimir. Unti-unti na rin niya itong nakikilala. And she can’t stop herself from treating Vladimir as Harry. “Pasensiya na. Sobrang sakit lang kasi biglaan ang pagkawala ni Harry,” emosyonal niyang pahayag. Aksidente rin kasi ang pagkamatay ni Harry, nabundol ng kotse nang patawid ng kalsada. “No one knows when death is coming. Lahat naman tayo papunta sa kamatayan, hindi lang alam kung kailan at sa anong dahilan,” ani Vladimir, pero may katigasan ang tinig. Naiinis siya pero natanto na tama si Vladimir. Hindi siya nakahuma nang tulungan siya nito sa pagliligpit ng kubyertos. Nagkuwento ito tungkol sa nakaraan nito at ni Harry. In fairness, may sense of humor ito. Hindi niya alam kung hallucination lang niya pero feeling niya gusto rin siya ni Vladimir. Sobrang care nito sa kaniya since namatay si Harry. “Bakit pisot ang tawag mo kay Harry?” tawang-tawang untag niya. Tinutuyo na nila ang mga nahugasang kubyertos. “Kasi dapat sabay kaming magpatuli, eh, ayaw niya. Nauna ako. Sabi kasi ni Mommy, pisot ang tawag nila sa lalaking hindi tuli, sa part ng Mindanao,” anito. “Talaga? Eh, ilang taon si Harry noong nagpatuli?” “Second-year high school na siya. Ayaw pa rin sana pero tinakot ko siya. Sinabi ko na kung hindi siya magpapatuli, magiging ari ng babae ang ano niya, mapapalitan. Ayon, nagpatuli rin.” Tawang-tawa na naman siya. Pagkatapos ng gawain sa kusina, tumambay naman sila sa mini bar. Nagbukas siya ng tequila at gusto niyang malasing para makatulog kaagad. Ayaw paisturbo ng mommy ni Harry at nagkulong lang sa kuwarto pagkatapos ng hapunan. Hindi puwedeng ma-trigger ang emosyon nito dahil may sakit sa puso. Kalalabas lang din nito ng ospital. “Inom tayo, Kuya Vlad,” sabi panyaya niya kay Vladimir. Mas bata ito ng dalawang taon kay Harry, pero matanda sa kaniya ng dalawang taon kaya kuya ang tawag niya rito. “Hindi ako umiinom ng alak,” sabi nito. Lumuklok ito sa couch sa kaniyang tapat. “Ano pala ang iniinom mo?” “Kape,” tipid nitong tugon. “Kahit ngayon lang, samahan mo ako. Gusto ko ng kausap.” “Inom ka lang, sagot ko ang kuwento.” Napangiti siya. Kahit ayaw nito, nagsalin pa rin siya ng alak sa dalawang kopita. Hindi palasalita si Vladimir since nakilala niya, pero kalaunan ay kinakausap din siya. Nang maka-isang baso siya ng tequila, naging emosyonal na naman siya at naalala si Harry. “I don’t know how to move on,” humihikbing wika niya. “Huwag kang umiyak, ang pangit mong tingnan,” sita sa kaniya ni Vladimir. Tumigil siya sa paghikbi at napasimangot dito. “Damayan mo pala ako sa paglalasing,” aniya. “Masama akong malasing.” “Matutulog ka lang naman after uminom. Sige na.” Pinilit niya ito. “Bahala ka. Kasalanan mo ano man ang mangyari sa akin,” anito. Kinuha rin nito ang isang baso ng alak at tinungga na parang tubig. Nagulat siya sa ginawa nito. Natawa na naman siya nang makita ang reaksiyon ni Vladimir sa alak. Umasim ang mukha nito. Sinalinan ulit niya ng alak ang baso nito. Mahinhin na nito iyong sinimsim. Tawa-iyak ang ginagawa niya dahil sa kuwento ni Vladimir na minsan ay masaya, minsan malungkot. Dumaldal din ito nang tamaan ng alak. Kalaunan ay unti-unting nalulunod sa alak ang kaniyang buong sistema. Nahihilo na siya at tila nagkakaroon ng hallucination. Halatang tinamaan na rin ng kalasingan si Vladimir dahil maingay at makulit. Pasayaw-sayaw pa ito sa kaniyang harapan. Umiikot na ang kaniyang paningin pero nagpumilit siyang tumayo. Kamuntik pa siyang matumba pero nahagip ng kamay ni Vladimir ang kaniyang baywang. Nagpabuhat na siya rito. Dinala naman siya nito sa guest room na kaniyang inuukupa. Habang lumilipas ang sandali ay lalong nawawala sa wisyo ang kaniyang isip. Paningin niya kay Vladimir ay si Harry. Although may hawig nga ang mga ito, aminado siya na mas lamang sa kaguwapuhan si Vladimir, palibhasa may laing Italian at Sicilian. Italian din naman ang tatay ni Harry pero mas lamang ang pinoy sa mukha niyon. Nang ilapag na siya ni Vladimir sa kama ay lalo siyang nag-assume na ito si Harry. “H-Harry…. don’t leave me,” usal niya. Hindi naman umiimik ang lalaki. Lalong luminaw sa kaniyang paningin ang mukha ni Harry. Hanggang sa natukso siyang yakapin ito at siilin ng halik sa mga labi. Mariin siyang pumikit at iniisip pa rin si Harry. Hanggang halik pa lang naman ang nagawa nila ni Harry, pero sobrang tumatak sa kaniya ang way nito sa paghalik. Nang tumugon ang lalaki, tuluyan siyang inalipin ng bayolenteng init at pinalalim pa ang halik. Ang bilis nadarang ng kaniyang katawan sa init ng pagnanasa, at ito’y nagatungan pa nang madama ang maiinit na haplos ng kamay ng kaniig. Pareho silang nasasabik, nag-aapura na mahubaran ang kanilang mga katawan. Nang lumaya sa saplot ang kaniyang katawan ay tuluyang inangkin ng binata ang kabuoan niya, hinahaplos, nilalasap ang bawat bahagi ng maseselang parte niya. Ayaw niyang matigil ang nakaliliyong sensasyong kaniyang nadarama kaya tumutugon siya sa bawat galaw ng lalaki. Lumaya ang kaniyang halinghing nang himurin ng panlasa nito ang gitna ng kaniyang mga hita. Naiwan naman ang mga kamay nito sa kaniyang mayayamang dibdib at banayad na pumipisil. Lalo lamang siyang nahibang at naghangad pa ng matagal na romansa. Mayamaya ay muling umakyat sa kaniyang dibdib ang bibig ng binata, halinhinang lumalasap sa bawat tuktok nito. Ramdam naman niya ang paggiit ng ibabang katawan nito sa pagitan ng kaniyang mga hita. Ilang sandali pa’y nangatal ang kaniyang katawan dahil sa agarang pagpasok ng matigas at malaking bagay sa kaniyang puwerta. Napasigaw siya at hindi kinaya ang kirot. Naitulad niya sa dibdib si Vladimir. Tila nawala ang kalasingan niya dahil sa sakit. Nagulat din si Vladimir at napaluhod. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang dambuhalang sandata nito. Halos kasing laki na ito ng payat niyang braso. Tayung-tayo pa ito at may kahabaan. Ginupo siya ng takot at napatakbo kahit pagiwang-giwang. Kaso hindi niya mabuksan ang pinto. “Hey!” tawag ni Vladimir. Nang lingunin niya ito ay mabilis na nakalapit sa kaniya. Wala naman siyang magawa nang buhatin siya nito at inihigang muli sa kama. Wala na rin sa wisyo si Vladimir at muli siyang siniil ng halik sa mga labi. Dahil sa pangahas nitong halik, nalasing na naman siya sa pagnanasa. Hindi siya makapiglas sapagkat naupos na ang kaniyang lakas. Hindi nakalaya ang kaniyang sigaw dahil natatakpan ng bibig ni Vladimir ang kaniyang mga labi. Muli nitong ibinaon ang armas sa kaniyang kaangkinan, at hindi na siya tumutol nang makapasok nang tuluyan ang buong kargada nito. Napaluha siya sa sakit pero nangibabaw pa rin ang kaniyang pagkahibang sa nakaliliyong sensasyon mula sa halik ni Vladimir. Kumalma rin siya kaya tumigil ito sa paghalik. Bumaba naman ang bibig nito sa kaniyang dibdiib. Naibsan din ang kirot nang muling lumasap ang bibig ng kaniig sa kaniyang dibdib. Tinanggap niya nang walang pagtutol ang tuluyang pag-ulos ng sandata nito sa kaniyang kaselanan. Kahit naliliyo, ramdam niya kung gaano kalaki ang bumaon sa kaniya. Wari ba siyang sinasaksak ng malaking punyal. Ang kaniyang hiyaw ay napalitan din ng pinong daing nang may kalakip nang sarap ang kirot, hanggang sa tuluyang maglaho. Bawat ulos ng armas sa kaniya ng binata, nagpapakawala siya ng malalim na hininga. Ilang sandali pa’y nilukob ng bayolenteng init ang kaniyang kaibuturan, senyales ng pagkamit niya ng paunang orgasmo. Ngunit kasunod niyon ay ang mas mainit, mas agresibong pagkakaisa ng kanilang mga katawan. Ilang ulit siyang naglayag sa luwalhati at nakamit ang rurok ng kaniyang pagnanasa. Halos ayaw na nilang tumigil ng kaniyang kat*lik, at hindi na niya maalala kung paano sila natapos. “No, it’s a mistake. Hindi dapat nangyari ‘to. I’m sorry, Harry,” tanging nausal ni Annie nang mahimasmasan siya. Maaga siyang umalis ng bahay nila Harry kinabukasan dahil sa guilt. Ni hindi siya nakapagpaalam sa mommy ni Harry, o kahit kay Vladimir. Ngunit tila bangungot na hindi siya pinatahimik ng kaniyang pagkakamali.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook