GLASE POINT OF VIEW Malapit nang mag-alas singko ngayon. Mabilis akong naglakad patungong kuwarto ko para mag-ayos na. Dapat ala sais ng gabi naroon na kami sa birthday party. Ni-lock ko ang pinto at dumiretso sa banyo. Medyo matagal bago ako natapos maligo. Talagang nilisan kong maiigi ang katawan ko. Pinunasan kong maiigi ang aking buhok pagkatapos tinapis ang tuwalya sa katawan. Lumabas ako ng banyo at humarap sa malaking salamin. Kinuha ko ang blower na nasa drawer at tinuyo ang aking buhok. “Glase! Glase! Glase!” Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo habang nakaharap sa salamin. “Saglit lang po! Magbibihis pa po ako, Ma'am Danela!” sagot ko kaagad. “Sige, hintayin na lang kita sa kuwarto. Diretso ka roon pagkatapos mo, okay?” malakas na saad niya. “Sige po, Ma'am Danela!” tu

