Nagsisimula na akong kumain nang pumasok si Joan sa kusina na humihikab pa. Seriously? Gaano ba siya kapuyat kagabi at kahit mas mahaba ang tulog niya kaysa sa'kin ay inaantok parin siya?
"Good morning Manang Lea at ate Brei," bati niya sa dalawang kusinera. Brei pala ang pangalan ng isa pa naming kusinera.
"Good morning Joan. Kumain ka na at mukhang pababa na rin ang iba. Sabayan mo na si Mia," nakangiting sambit ni ate Brei habang si Manang Lea ay ngumiti lang. Busy kasi siya sa paggawa ng tomato sauce ni Axel.
"Ang tagal mo ha? Dumating ako dito na hindi pa tapos si ate Brei sa pagluluto ng sinangag pero hanggang ngayon na patapos na akong kumain ay hindi ka parin nakakakain," natatawang wika ko kay Joan. Naki 'ate Brei' narin ako kasi 'yon naman ang tawag ni Joan at sure akong 'yon din ang tawag sa kanya ng lahat.
"Antok na antok talaga ako." Humikab pa ito bago kumuha ng plato at maupo sa tabi ko.
"Kumusta na pala ang pakiramdam mo hija?" tanong ni Manang Lea na nakatingin na ngayon sa ulo kong may benda.
"Okay na naman po ako," sagot ko bago sumubo ng sinangag at itlog.
"Mabuti naman. Natakot talaga ako kahapon akala ko talagang malala 'yong pagka-untog mo." Mababakas sa mukha ni Manang Lea ang pag-aalala.
"Pati rin ako manang natakot, halos atakihin ako sa puso." Humawak pa si Joan sa dibdib niya at huminga nang malalim.
"Hay naku, si Señorita Valeria talaga malala ang ugali. Hindi ko alam kung kanino 'yon sila nagmana ni Señorito Axel eh mabait naman si Don Franco," halos pabulong na sabi ni ate Brei.
Takot siguro siyang may makarinig at isumbong siya sa mga amo namin.
"Baka marinig ka ni Beth, alam mo naman 'yon ayaw non na pinagchichismisan natin ang mga amo natin," saway ni Manang Lea sa kanya.
"Totoo naman kasi ang sinasabi ko," dipensa ni ate Brei na para bang hindi siya takot kanina dahil sa hina ng boses niya.
"Ganun naman po siguro kapag lumaking mayaman," pagsali ko sa usapan.
"Eh lumaki din namang mayaman si Don Franco pero hindi naman siya ganun. At isa pa si Señorito Caleb, sobrang bait. Parang siya lang yata ang nagmana kay Don Franco."
Napaisip ako sa sinabi ni ate Brei. Parang paborito nilang lahat 'yong Caleb, halos lahat ng tao dito ay puring-puri siya.
"Tama na 'yan Brei, lutuin mo nalang 'yong bibingka para sa agahan ni Don Franco," saway sa kanya ni Manang Lea. Takot rin siguro 'yon na may makarinig sa usapan namin at isumbong kami.
Hindi na nagsalita pa si Manang Brei, kumuha nalang ito ng rice flour sa cabinet na lalagyan ng mga groceries.
Nagpatuloy nalang kami ni Joan sa pagkain habang si Manang Lea ay sinimulan ng gumawa ng dough para sa pizza ni Axel.
Pagkatapos kumain ay lumabas na kami ni Joan para umakyat sa third floor at simulan ang trabaho namin. 5:39 na ng umaga kaya sigurado akong pababa na ang mga amo namin. Nakita pa namin ang ibang kasambahay na nagmamadaling pumasok sa kusina. Mukhang na-late sila ng gising ah.
Pagkaakyat sa third floor ay nakita namin si ate Tess na kumakagat sa tinapay na dala niya.
"'Yan lang po breakfast mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Diet ako." Tipid akong tumawa sa sagot niya bago ko tinungo ang stock room para kumuha ng walis.
Pagkalabas ko ay naabutan ko pa sila ni Joan na nag-uusap.
"Ang balita ko uuwi na si Señorito Caleb," bulong ni Joan kay ate Tess.
"Oo, sekretong sinabi sa'kin ni Don Franco kahapon na uuwi na ang apo niya. Hayst mabuti na lamang at magkakaroon na ng anghel sa bahay na ito." Natawa ako sa sinabi ni ate Tess. Ano kayang tingin niya sa dalawa pang apo ni Don Franco mga demonyo? Hahaha. Tiyak kong uusok ang ilong ni Axel sa galit kapag narinig niya 'yon pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya dahil baka mapalayas pa si ate Tess dito.
"Bakit po kailangang isekreto?" takang tanong ko nang makalapit na ako sa kanila.
"Eh kasi ayaw ni Señorito Caleb nang magarang pagsalubong. Kapag nalaman ng ate niya na uuwi siya ay siguradong magiging abala 'yon sa paghahanda. Baka pati mga farmers tawagin pa para salubongin ang kapatid niya."
Muli akong natawa sa sagot ni Manang. I don't know na ganun palang klase ng ate si Señorita Valeria. Siguradong proud na proud siya sa kapatid niya at mahal na mahal niya ito.
"What are you doing here?"
Namutla bigla sina ate Tess at Joan nang marinig ang boses ni Axel sa likod ko. Jusme hindi manlang namin namalayang nasa likod ko na pala siya. Pa'no kung narinig niya ang usapan namin?
Dahan-dahan akong lumingon. I tried to fake a smile to hide my nervousness. He's wearing a white sando and black shorts. Magulo pa ang buhok niya at halatang kagigising lang.
"Ako po ba ang tinatanong mo Señorito Axel? Nagtatrabaho po ako rito malamang," sarkastikong sagot ko. Narinig ko pa ang pagtikhim ni ate Tess na para bang sinasaway ako.
Axel stared at me na para bang sinusuri niya ako. Mas tumagal ang tingin niya sa benda sa aking ulo.
"Go back to your room and rest!" Matigas ang pagkakasabi niya ng mga katagang iyon.
"Okay na po ako hindi ko na kailangang magpahinga," sagot ko sabay iwas ng tingin.
Nakakapaso kasi ang mga tingin niya, bigla akong naging uncomfortable.
"Come here." Hindi na ako nakapagprotesta nang hilahin niya ako patungo sa direksyon kuwarto niya. Napalingon pa ako kayna Joan at ate Tess na parehong nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa'min ni Axel.
"Let me go!" I tried to remove his hand pero ang lakas niya masyado. He stopped infront of his door at malakas na sinipa niya ito na para bang galit na galit siya at pang pintuan ang napagbuntunan niya ng galit.
"Axel what's going on with you? Nakita ka nila ate Tess! Ano bang gusto mong isipin nila? Nahihibang ka na ba?" inis na sigaw ko sa kanya.
Hindi parin kami nakakapasok sa pintuan niya at wala akong balak na pumasok doon dahil ayaw kong mag-isip nang masama si ate Tess. Si Joan alam na niya na may namamagitan sa'min ni Axel pero si ate Tess ay walang ideya. Baka ito pa mismo ang magsabi kay Don Franco, pansin ko pa namang close silang dalawa dahil sa kanya lang sinabi ng Don ang tungkol sa pag-uwi ni Señorito Caleb.
"So what?" Tinaasan niya pa ako ng kilay. Napaawang ang labi ko at hindi ko magets kung ano ba talagang gusto niyang mangyari.
"Axel gusto mo na ba talaga akong mapalayas dito?" Halos maiyak na ako sa inis. Alam naman niyang kailangan ko ang trabahong 'to.
"They can try, if they can," seryosong sagot niya na para bang pati ang authority ng lolo niya sa mansyon na ito ay kaya niyang hamunin.
"Of course they can! Lalo na ang lolo mo! He's the head of this house and the whole Hacienda is his property!" frustrated na sagot ko sa kanya. Pero ang loko tinawanan lang ako.
"Is that so?"
Mas lalong napaawang ang labi ko sa sagot niya.
"Anong is that so ka diyan?" Muntik ko pa siyang hampasin sa braso dahil sa inis.
"Listen Mia, I have a right to make you stay and I can make you stay whenever I want at kahit sino pa ang humadlang. My lolo? He will not do something stupid that will make me mad at him. So just stop being paranoid and listen to me!" Bahagyang tumaas pa ang boses niya. Marahil ay naiinis na rin siya sa inaasta ko.
"Axel, stop it." Ayaw kong iparamdam niya sa'kin na kaya niya akong protektahan. I don't want to feel that he's willing to go against the world just to protect me.
Ayaw ko, ayaw kong umasa dahil alam kong sa bandang huli ay bibitawan niya rin ako. Ayaw kong umasa, at mas lalong ayaw kong masanay na andiyan siya palagi.
"I thought I already made it clear to you last night, you have no right to tell me to stop and most importantly you can't order me around! Now go inside and rest!"
Wala na akong nagawa kundi pumasok at sundin ang gusto niya. Kitang-kita ko kasi sa mga mata niyang galit na galit na siya at hindi maganda kung patuloy parin akong makikipagtalo dito sa labas ng kuwarto niya. Baka umagaw pa kami ng atensyon at hindi lang sina ate Tess at Joan ang makakita sa'min.
He closed the door and went straight to his couch para maupo. Habang ako nanatiling nakatayo lang sa may pinto.
He arched a brow before speaking, "Are you going to stand there until this day ends?"
Napalunok ako at dahan-dahang naglakad palapit sa kanya. He patted the space next to him kaya agad akong naupo roon.
He pulled me closer to him nang tuluyan na akong makaupo. Isinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya and I can feel his heartbeat.
"Saakin ka lang susunod Armea," he whispered in my ear na nagpatindig sa balahibo ko.
'Armea? How did he know about my full name? And why does his word sounds like I became a slave exclusive for him only?'
Well hindi nga ba? I'm his slave and I'm willingly following him kahit alam kong sa dulo nang lahat ng ito I will be the one to get hurt and ruined.