bc

Delilah

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
revenge
brave
twisted
bxg
witty
city
lies
self discover
seductive
victim
like
intro-logo
Blurb

Simula nang magdesisyon si Sienna na maging si Delilah, isa lang ang gusto niyang mangyari ito ay makapaghiganti sa taong pumatay sa kaniyang ama. Kaya ginawa niya ang lahat para mapalapit kay Rodolfo Buenavista. Ginamit niya ang panganay na anak nitong si Liam. Hindi niya inaasahan na ang pagiging malapit niya sa binata ang magdadala ng maraming pagbabago sa buhay niya.

Ano nga ba ang mas magiging matimbang sa kaniya? Pag-ibig, pamilya o paghihiganti?

chap-preview
Free preview
Una
SOBRANG TAKOT, ito ang nararamdaman ko ngayon habang nakatago sa ilalim ng lamesa namin. Pigil-hininga akong napasiksik nang makarinig ng ingay papalapit sa puwesto ko. Tuluyan ng tumulo ang aking luha nang makita ko si papa na nakadapa sa sahig na puno ng dugo ang mukha. Kahit nahihirapan na siya ay patuloy pa rin sa pananakit ang lalaking nasa harap niya. Paulit-ulit kong sinasambit ang salitang papa sa isipan ko habang nakatakip ang aking palad sa aking bibig para hindi ako makagawa ng kung anong ingay. Isang lalaking may hawak ng baril ang nakita kong lumapit kay papa. Nakaramdam ako ng takot dahil sa ngiti nito. Hindi ko naiitindihan ang nangyayari, kung bakit nila sinasaktan si papa. Halos mabingi na lang ako nang makarinig ng sunod-sunod na pagputok ng baril. Kita ko ang luhang tumulo mula sa mata ni papa na nakatingin sa puwesto ko. Nang makaalis na ang mga tao ay mabilis akong umalis sa puwesto ko at dumiretso sa nakahigang si papa, puro dugo ang mukha at katawan niya. Pilit ko siyang ginigising. Napalingon na lang ako ng makarinig ng mahinang pagtawa, 'yong lalaking bumaril kay papa. Nakangiti siya habang nakatutok sa si sintido ko ang baril na hawak niya.... "Papa!!" Kasabay ng pagsigaw ko ang pagdilat ng mga mata ko. Mabilis din akong napabalikwas mula sa pagkakahiga. Panagip. Mali, isang bangungot. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa mga mata ko, pinagpapawisan na rin ako. Pilit kong pinapakalma ang mga kamay ko sa panginginig. Ilang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon napapanaginipan ko pa rin... Napapanaginipan ko pa rin kung paano pinatay si papa. Malinaw pa rin sa akin ang mukha ng taong gumawa noon. Ang mga ngiti niya, ang pagtawa niya! Kaagad akong tumungo sa banyo at naghilamos. Nakatingin lang ako sa harap ng salamin habang patuloy na tumutulo ang mga luha mula sa mata ko. Dinampot ko ang isang pahina ng magazine na nasa basurahan ko. Isang picture ng lalaki ang nakadikit dito, tinitigan ko muna ito ng ilang segundo bago pinunit sa ilang piraso. Kasabay sa bawat pagpunit ko ay ang paglabas ng galit na nararamdaman ko, pero hindi sapat! Natigilan na lang ako nang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Kaagad kong tinago ang dapat itago at mabilis na inayos ang sarili ko. Hindi ako p'wedeng makita nila Mimi na ganito, sigurado akong magtatanong na naman sila at wala akong ibang magagawa kundi ang magsinungaling para hindi sila mag-alala sa akin. Nag-unat akong kunwari nang mabuksan ko ang pinto. "A-ate Paola? Bakit?" "Goodmorning ganda," nakangiting bati nito sa akin. Napataas naman ako ng kilay. "Anong meron?" tanong ko. "Sumunod kana lang sa akin." Sinunod ko naman siya. Ano kayang trip ni ate Paola ngayon? Dapat nasa parlor siya ngayon kasama sila Mimi. Nasagot naman ang tanong ko nang makarating ako sa sala. "Happy birthday, anak!" nakangiting bungad sa akin ni Mimi. Inabot niya sa akin 'yong hawak niyang regalo. Birthday ko pala ngayon? Kapag tumatanda na talaga, parang hindi na mahalaga masyado ang birthday. Napangiti naman ako, pagkatapos ay niyakap siya. "Mimi naman, salamat." "Nako, dalaga na talaga ang prinsesa namin. Napakaganda!" Napalingon naman ako kay Mika na kakarating lang at may dala pang cake. Napanguso naman ako. "Mika, hindi na ako prinsesa. Twenty-five na kaya ako." "Dinga? Walang echos?" gulat na tanong naman ni ate Paola, lumapit pa talaga siya sa akin na parang hindi makapaniwala. "Para ka namang others ate Paola." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Ganda mo sobra, eh! Mukhang eighteen ganun. Baby face." "Ate Paola naman, bola pa more," natatawang sagot ko. "True naman kasi bakla, ganda-ganda mo." "Malamang anak ko 'yan," si Mika na 'yong sumagot kay ate Paola. "Wala ka namang matres, madam." "Gusto mo mapalayas Paola?" "Joke lang, ganda mo madam! Sobra!" "I know right." Hinawi pa niya 'yong pink niyang bangs. "Tama na kaartehan, mas maganda pa rin ako sa inyo. Tulungan niyo ako rito. Para makakain na tayo," sigaw ni Mimi mula sa kusina. Tatayo na sana ako para tumulong ng pigilan ako ni Mika. "Hep, hep! Stay there, birthday mo kaya bawal kang kumilos." May ganun? Sila Mika talaga, oh. "Tama si madam. Chill ka lang," pagsang-ayon naman ni ate Paola. Wala naman akong nagawa kundi umupo na lang. Mula sa sala ay pinapanuod ko lang silang tatlo sa ginagawa nila. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang marinig ko ang mga tawa nila. Sobrang swerte ko sa pamilya ko. Kahit na iba ang tingin sa kanila ng ibang tao. Mga lalaki kasi sila na may pusong babae. Kinupkop, inalagaan, at pinalaki nila ako ng maayos. Sina Mimi at Mika, sila ang tumayong mga magulang ko simula ng maulila ako. Magkaibigan na silang dalawa bago pa ako dumating sa buhay nila. Kaya sobrang thankful talaga ako sa kanila. Binusog nila ako ng pagmamahal pero kahit ganun hindi mabura ng pagmamahal na 'yon ang galit na matagal ko ng kinikimkim. Bigla ko namang naalala 'yong napanaginipan ko kanina. Nakaramdam na naman ako ng guilt dahil sa pagsisinungaling at paglilihim ko sa kanila. "Sienna, okay ka lang?" bumalik naman ako sarili ng marinig ang boses ni Mika. Shet, umiiyak na pala ako. "Opo naman," pagsisinungaling ko. "Umiiyak kaba?" nagaalalang tanong nito. Mukhang narinig naman ni Mimi ang tanong ni Mika kaya bigla siyang lumapit sa akin. "May nangyari ba anak?" Hindi ko gustong magsinungaling pero kailangan. "W-wala 'to, Mimi." Pilit akong ngumiti. "Masaya lang ako kasi napakaswerte ko sa inyo ni Mika. Kaya salamat mga magaganda kong ina," dagdag ko pa. Napangiti naman sila sa sinabi ko. Kaya nakahinga ako ng maluwag. Totoo naman ang mga sinabi ko, hindi nga lang ito ang sagot sa tanong nila. "Nako naman, ang junakis namin. Mas swerte kami sa'yo 'no! Bukod sa napakaganda, matalino at mabait pa." "Syempre naman. Mana ako sa inyo ni Mimi," sagot ko kay Mika. Niyakap naman ako ni Mimi. "Mas salamat dahil kahit ganito kami, ng dahil sa'yo naranasan namin ang pakiramdam na maging ina at ama." "Kelerkey naman, naiiyak aketch!" Napatingin naman kami kay ate Paola. Pumalakpak si Mika, kaya nagtawanan kami. "Tama na nga 'yan! Kumain na tayo." Pumunta na kami sa kusina kung saan nakalagay 'yong mga niluto nila Mimi. Napansin kong medyo marami para sa aming apat. "Sienna, hindi ba pupunta mga katrabaho mo?" Natigilan naman ako sa pagkain dahil sa tanong ni Mimi. Napakagat pa ako ng labi, patay! Hindi ko pa pala nababanggit sa kanila na natanggal ako sa trabaho. "Mimi.. ano po kasi, eh. Hmm..." inaantay nila ang sasabihin ko. "Natanggal kasi ako sa trabaho," mabilis kong tugon. "Anetch?" gulat na tanong ni Mika. Kamot-ulo akong ngumiti. "Eh, kasi.. nakasapak ako." Oo, nakasapak ako. Hindi ko naman pinagsisihan 'yon. Napuno lang talaga ako sa mga katrabaho ko sa office. Natitiis ko pa 'yong paninira at mga chismis na pinapakalat nila, pero 'yong pagsalitaan nila ng masasama ang mga magulang ko? No way! Ako na lang, huwag lang mga mahal ko sa buhay. "Nakipag-away ka anak?" "Dinamay na kasi kayo ni Mika, kaya hindi na ako nakapagpigil. Hinayaan ko na nga lahat ng paninira nila sa akin tapos idadamay pa kayo? Kapal nila," singhap ko. "Aba't bakit ngayon mo lang sinabi sa amin?" bakas 'yong inis sa boses ni Mika. "Ayoko na kasi palakihi--" "Kahit na, anak. Mga bitter ocampo lang ang mga 'yon sa'yo! Naiistress bangs ko." "Gora na madam, resbakan natin!" "Tumigil nga kayo!" suway ni Mimi. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin ng seryoso. "Sienna, kahit ano pa ang dahilan.. Mali pa rin ang ginawa mo, paano kung ma-ospital 'yon? Tapos ipakulong ka? Hindi mo na dapat pinapatulan 'yong mga ganung tao," sermon niya sa akin. Napayuko na lang ako. Kapag ganito na talaga si Mimi, pakiramdam ko para akong batang pinapagalitan. "Mahina lang naman naman 'yong sapak ko sa kaniya, Mimi. At saka hindi na magrereklamo 'yon, nakuha na nila ang gusto nila at 'yon ang mapaalis ako." Kaya nganga na naman ako nito! Ang mahal pa naman ng mga magazine ngayon. Umupo sa tabi ko si Mika. "Tama ang Mimi mo. Hayaan mo na ang mga chipipay na inggeterang 'yon." "Oo, tama! Chachaka nila," si ate Paola na laging support sa mga sinasabi ni Mika. Hindi ko tuloy mapigilang hindi matawa. "Naiintindihan mo ba ako anak?" Nakalimutan ko, pinapagalitan pala ako. Tinaas ko 'yong kamay ko. "Promise, Mimi. Hindi na ako mananapak, depende na lang kung idadamay kayo ulit." Natawa naman sila Mika sa sinabi ko. "Proud mommy here!" "Proud kapatid here!" "Kailan pa kita naging anak Paola?" "Pagbigyan mo na ako madam." Kulit nina Mika at ate Paola. Hinawakan ni Mimi ang kamay ko. "Basta, huwag mo na uulitin 'yon Sienna. Ayokong mapahamak ka, mahal na mahal na namin ni Mika mo." Ngumiti na lang ako bilang sagot. Sorry Mimi at Mika, mahal na mahal ko rin kayo pero may isang bagay na hindi ko kayo kayang pagbigyan. Hindi dahil ayoko, kundi ito ang gusto ko una pa lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook