VALERIA'S POV:
"WHY DID YOU DO THAT?!" Napataas ang kilay ko kay Axel na parang galit na tigreng nakatayo sa harapan ko at nakuha pa ako nitong duru-duruin.
"Why are you acting like that?" I can't believe that he's actually scolding me just for a mere housemaid.
"WHY AM I ACTING LIKE THAT? YOU ALMOST KILLED HER VALERIA!" muling sigaw niya sa'kin.
Galit na galit ang kanyang mga mata at parang gusto na niya akong saktan sa sobrang galit niya.
"Yeah, but what does it have to do with you? Why do you care? Kung mapatay ko man siya ano naman 'yon sa'yo?" tanong ko sabay irap. Ang akala niya siguro ay masisindak niya ako sa pagsigaw-sigaw niya.
"She's one of our maids for heavens sake! Kapag napatay mo siya pamilya natin ang mananagot!" giit niya.
"Ow? Is that so? Why do I feel like there's something more to her than just being our maid?" makahulugang tanong ko sa kanya. The way I see it, she cares too much for that woman.
Something na hindi ko pa nakitang gawin niya sa iba, even sa fiancee niyang si Samantha. The way he freaked out kanina nang makita niyang nawalan ng malay ang babaeng 'yon at dumudugo ang ulo nito, I can smell something fishy. Kulang nalang tadyakan niya ako palayo when I tried to check on her. Syempre maldita lang ako pero kinabahan rin naman ako kasi ayaw kong makapatay. I don't want to become a criminal!
"Don't try to make it sound like you're making a controversy out of what you did! If you dare lay a finger on her again, I will make sure that you will regret it a thousand times!" pananakot niya before he stormed out of my room.
'And now he's threatening me because of that woman?'
Natawa ako nang pagak. Stupid Axel, no matter how much you try to deny something your actions will never deny how you truly feel. It's only a matter of time before it reaches the ear of your dad and I'm pretty sure that he's going to freak out. Knowing how much he's dying to marry you off to that Hermosa heiress.
"This is getting more exciting," I smirked. I think I'm going to need some popcorn and sat properly while the curtain slowly opens and enjoy the show.
********
AXEL's POV;
"Don't worry, our personal doctor said she's fine," wika ni Lolo. Pareho kaming nakatingin ngayon sa wala paring malay na si Mia. Nakahiga ito sa kama at katatapos lang i-check ng personal doctor namin.
Nanghihinayang nga ako at di ko ito nakausap nang personal tungkol sa kalagayan ni Mia dahil nakaalis na ito pagkabalik ko galing sa kuwarto ni ate Valeria.
"That's good to hear." Hindi ko talaga alam kung anong magagawa ko kay ate Valeria kapag may masamang nangyari kay Mia. Baka ako pa mismo ang magpakulong sa kanya.
"If we need to bring her to the hospital for CT Scan tell him that we will comply to it," saad ko habang hindi ko parin inaalis ang aking tingin kay Mia.
'Damn this woman she freaked the hell out of me!'
"I can't believe that my grandson is giving me orders now," natatawang wika ni lolo kaya napatingin ako sa kanya.
"Axel why do you care so much about her?" Sumeryoso bigla ang mukha ni lolo. I'm sure he wants an honest answer from me
"Lo, she's our maid. She's obviously our family's responsibility," I answered trying to hide the question that kept bugging my mind.
'Bakit nga ba? Why do I feel like I care about her?'
Tinapik ni lolo ang balikat ko at ngumiti.
"Remember what your dad wants you to do," he reminded me of my dad's wishes for me to marry Samantha; the rich heiress of the Hermosas.
"Kung ako lang ay walang problema, I will let you do whatever you want. But it's your dad's call not mine. I'm not telling you to follow him, I just hope that you're strong enough to oppose him," payo nito sa'kin bago tuluyang lumabas ng silid.
In an instant I found myself drowned in deep thoughts.
"Aray!" Tila natauhan lamang ako nang marinig ko ang pagsigaw ni Mia. Nakaupo na ito sa kama at nakahawak sa noo niyang may benda.
"How are you feeling?" agad na tanong ko.
Mabilis kong kinuha ang mineral water sa side table at nagsalin ako nito sa baso. Ipinainom ko ito sa kanya.
"Masakit parin ang ulo ko," sagot ni Mia pagkatapos uminom ng tubig.
"That stupid Valeria! I will kill her!"
Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa kamay ko. Hindi ko namalayang napahigpit na pala ang hawak ko sa kumot dahil sa sobrang galit ko sa sarili kong pinsan.
"It's okay, nabasag ko naman kasi 'yong vase dahil sa katangahan ko. Normal lang na magalit siya sa'kin."
"But it's not normal to hurt you!" katuwiran ko.
To my surprise tinawanan niya lang ako. Her smile that makes me drown in thoughts for a second. It's like she's carrying her own ring light and it shines even brighter everytime she smiles.
******
MIA'S POV;
"What's wrong with you? Ba't natulala ka diyan?" pang-aasar ko nang matulala si Axel habang nakatingin sa'kin. Kanina lang ay nanlilisik ang mga mata nito sa galit, pero ngayon bigla nalang itong natigilan.
Umiwas ito ng tingin, "Nothing, may iniisip lang ako."
Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng tenga nito. Kinikilig ba siya or something?
"Oh really? Eh bakit namu—"
"Don't change the topic Mia!" saway nito na mas lalong nagpatawa sa'kin.
"I'm not changing the topic, ikaw itong natulala diyan eh," pang-aasar ko pa lalo sa kanya.
Parang hindi ko na tuloy maramdaman ang pagkirot ng sugat ko dahil sa cute na reaction niya.
"From now on don't you dare try to listen to her orders again. Just stay away from her and focus on working in the third floor," sambit niya.
Naunawaan ko agad kung sino ang tinutukoy niya.
"She's your cousin, isa rin siya sa mga amo so definitely kailangan kong makinig sa kanya."
Ayaw ko namang tanggihan si Señorita Valeria dahil apo din siya ni Don Franco.
"I'll talk to my lolo, from now on you will not do any work aside from your original work on the third floor," may diin ang pagkakasabi niya ng mga katagang iyon. He's staring at me like he's really serious about what he's saying.
"Huwag mong gawin 'yan please. Kapag ginawa mo 'yan baka pati lolo mo magduda."
Hindi ko yata kakayanin kapag nalaman nang Don ang tungkol sa'min. Baka mapaalis pa kami ng pamilya ko dito sa Hacienda.
"He will not," pagpumilit niya.
"Kapag ginawa mo 'yan huwag mo na akong kausapin." Mas lalong sumeryoso ang mukha niya at dumilim ang tingin niya sa'kin.
"Since when did you have the right to decide about that matter?"
Napalunok ako. Unti-unti niyang inilapit sa'kin ang mukha niya, I'm scared; natatakot ako sa tingin na ipinupukol niya sa'kin. Parang sabay na tumigil ang paghinga ko at ang pagtibok ng aking puso.
"Remember this Mia, you don't have the right to avoid me." Lumayo siya sa'kin at naglakad palabas ng pinto. And when he's completely out of my sight ay doon palang bumalik sa normal ang t***k ng puso ko at maging ang aking paghinga. Napahawak pa ako sa dibdib ko.
****
Kinabukasan ay sinubukan ko nang bumalik sa trabaho. I fixed my hair at pumunta na ako sa kuwarto namin sa Maid's Quarters. Doon kasi ako sa guestroom natulog kagabi dahil doon ako dinala ni Axel para gamutin ng family doctor nila.
May benda pa ang ulo ko at medyo kumikirot pa ito, pero nakakahiya naman kung hihiga lang ako nang hihiga sa kama maghapon. Besides, nasisiguro kong papabayaran sa'kin ni Señorita Valeria ang vase na nabasag ko at susubukan kong kausapin siya mamaya tungkol don.
Makikiusap ako na tirahan niya ako ng kahit kalahati lang ng sahod ko kada buwan hanggang sa makabayad ako. Iniisip ko palang 'yong halaga ng vase na 'yon ay parang gusto ko nalang tumalon mula sa third floor at magpakamatay.
Naaawa ako sa pamilya ko, kalahati nalang ng sahod ko ang maibibigay ko sa kanila at kapag hindi pa pumayag si Señorita ay tiyak na ilang taon akong magtatrabaho dito sa mansyon ng walang bayad. Hindi na rin ako makakapag-aral kapag nangyari 'yon. Isang ceramic vase lang ang naging kapalit ng lahat ng mga pangarap ko. Huhu.
"Magtatrabaho ka na?" gulat na tanong sa'kin ni Joan pagkagising niya na nakasuot na ako ng maid's uniform namin.
"Kailangan. Ang laki ng dapat kong bayaran kay Señorita," malungkot na sagot ko.
"Pero okay ka na ba talaga? Parang namumutla ka pa eh." Nag-aalalang tiningnan niya ang mukha ko.
"Ano ka ba naman? Maputi ako kaya sinasabi mong maputla," I joked while faking a laugh.
"Gagi! Iba 'yon kasi dati rosy cheeks ka, eh ngayon nagmukha ka ng maputla puwede ka nang umextra sa pelikula na kailangan ng bampirang karakter."
Natawa ako sa sinabi niya. Ang exaggerated naman, ganun ba talaga ako kaputla para maihalintulad sa isang bampira?
"Ang oa ha? Maligo ka na at magbihis malapit nang pumutok ang araw. Kakain na tayo para makapag-umpisa na sa trabaho." I patted her shoulders at lumabas na ako para mag-agahan.
Alas-kuwatro na at tiyak kong gising na ang mga tao sa kusina. Alas-tres palang kasi ng madaling araw ay gising na sila. Kailangan nilang magluto ng breakfast para sa mga kasambahay at para sa mga amo namin.
Pagkapasok ko sa kusina ay naroon na si Manang Lea, abala ito sa paghihiwa ng kamatis. Ang isa pang kusinera na halos kasing-edad ko lang ay nagluluto naman ng sinangag na kanin.
Tingin ko 'yon 'yong para sa mga kasambahay dahil ang para sa mga amo namin ay huli nilang niluluto para pagkagising ng mga ito mainit pa.
"Oh Mia andito ka na pala." Medyo nagulat pa si Manang Lea pagkakita niya sa'kin.
"Opo." Kabadong napakamot ako sa ulo ko dahil parang may kakaiba sa tingin na ipinupukol niya sa'kin. Ang weird.
"Saglit lang Mia maluluto na itong sinangag. May hotdog at itlog na diyan puwede mo ring paresan ng sliced bread," wika nang kusinera na nagluluto ng sinangag.
Sa dami namin ay hindi ko na matandaan lahat ng mga pangalan lalo na kapag minsan ko lang nakakasama. Pero ang weird kasi alam nilang lahat ang pangalan ko na para bang tumatak talaga ako sa mga isipan nilang lahat.
"Salamat po," nahihiyang sagot ko bago ako naupo sa counter at pinanood si Manag Lea sa paghihiwa niya ng kamatis.
"Ang dami naman po niyang hinihiwa mong kamatis?" tanong ko kay Manag Lea.
Halos mapuno na kasi ang isang malaking round tray ng mga hiniwa niya. Ang lalaki at ang pupula ng mga kamatis na para bang pinili niya talaga ang mga iyon.
"Oo hija, gagawa kasi ako ng tomato sauce para sa pizza ni Señorito Axel, 'yon daw ang agahan niya ni request niya kagabi. Dinamihan ko na para hindi na ako gagawa ulit sa susunod pag nagrequest siya ulit."
Napatango nalang ako sa sagot ni Manang. Ang arte naman ni Axel, talagang fresh at homemade talaga ang gusto niyang tomato sauce para sa pizza niya.