CHAPTER 14

1564 Words
"Okay ka lang?" Bungad na tanong ni Joan sa'kin pagkalabas ko ng kuwarto ni Axel. Kahit anong paliwanag ko sa masungit na 'yon ay hindi niya talaga ako pinakikinggan. Talagang pinaninindigan niya na may gusto ako sa pinsan niya. Lumabas nalang ako dahil ayaw ko nang makipagtalo sa kanya, he even tried to stop me from leaving his room pero nagmamadali na akong tumakbo palabas kaya hindi na niya ako naabutan. "Bakit tulala ka?" muling tanong ni Joan nang hindi ko siya sinagot. "Ha? Wala lang iniiisip ko lang 'yong ate ko," palusot ko. "Bakit naman? May sakit ba ate mo?" Marahang tumango ako sa kanya. Naupo ako sa couch dito sa third floor at tumabi naman siya sa'kin. "Anong sakit niya?" "Cancer," malungkot na sagot ko. "Kumusta naman siya ngayon?" pang-uusisa pa niya. I never told anyone here about my sister maliban kay Axel pero ngayon alam na rin ni Joan. "Nasa Manila siya for chemotherapy. Ang laki ng gastusin lalo pa't twice a month siyang nag-chechemo kaya kailangan kong kumayod," pagkuwento ko sa kanya. Nag-offer naman si Axel na tutulungan niya ako sa pagpapagamot sa ate ko pero nagdadalawang-isip akong tanggapin ang offer niya. I don't want to owe him so much. "Kawawa ka naman pala." Bumuntong-hininga muna siya bago muling nagsalita, "Parehas lang pala tayo, kailangan ko ring kumayod para sa pamilya. Mahirap lang din kami at wala kaming sariling bahay at lupa. Anytime puwede kaming mapalayas pero dahil nagtatrabaho ako sa mga Del Fuego ay takot 'yong may-ari ng lupa na palayasin kami." It was the first time na nag-open up siya sa'kin tungkol sa family struggle nila. "Bakit hindi mo kausapin si Don Franco? Dito nalang kayo sa Hacienda tumira gaya ng pamilya ko." Mabilis siyang umiling sa suggestion ko. "Hindi puwede. Hindi puwedeng iwan ni papa ang mga alaga naming hayop doon. Hindi rin naman namin sila puwedeng dalhin dito sa Hacienda dahil bawal 'yon," paliwanag niya. Napatango nalang ako. Kung sabagay bawal ngang magdala ng sarili nilang mga hayop ang mga farmers dito dahil sa mga pananim. Baka kasi kainin ng mga ito ang mga pananim and besides may mga hayop ding inaalagaan dito sa Hacienda pero may lugar lang para don gaya ng rancho. Ang taniman ay taniman lang bawal magpakalat-kalat ang mga hayop lalo na ang mga baka. "Hindi mo ba namimiss ang pamilya mo?" Pansin ko kasi simula nang dumating ako dito ay hindi pa siya umuuwi sa kanila. Samantalang ako nakapagday-off na agad. "Namimiss, pero sabi ni mama huwag nalang daw akong umuwi. Sayang daw ang isang araw na sasahurin ko dito sa Mansyon. Kaya pinapadala ko nalang kay ate Brei ang sahod ko para maibigay sa kanila tuwing lalabas siya para mamalengke." Nalungkot ako para sa kanya, hindi ko inakalang may ganun palang mga magulang. 'Yong mas mahalaga sa kanila 'yong pera kaysa sarili nilang anak. "Hindi manlang ba sila nalulungkot dahil hindi ka na nila nakikita? Kinukumusta ka manlang ba nila?" Mabilis siyang umiling at napansin kong may luha na nagbabadyang tumulo sa kanyang mga mata kaya hindi nalang ako nagtanong pa. "Kuha tayo ng merienda," pag-iiba ko sa usapan. Tumango siya at ngumiti pero alam ko na malungkot parin siya. Hayst kung bakit pa kasi ako nagtanong? Pagkapasok namin sa kusina ay naabutan namin ang kapwa namin mga kasambahay na nagmemeryenda na. May turon at juice sa mahabang mesa kung saan kumakain lahat ng mga kasambahay. Hiwalay kasi ang dining area kung saan naman kumakain ang mga amo namin. "Oh andito na pala kayo? Tamang-tama may niluto akong turon. Masarap 'to," masayang pagsalubong sa'min ni Manang Lea. "Wow paborito ko 'yan!" Naglaho na ang lungkot sa mukha ni Joan at napalitan na ito ng ngiti matapos niyang marinig ang tungkol sa turon. Bagay na lubha kong ipinagpapasalamat dahil akala ko buong araw na siyang malulungkot dahil sa mga itinanong ko sa kanya. I would feel guilty kung mangyari 'yon. Naupo na kami ni Joan sa counter kung saan kami palaging umuupo. Tumingin-tingin ako sa paligid para hanapin si ate Tess pero hindi ko na naman siya nakita. Saan na naman kaya 'yon pumunta? Parang minsan ko lang siya makitang sumabay sa'ming kumain. "Si ate Tess po?" tanong ko kay Manang Lea pagkalapag niya ng anim na pirasong turon at dalawang baso ng juice sa harapan namin ni Joan. "Ah si Tess ba kamo?" Mabilis akong tumango. "Hindi 'yon nagmemeryenda, minsan lang. Mas gusto non kumain mag-isa kapag wala nang gaanong tao," sagot ni Manang Lea. "Kaya po pala minsan ko lang siya makitang sumasabay sa'ming kumain," sambit ko. "Oo, sumasabay lang talaga 'yon kapag madaming gawain kaya wala siyang choice kundi sumabay sa lahat dahil limitado ang oras ng kain," paliwanag ni Manang Lea. Nagsimula na kaming kumain ng turon ni Joan. Grabe ang laki ng pagkakagawa ni Manang Lea sa turon kaya isang piraso palang ang nakakain ko busog na ako agad. "Busog ka na?" tanong ni Joan nang mapansin niyang hindi na ako kumuha ulit. Si Manang Lea naman ay lumabas ng kusina bit-bit ang isang tray na may lamang tatlong pirasong turon at kape. Mukhang isa sa mga amo namin ang pagdadalhan niya non. "Sa'yo nalang." Dahan-dahan kong itinulak palapit sa kanyang ang platong may natira pang tatlong pirasong turon. Kumislap naman ang mga mata niya na parang batang tuwang-tuwa na nabigyan ng candy. Tapos na ring mag meryenda ang iba kaya isa-isa na silang naglalabasan at bumabalik na sa kanya-kanya nilang trabaho. Maya-maya pa ay kaming dalawa nalang ni Joan ang naiwan dito sa kusina. Hindi ko alam kung asa'n si ate Brei dahil hindi ko ito nakita. "Excuse me? Where's Manang Lea?" Napatigil si Joan sa pagkagat sa turon niya nang marinig ang baritonong boses na ngayon ko lang narinig. Maging ako ay natigilan at wala sa sariling napalingon sa pintuan ng kusina. There, we saw Señorito Caleb wearing a white t-shirt and shorts, nakapangbahay na ito pero mukha paring expensive. Para talaga siyang nagmomodelo at kahit anong suotin niya ay nagiging mamahalin tingnan. "Ah, lumabas po." Ako na ang sumagot dahil mukhang natulala na si Joan kaya pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran para magising. "Oh, I see." Namulsa ito at naglakad palapit sa coffee maker. "Señorito ako na po ang gagawa ng kape niyo." Natatarantang tumayo ako at tumakbo palapit sa kanya nang mapagtanto ko kung anong balak niyang gawin. He chuckled sexily, "It's okay. I think you're new here because you don't know that I love making my own coffee." Natigilan ako at parang napahiya sa sinabi niya. "Sorry po," paghingi ko nang paumanhin. Lumingon ako kay Joan para sana humingi ng tulong pero ang gaga nakangiti pa habang nakatingin kay Señorito Caleb na para bang isang fangirl na nakita ang idolo niya for the first time. "You don't need to say sorry. Actually there's no reason for you to do that. I can't blame you for being unaware of my habits," sagot niya habang nakangiti. Pakiramdam ko laglag na ang panty ni Joan sa mga oras na 'to. Mas lalo kasing gumwapo si Señorito Caleb nong ngumiti ito. Infairness totoo nga ang sabi nila, mabait siya at hindi nakakakabang kausap. Ngumiti nalang din ako sa kanya. Tatalikuran ko na sana siya nang muli siyang magsalita, "You're Mia, right?" "P—po?" hindi makapaniwalang tanong ko. How did he know about my name? "Mia ang pangalan mo hindi ba?" pag-ulit niya sa tanong niya na trinanslate pa talaga niya sa Tagalog. "Opo. Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?" hindi ko napigilang itanong. "Simply because I heard Axel calling you by that name earlier," cool na sagot niya, hindi parin nawawala ang ngiti. This guy is the total opposite of Axel, kung si Axel nuknukan ng sungit at palaging nakasimangot, ito naman dinaig pa ang model ng commercial ng toothpaste sa pagiging palangiti niya. "I did not know that you were listening po." Nahiya tuloy ako. Akala ko binaliwala niya lang 'yong narinig niya kanina, I did not expect him to remember my name and my face after hearing someone called me for the first time infront of him. "I pay attention to everything, especially sa mga interesting na bagay," she answered. Do I look interesting to him? Why do I feel like he sounds like a playboy? "Oh, don't misunderstand me what I mean is everyone in this mansion is special to me kahit kayong mga kasambahay. I pay attention to everyone para alam ko kung sino ang kailangan ng tulong or maybe extra attention. I don't treat everyone as strangers or maids, everyone in this mansion is part of our family," he explained kaya napatango nalang ako. For a rich heir, he's nice and very down to earth. "Thank you po Señorito." It's rare to find a kind-hearted boss lalo na sa mga Del Fuego kaya sobrang nagpapasalamat ako na kahit papaano ay may isang mabait sa mga amo namin bukod kay Don Franco. "Don't mention it, by the way tell everyone to come to my room later. I'm going to give all of you your favorite pagsalubongs," bilin niya bago sinimulang gumawa ng sarili niyang kape. Na-excite naman ako bigla. May pasalubong pala talaga siya para sa aming lahat? Kaya naman pala ang dami ng dala niyang bagahe. "Sige po Señorito, sasabihin ko po sa iba naming kasamahan," sagot ko. Mas lalo namang lumawak ang ngiti niya dahil don.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD