MONTECARLO FAMILY THIRD PERSON’S POINT OF VIEW Malawak ang ngiti ni Glase habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Suot niya ngayon ang wedding gown. Ang tela nito ay tila mga puting rosas na pinagsama-sama. Kumikinang na silver ang hikaw, porselas at munting korona sa ulo niya. Naka-romantic na up high ang pagkakatali ng mahaba niyang blonde na buhok. Nakasuot na rin ang veil. “Ang ganda-ganda naman!” Napatingin siya kay Ate Lay at sa triplets. “Sa wakas! Sa simbahan din ang tuloy niyo!” kinikilig na wika ni Honey. “Tama ka riyan kapatid! Katulad ng kasabihan, sa hinaba-haba ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy. Ang bongga!” Sang-ayon naman ni Hanna at napapalakpak naman si Helena. “Kayo talagang triplets, naku! Oh siya, kailangan na nating maghanda, malapit na ang kasal!” ani

