CHAPTER 16

1640 Words
Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa'kin pagdating ko sa kuwadra ng mga kabayo. Mukhang wala nga dito ang mga tagapag-alaga nila. Siguro pinaalis ni Señorita Valeria para ako ang gumawa ng trabaho nila ngayong araw. Kahit ang mga kabayo ay tahimik lang pero natatakot ako. Ito ang unang beses na magpapakain ako ng kabayo at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kumuha na ako ng pagkain nila at una kong pinakain 'yong kulay itim na kabayo na may kulay puting marka sa noo na parang kidlat. Mukha namang mabait ang isang 'to at kumakain lang nang kumakain. Nakahinga ako nang maluwag, kasi kung nagkataon na mag wild ang mga kabayong ito ay hindi ko alam kung anong gagawin ko kahit pa may hawla naman sila. Takot kasi talaga ako sa nagwawalang hayop. Na-trauma na ako noon nang minsan akong isama ni papa sa rancho dito sa Hacienda para bisitahin ang kaibigan niyang naka-assign doon. May nagwawalang kabayo pagdating namin at muntik pa akong maapakan. Mabuti nalang at may batang lalake na sa tingin ko ay medyo matanda sa'kin ng tatlong taon dahil mas matangkad ito. Pinakalma niya ang kabayo at sobrang nagpapasalamat ako sa kanya. Siguro anak siya ng isa sa mga tagapagbantay doon o baka naroon lang para bumisita. Hindi ko sigurado, hindi na kasi kami nakapag-usap pagkatapos dahil may biglang tumawag sa kanya. "What are you doing here?" Muntik ko pang mabitawan ang damong ipinapakain ko sa kabayo nang may biglang magsalita sa likod ko. Paglingon ko ay ang nakangiting mukha agad ni Señorito Caleb ang bumungad sa'kin. May dala siyang kulay brown na paperbag. "Nagpapakain po ng kabayo," nahihiyang sagot ko. "Yeah I can see that, what I mean is bakit ikaw ang gumagawa niyan?" he chuckled. "Nagbakasyon po yata ang mga tao rito kaya ako ang napag-utusan ni Señorita Valeria. Pero okay lang naman po, tatlong kabayo lang naman po ang nandito hindi katulad sa rancho na madami. Kayo po Señorito ano pong ginagawa niyo dito?" "I was looking for you, tapos sabi ng hardenero nakita ka raw niyang pumunta dito sa likod," sagot niya. Teka parang nabingi yata ako, hinanap niya raw ako? 'Ayst ano ka ba naman Mia, syempre amo mo 'yan baka may ipag-uutos sa'yo!' saway ko sa aking sarili. "Bakit po Señorito may ipag-uutos po ba kayo?" "Wala naman, I just want to give you this." Inabot niya sa'kin ang paperbag na hawak niya. "Ano po ito?" Binitawan ko muna saglit ang damong hawak ko para tingnan ang laman ng paperbag. Napangiti ako nang makita ko ang laman nito, mga mamahaling chocolates na hindi ko pa natitikman sa talambuhay ko! "Hinanap kita kahapon habang namimigay ako sa ibang mga tauhan dito sa mansyon pero hindi kita makita," cool na sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Bakit naman niya ako hinahanap? "Nabusy po kasi ako kahapon," sagot ko nalang. "Well, I know that kaya ako nalang ang naghanap sa'yo ngayon para personal na iabot 'yan sa'yo." He smiled at me at kung andito lang si Joan malamang natulala na naman 'yon sa kilig. Hindi ko pa pala natatanong ang isang 'yon kung binigyan rin siya ng chocolate ni Señorito dahil magkasama naman kaming dalawa kahapon. "Salamat po Señorito," nahihiyang sambit ko. Ang dami kaya nitong mga chocolates, siguradong malaking pera ang ginastos niya para sa mga ito. Sobrang bait niya talaga dahil hindi siya nangingiming gumastos para sa mga kasambahay at trabahador nila. "You're welcome. Go ahead and eat masarap 'yan." Nakangiti parin siya sa'kin. Hindi talaga siya nangangawit sa kakangiti niya. Tuwing nakikita ko kasi siya ay palagi siyang nakangiti. "Mamaya nalang po pagkatapos ng trabaho." Nakakahiya naman kung iiwan ko ang trabaho ko tapos kakainin ko 'to agad kahit hindi pa naman oras para kumain at magpahinga. "No, it's okay. Ako na ang bahalang magpakain sa mga kabayo," he told me na nakangiti parin. "Po? Nakakahiya po." "It's okay, I love feeding these horses. They're mine so I should be the one to feed them. And besides matagal ko rin silang hindi napapakain dahil nasa ibang bansa ako, and I missed doing that." Napatango nalang ako sa sinabi niya. Sa kanya pala ang mga kabayong ito kaya ganun na lamang kung mag-care si Señorita Valeria sa mga ito. Naupo ako sa upuan na gawa sa kahoy at pinanood si Señorito Caleb habang pinapakain nito ang mga kabayo niya. Nakangiti pa siya habang ginagawa niya iyon na para bang enjoy na enjoy siya sa ginagawa. Malaki talaga ang pagkakaiba nila ni Axel, pero kahit ganun I still feel the happiest kapag kasama ko ang masungit na 'yon. Speaking of Axel anong oras kaya siya dadating sa Maynila? Nalungkot na naman ako nang maalala ko ang sinabi ni Joan, magkikita sila doon ng fiancé niya. Kumagat nalang ako sa chocolate na bigay ni Señorito Caleb para pigilan ang sarili kong maiyak. Dalawang malalaking pack ng chocolate na pala ang nakain ko nang hindi ko namamalayan. Masyado ko kasing nilunod ang sarili ko sa panonood kay Señorito Caleb at sa paglasap sa masarap na chocolate na kinakain ko para lang mawala sa isip ko si Axel. "So how was it? Masarap ba?" tanong ni Señorito Caleb nang lumapit siya sa'kin. Tapos na niyang pakainin ang mga kabayo niya. "Opo, salamat po ulit Señorito." Tumawa siya nang malakas at nagulat nalang ako ng punasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang panyo na hindi ko alam kung saan niya kinuha. Siguro galing 'yon sa bulsa niya, alangan namang galing sa mga kabayo. "You're cute." Namula ako bigla sa sinabi niya. Kung si Joan lang ako na may crush sa kanya ay baka kanina pa ako nangisay sa kilig dito. "Sorry po, makalat po talaga akong kumain." Natawa siya ulit sa sinabi ko. Umusog ako nang kaunti para makaupo rin siya at inilagay ko sa pagitan namin ang paperbag. Hanggang sa pag-upo niya ay nakangiti parin siya sa'kin. "Señorito bakit po ang bait niyo?" Gusto kong sampalin ang sarili ko sa kagagahan kong iyon. 'Bakit kasi ako nagtanong nang ganun?' "Kasi mabait ako? Hahaha. Alam mo kasi Mia, I want to be the safe place for everyone. When they are having a bad day I want them to smile when they see me smiling at them." Napahanga naman ako sa sagot niya. "Close po ba kayo ni Señorito Axel?" Natawa siya sa tanong ko. "Close? Axel and I? I don't think we can be close. That man hates me. I'm older than him but he never called me kuya eversince we were young until now," he answered. "Mabait naman po kayo, bakit siya galit sa inyo?" "It's because I have the freedom that he wants. My parents allowed me to choose my own path while he grow up following his father's will." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong naaawa siya sa pinsan niya. "Ang lungkot po pala ng buhay ni Señorito Axel." "Yeah, that's why I can't hate him back no matter how much he hates me." Ramdam ko talaga kung gaano kabait si Señorito Caleb, hindi siya marunong gumanti at mas pinipili niyang umunawa. "Nasaan po ang parents niyo ni Señorita Valeria?" Mas lalong lumungkot ang mukha niya dahil sa tanong ko. "They're gone. Si ate na ang nagpaaral sa'kin ofcourse with the help of our Lolo. Bata palang ako nang mawala sina mom at dad. Unang nawala si Dad and then two years after hindi rin kinaya ni mommy ang pangungulila niya sa greatest love niya. She left us too." Hindi na ako nagtanong pa kung bakit at paano namatay ang mga magulang niya, napansin ko kasing biglang bumigat ang atmosphere at ayaw ko nang maalala pa ni Señorito Caleb ang malungkot na ala-ala niya. "How about you? Do you still have parents?" tanong niya sa'kin. "Opo. Pareho silang magsasaka sa coffee farm dito sa loob ng Hacienda." Napatango siya sa sagot ko. "So, you grew up here?" "Opo, kami ng ate ko. Baby palang daw si ate nang magsimulang magtrabao dito sina mama at papa tapos dito na rin ako ipinanganak," pagkuwento ko sa kanya. "Hindi pa ako nakakapunta sa coffee farm, one of these days puwede mo ba akong samahan?" Seryosong napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Seryoso po kayo Señorito? Pag-aari niyo ang Hacienda Del Fuego pero hindi ka pa nakapunta sa coffee farm?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Hindi naman ako gaanong nagtatagal dito. At nong bata pa ako mas madalas ako sa rancho dahil mahilig ako sa mga kabayo. I remember saving a little girl back then." Nanlaki ang mga mata ko sa kuwento niya. "May niligtas po kayong batang babae noon?" "Yes, and I remember she has the same eyes as yours. Kaya nga nong unang beses na nakita kita I really thought that it was you." "Ako po talaga 'yon Señorito," tuwang-tuwang sagot ko sa kanya. "Really? I've been looking for you everytime na pumupunta ako sa rancho but nobody knows who you are. Kung hindi lang nagmamadali ang butler ko that time, I should have talked to you a little longer," paliwanag niya. I never thought na siya pala talaga 'yon. Akala ko anak siya ng trabahador doon sa rancho, but to my surprise apo pala ni Don Franco ang nagligtas sa'kin and it was Señorito Caleb. "Nagtanong din po ako kay papa pero ang sabi niya hindi ka raw niya kilala." Sabay pa kaming natawa sa sinabi ko. "How ironic isn't it? Akala ko hindi na kita makikita, and now you're here right infront of me." He seems really happy na para bang matagal niyang hinintay na makilala at makitang muli ang batang babae na iniligtas niya noon. 'I'm happy to meet you again my savior' I whispered to myself not wanting to make him hear what my heart wants to say to him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD