CHAPTER 9

1517 Words
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Joan pagkagising namin kinabukasan. "I feel much better now." Pagkatapos kong magpahinga ay bumuti ang pakiramdam ko. Nasobrahan lang yata ako sa s*x at trabaho kaya nanghina ako bigla. "Mabuti naman." Pinulot ko ang panali ko sa buhok at napataas ang kilay ko nang makita kong titig na titig sa'kin si Joan. "Ba't ganyan ka makatingin?" takang tanong ko. Parang kinikilabutan kasi ako sa klase ng tingin na ipinupukol niya sa'kin. Para bang may nagawa akong malaking kasalanan. "Sabihin mo sa'kin ang totoo Mia, may namamagitan ba sa inyo ni Señorito Axel?" Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa tanong niya. "Ano ka ba naman? Bakit ganyan ang mga tanungan mo?" Pinilit kong ngumiti para itago ang kabang nararamdaman ko. "Kahapon, inalagaan ka niya. Naabutan ko siyang sinisigawan ang mga kusinera dahil ang bagal nilang kumilos. Alam mo bang halos magkanda paso-paso na si Manang Lea dahil sa takot? Pati ako na papasok lang sana para uminom ng tubig ay nasigawan. Pa'no ba naman kasi eh nakaharang ako sa harapan ng juicer. Hindi ko kasi alam na gagamitin niya pala para gumawa ng orange juice. Nagtataka pa kami dahil first time niyang pumasok sa kusina para gumawa ng juice. Akala ko para sa sarili niya, pero nong sinundan ko siya dito siya sa kuwarto natin pumasok," kuwento niya habang nakangisi. Napalunok ako, hindi ko alam na nagulo pala ang kusina dahil kay Axel. Loko talaga ang lalakeng 'yon pinairal na naman ang kasungitan niya. "Nakonsensya lang siguro. O baka talagang maalaga siya sa may mga sakit," palusot ko. "Oh? Bakit parang iba ang nase-sense ko Mia?" "Oo na! Tama ka na nang hinala may namamagitan sa'min. Pero Diyos ko Joan huwag mong ipagkakalat at baka matanggal ka pa sa trabaho kapag nalaman ni Axel. At pati ako mapapahamak," pakiusap ko sa kanya. "Alam ko. Huwag kang mag-alala your secret is safe with me," pangako niya na kinikilig pa talaga. ***** Tanghali na nang dumating si Señorita Valeria. Namangha pa ako nong makita siya, sobrang elegante niyang tingnan at ang ganda ng kulay brown niyang mga mata. She's wearing a royal blue dress at mamahaling designer bag at ang takong ng sapatos niya grabe sobrang taas. Sina Don Franco at Señorito Axel ang sumalubong sa kanya habang kaming tatlo nina ate Tess at Joan ay nakatanaw lang mula sa second floor. Dito kasi sa second floor ang kuwarto niya na lubha naming ipinagpapasalamat dahil ibang kasambahay ang nakatoka dito. Nakikichismis lang talaga kami kahit wala naman kaming gagawin. "Elegante talaga gumalaw at manamit si Señorita Valeria, pero ang mga mata Diyos ko ang talim kung tumingin," wika ni Joan na ikinatawa namin ni ate Tess. Totoo nga ang sabi nila, pansin ko rin kasi na mataray ito at hindi na nakakapagtaka kung bakit ilag sa kanya ang mga tao dito. Maging ako ay kinakabahan na rin, ipinagdarasal ko nalang na hindi ko siya makadaupang-palad. Sana lang ay hindi siya umakyat sa third floor kung saan kami nakatoka. Pagkatapos pumasok sa dining area ng mga amo namin ay bumalik na kami sa third floor. Ganun din ang ginawa ng iba pang kasambahay na sumalubong sa Señorita. Kanya-kanyang balik na ang mga ito sa kani-kanilang mga gawain. Nag-vacuum lang kami ni Joan dito sa third floor at pinalitan namin ang mga kurtina. Sa sobrang laki at taas ng mga bintana ay sobrang na-stress pa kami sa pagpapalit. Hindi naman kasi kami matulungan ni ate Tess dahil ipinatawag ito ng Don. Baka may ipag-uutos ito sa kanya. "Hindi pa pala tayo nakakakain ng tanghalian." Pinagpag ni Joan ang mga throw pillow sa mahabang sofa. Sa sobrang busy namin ay nakalimutan na tuloy naming kumain. "Oo nga nho? Tara na sa kusina," pag-aya ko sa kanya. Nakaramdam din kasi ako ng gutom. Niligpit na muna namin ang mga ginamit namin at nilagay sa laundry ang mga pinalitan naming kurtina. Pagkapasok sa kusina ay naabutan namin ang kusinerang si Manag Lea na umiiyak sa may counter. "Okay lang po ba kayo Manang?" Nag-aalalang nilapitan namin siya ni Joan. Tahimik ang kusina at hindi namin makita ang ibang mga kusinera. "Grabe na talaga ito. Kahapon ay sinigaw-sigawan ako ni Señorito Axel, ngayon naman ay napagalitan ako ni Señorita Valeria dahil ang pangit daw ng lasa ng niluto kong kare-kare," kuwento niya habang umiiyak. Napakagat nalang ako sa aking labi. Nagui-guilty ako, kasalanan ko kung bakit siya nasigawan ni Axel kahapon. "Tahan na po Manang, huwag po kayong mag-alala pati rin naman po ako nasigawan ni Señorito kahapon," pagpapagaan ni Joan sa loob nito. "Grabe ang susungit ng mga amo natin at sobrang istrikto. Hindi ko na tuloy alam kung anong gagawin ko. Buti pa kayo si Señorito Axel lang ang problema niyo dahil siya lang ang naroon sa third floor, samantalang ako dalawa sila ni Señorita Valeria na manenermon sa'kin kapag hindi nila nagustuhan ang ginagawa o niluto ko," malungkot na wika nito sabay punas ng kanyang mga luha gamit ang panyo na dinukot niya mula sa kanyang bulsa. Bigla akong nakaramdam ng lungkot para sa kanya. Minsan ay kakausapin ko si Axel na bawasan ang pagsusungit, sana ay makinig ito. Kawawa naman kasi ang mga kagaya ni ate Lea. "Hayst, mukhang magiging roller coaster ride ang buhay natin dito sa mansyon gayong nandito na ang dalawang nakakatakot na apo ni Don Franco," wika naman ni Joan. ******* Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa aming ginagawa. Malinis na ang sala ng third floor, napalitan na ang mga kurtina at mas lalo itong naging maaliwalas tingnan. Sa susunod na linggo ay ang tatlong kuwarto naman ang lilinisin namin dahil siguradong puno na naman ang mga iyon ng alikabok dahil matagal na hindi nalinis. Malapit ng dumilim nang mapagpasyahan naming bumaba ni Joan. Hindi parin namin nakikita si ate Tess at mukhang madaming inutos ang Don sa kanya. "Excuse me?" Sabay kaming napalingon ni Joan nang may magsalita pagkababa namin ng hagdan. Nakasunod pala sa'min si Señorita Valeria. Seryoso ang mukha nito at kahit hindi sabihin ni Joan ay alam kong kinakabahan din siya katulad ko. "Señorita magandang araw po." Sabay pa kaming bumati ni Joan sa kanya. "Where are the other maids? Bakit walang tao sa second floor?" Mababakas ang iritasyon sa boses nito. Nagkatinginan kami ni Joan. Parehong hindi namin alam ang sagot dahil katatapos lang namin sa trabaho namin. "Hindi po namin alam Señorita. Galing po kami sa third floor," kabadong sagot ko. Si Joan naman ay tila natuod na sa kanyang kinatatayuan at hindi na nito magawang ibuka ang kanyang bibig dahil sa takot. "I see. I'll deal with them later. For now come to my room and help me arrange my things." "O—po." Kahit ayaw namin ay napipilitan kaming sumunod sa kanya paakyat sa second floor kung saan naroon ang kuwarto niya. Namangha pa ako sa ganda at laki ng kanyang kuwarto na may sarili pang telescope na nakalagay malapit sa malaking bintana niya. Mukhang mahilig mag-stargazing ang señorita. "Remove those figurines at palitan niyo ng mga vase na nabili ko abroad." Turo nito sa dalawang kulay gintong figurines na katulad ng naka-display sa sala. Kabadong kinuha namin ito ni Joan. Ingat na ingat kami dahil baka mabasag namin ito wala kaming ibabayad. Inilabas na muna namin ito sa kuwarto ni Señorita Valeria, mamaya ay ililipat namin ito sa stock room pagkatapos ng mga utos niya. Base sa disenyo ng mga vase ay mukhang sa china niya nabili ang mga ito at mukhang mamahalin dahil nagmula pa yata ito sa Ming Dynasty at antigo na ito dahil sa tagal nang panahon. Buhat-buhat ang malaking vase na mas mabigat pa kaysa sa figurine na inilabas namin kanina ay panay ang dasal ko na sana hindi umiral ang pagiging clumsy ko at hindi ko ito mabasag. Nakakailang hakbang palang ako nang may matisod ako na kung ano kaya natumba ako at nabitawan ko ang vase. "NOOO!" Napapikit ako nang umalingawngaw ang galit na sigaw ni Señorita Valeria. "You b***h!" Hinila niya ang buhok ko kaya natatarantang binitawan naman ni Joan ang vase na hawak niya para awatin si Señorita. "Señorita huwag po!" pag-awat ni Joan pero itinulak lang siya nito kaya sumobsob siya sa marmol na sahig. "HINDI MO BA ALAM KUNG GAANO KAMAHAL ANG VASE NA BINASAG MO!" nanlilisik ang mga matang sigaw ni Señorita Valeria sa'kin habang hila-hila parin niya ang buhok ko. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha, parang mahihiwalay na ang anit ko sa aking ulo dahil sa lakas ng paghila niya sa buhok ko. "Señorita I'm sorry. Hindi ko po sinasadya," pagsusumamo ko. Pero naging tila bingi ito dahil sa labis na galit. Sinampal niya ako nang malakas kasabay nang pagbitaw niya sa buhok ko. Sa lakas ng sampal niya ay nabingi ako at nawalan nang balanse. Nauntog ang ulo ko sa dulo ng mesa. Nanlalabo ang paningin ko at parang binibiyak ang aking ulo dahil sa sakit. Wala akong nagawa kundi umiyak at ang tanging narinig ko nalang ay ang malakas na sigaw ni Joan bago ako tuluyang nawalan nang malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD