GLASE POINT OF VIEW Nakakaramdam ako ng kaba habang naglalakad kami patungong kusina. Kasama ko ang babaeng nagngangalang Lay. Ramdam ko rin ang tingin ng ibang katulong sa akin. Dahil diyan, mas nadagdagan pa ang kabang nararamdaman ko. Kasama pala niya ang pamilya niya. Kinakabahan ako, ang nanay niya mukhang ayos lang sa kaniya. Pero paano kung hindi ako tanggap ng iba? “Hija, kinakabahan ka ba? May gumugulo ba sa isipan mo?” tanong nito sa akin. Napahinto naman kami sa paglalakad. “Opo, k-kasi po b-baka hindi nila g-gustong nandito ako,” nauutal kong sagot. “Huwag ka mag-alala. Mabait sila, tanggap ka nila rito. Kaya huwag ka na kabahan hija,” aniya. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil doon. “Salamat po,” nakangiti kong tugon. “Tara na, hinihintay ka na nila. Huminahon ka

