GLASE POINT OF VIEW Nang dumating sila Ma'am Danela ay naglalaro na ang mga bata. Pagkatapos n'on ay tuloy-tuloy na ang kainan. Nang matapos ang birthday party ay nakipagkamayan pa si Sir Kellix sa mga kakilala niya. Nag-usap din sila ng kaibigan niyang si Ismael. Masaya naman ako kasi nakikita ko ang malawak na ngiti ni Krizza. Kasama niya kanina si Maui at halos hindi matapos-tapos ang pag-uusap nila. Nakipaglaro pa sa mga batang katulad nila. Habang palabas naman ay inaabutan ng isang manipis at maliit na libro ang bawat bata. Mukhang isa itong maikling kuwento. Nang kunin ito ni Krizza, hindi nga ako nagkamali. Nakita ko rin ang pangalan ni Novel bilang manunulat niyon. Halata nga sa kaniyang pangalan na manunulat siya. Ang ganda, bagay na bagay sa kaniya! “Thank you po!” saad

