A MEMORABLE DAY GLASE’ POINT OF VIEW Nakaharap ako sa salamin ngayon at tinitingnan ang sarili. Sinuot ko ang isang maong na jeans at pinarisan ito ng simpleng white long sleeve na damit. Manipis iyon at kita ang balat ko kaya kinailangan kong magsuot ng puting tube sa loob. Tinali ko ang buhok ko at naiwan ang side bangs. Kinulot ko iyon at pagkatapos ay nag-retouch ako ng manipis na kolerete sa mukha. Ang suot ko ay pinarisan ko ng light brown na sandals at shoulder bag na ang laman ay halos pen na gagamitin para sa booksigning. Napag-usapan namin ito kagabi ni Kellix na hindi na kami magdi-disguise pa. Siguradong hindi kami makikilala ng mga pupunta pero maaaring mapamilyaran pa rin sila sa amin. “Cariño?” Napalingon ako at nakita ko naman si Kellix. “Mi amor, let’s go?” tugon k

