GLASE POINT OF VIEW
January 10, 2007 ay nabuntis ako ng matandang lalaki. Ang lalaking ginawa akong parausan. Si nanay ang dahilan kung bakit naging parausan ako. Binabayaran niya ang katawan ko at pagkatapos ay gagamitin.
Kahit ayokong ipalaglag ang bata ay wala akong nagawa.
—
February 26, 2007 nang sagutin ko si Carlito. Ang lalaking akala ko ay tunay akong minamahal. Ang lalaking sa una’y pinaramdam sa akin ang halaga ko. Sa hindi rin inaasahan ay may nangyari sa amin.
Nalaman kong buntis ako nitong nakaraang buwan. Sinabi ko iyon sa kaniya ngunit siya lang ang naging dahilan bakit ako nalaglagan. Nang malaman iyon ni nanay ay halos patayin niya ako.
—
“Glase! Ano na naman bang ginagawa mo riyan sa kuwarto?!” malakas na sigaw ni mama mula sa labas. Hindi na ako nakapag-aral ng kolehiyo dahil sa walang pera. Pagod na pagod ako. Gusto kong matulog nang matulog. Halos bumigay ang katawan ko sa sobrang daming problema.
“Glase! Ano ba?! Hindi mo ba ako naririnig?! Kung kailan lumaki eh doon naman naging matigas ang ulo? Bwesit na bata ka! Wala kang kwentang anak!” Naluha na naman ako dahil sa narinig.
Ganoon lang talaga niya kabilis bumitaw ng salita. Sobrang sakit na niyang magsalita. Siya na lang palagi ang nasusunod.
Kaagad kong pinahid ang luha ko at pinikit ang mata nang marinig ang yapak ni mama. Nanghihina ako kaya hindi ko magawang bumangon.
“Aba! Inday! Bangon na, huwag masyadong maging senyorita! Napakatamad mo talaga. Bangon diyan!” Hindi pa rin ako kumibo. Narinig ko ang mabilis na paglapit niya sa akin at sinabunutan ako.
“Ang sabi ko, bumangon ka na!” sigaw niya sa tainga ko mismo.
“Hindi ka talaga babangon? Ha?!” naiinis na niyang tanong. Wala pa rin akong kibo.
“Lintik namang bata ka oh! Bwesit ka talaga! Bumangon ka! Bangon!” galit na aniya. Pagkatapos niyon ay tinadyakan ako. Napadaing naman ako dahil doon.
“Kung ayaw mong tumulong sa bahay, doon ka na lang sa bar at lumandi! Makakatulong ka pa dahil sa perang makakalap mo,” aniya at inuutusan pa akong magtrabaho.
“Anong trabaho? Ang ibenta ang katawan ba, ha? Nay?!” galit kong tanong. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ganito siya palagi.
“Aba! Oo! Maganda naman ang katawan mo eh. Saka isa, may babayaran akong utang. Pasalamat ka nga pinanganak kitang maganda ang mukha at maganda ang hubog ng katawan,” tugon nito sa akin. Parang hindi niya ako anak sa mga binitawan niyang salita.
“Nay naman! Anak niyo ako tapos ibubugaw niyo ako para lang sa pera?! Anong klase kayong ina? Pagod na pagod na ako! Imbis na nag-aaral ako ngayon ay hindi, dapat doon na lang ako sa tatay ko eh!” naiinis kong sagot at napatayo na kahit nanghihina pa.
“Aba! Marunong ka nang sumagot ha?! Bastos ka! Wala kang respeto!” malakas na aniya’t sinampal ako.
“Eh kayo ma? Inisip niyo ba kahit minsan na hindi niyo rin ako nirerespeto bilang anak niyo? Sinong matinong ina na ibubugaw ang kaniyang anak para lang sa pera?! Hindi ako gamit nanay na basta-basta mo na lang ipapahiram at pagkatapos gamitin ay isasauling baboy na baboy na!” galit kong tugon at dire-diretsong tumulo ang mga luha ko. Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Ramdam ko kung gaano karami ang nakadagan dito.
“Respeto? Magulang lang dapat ang nirerespeto. Gawin mo ang sinasabi ko,” seryosong sabi niya. Mapait naman akong natawa.
“Bakit ba kasi hindi niyo na lang ako binigay sa tatay ko?” tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot at iniwan lang ako. Wala akong nagawa kung hindi umiyak.
Diring-diri at baboy na baboy na ang katawan ko. Nahihiya na akong humarap sa maraming tao. Hindi ko alam bakit sa lahat ng klase ng ina, siya pa ang naging ina ko.
—
Sumapit ang gabi at nandito na ulit ako sa bar. Wala akong magawa kung hindi sundin si mama. Wala akong laban.
Nasa isang silid kami sa bar at inaayusan ako. Nilalagyan ako ni Aling Berding ng kolorete sa mukha. Suot-suot ko ang isang damit na halos kita na ang kaluluwa ko.
“Ang gagawin mo lang ay sumayaw sa harap ng mga kalalakihan. Ikaw ang palaging nasa light spot. Mas mataas din ang sweldo mo. Kapag may nagpa-table sa’yo ay wala kang karapatang tumanggi,” aniya. Hindi ito ang unang beses na ginamit ang katawan ko para sa pera.
“Alas diyes na, alam mo na ang gagawin. Huwag mo akong bibiguin Glase, sinasabi ko sa’yo!” aniya na may halong pagbabanta. Tango lamang ang naitugon ko.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nasa stage na ako. Nasa akin ang spot light. Narito ako sa gitna at may pole. Nagsimulang tumunog ang malamyos na musika at sinabayan ko ito ng sayaw. Sayaw na siyang gabi-gabing nagpapahiyaw sa mga lalaking nanonood.
Ginalaw ko ang katawan ko na gustong-gusto nila. Naghihiyawan at naghahagis ng naglalakihang papel na pera sa stage. Halos maiyak ako sa ginagawa ko. Ngunit kailangan kong pigilan ang sarili ko. Hindi puwedeng umiyak ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko at mas humiyaw pa sila.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko habang ginagawa ang bagay na ayoko.
Umuwi ako ulit sa bahay na hiyang-hiyang humarap sa ibang tao.
Sa sumunod na gabi ay ganoon pa rin ang ginawa ko. Sumayaw sa gitna ng stage at kumapit-kapit sa pole at hahaplusin ang mahabang hita. Wala pa ring pagbabago sa tuwing sumasayaw ako. Ganoon na ganoon pa rin.
May maghihiyawan at sisipol. May maghahagis ng pera at pagkatapos ay madaling araw na akong nakakauwi. Dala-dala ang malaking pera na kukunin din ni nanay pagkarating sa bahay. Gagastusin nito sa mga luho at ibabayad sa utang kasusugal.
“Limangpong libo, Glase. Umuwi ka na,” sabi ni Aling Berding. Pagkatapos ibigay ang pera ay umalis na sa harapan ko. Nagbihis ako nang maayos at nakakaramdam pa rin ng panginginig sa tuwing lalabas ng bar.
Ala una na ng madaling araw. Naglalakad pa rin ako pauwi. Habang naglalakad ako ay may nakita akong limang lalaki. Nag-iinuman sila at nagtatawanan. Malalaki rin ang katawan at halatang mga may masasamang balak, sa mukha pa lang nila.
Mas kumabog ang puso ko. Ramdam na ramdam ko lalo ang panginginig ng katawan ko. Ang takot na nararamdaman ko.
“Chicks pre! Masarap na pulutan!” rinig kong sabi ng lalaki kaya patakbo akong dumaan sa kanila. Akala ko'y makakalayo ako pero nahuli nila ako.
“Hahahaha! Mabuti na lang at hindi pa tayo nalalasing! Masarap ngang pulutan ito!” ngising-ngisi namang sabi ng isa.
“Bitiwan niyo ako! Ano ba?! Bitiwan niyo ako! Pakiusap! Tulong! Tulungan niyo ako! Tulong!” paulit-ulit kong sigaw.
“Hahahaha! Walang tao halos rito, miss beautiful! Manahimik ka na lang kasi. Siguradong masasarapan ka rin! Hahahahahaha!” saad naman ng isa pa.
“Ano ba?! Bitiwan niyo ako! Pakiusap! Tulungan niyo ako! Tul—” hindi na ako natapos sa pagsigaw. Napadaing ako nang suntukin ng isa ang tiyan ko.
“Masyado kang maingay. Hala! Sige! Ihiga iyan! Hahahahaha!” utos ng lalaking nakakulay itim. Wala akong lakas para makatakas sa kanila. Masyado silang malakas. Tuloy-tuloy na tumutulo ang luha ko.
“Tulong! Tulong!” sigaw kong muli. Dahil doon ay tinakpan nila ang bibig ko.
Pinunit ng lalaki ang damit ko at hahalikan na sana ang leeg ko nang may humintong sasakyan. Nagkaroon ako ng pag-asa. Natanggal ng isa ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko.
“Tulungan mo ako! Tulungan mo ako!” malakas na sigaw ko.
Bumaba ang isang lalaking mukhang banyaga.
“Tulungan mo ako!” Umiiyak na pakiusap ko.
“Hoy! Sino ka? Anong karapatan mong istorbohin kami? Ha?!” Hindi sila sinagot ng lalaki kung hindi sinuntok. Kinuha ko ang pagkakataong iyon na lumayo sa limang lalaki.
Kita ko kung gaano kalakas ang lalaking halatang mayaman. Napatumba niya lahat ang lalaking pinagtangkaan akong gahasain.
Pagkatapos niyon ay lumingon ang lalaking tumulong sa akin. Niyakap ko naman ang sarili ko. Lumapit siya sa akin at isinuot ang isang jacket na itim.
“S-salamat,” umiiyak kong saad.
“Are you okay?” Tango lamang ang naisagot ko sa kaniya.
“Ihahatid na kita sa inyo,” aniya. Nanginig naman ako ulit. Ayoko nang umuwi!
“Huwag! Pakiusap! Huwag mo akong iuwi sa amin. Ayoko na! A-ayoko na u-umuwi sa a-amin. Pakiusap!” umiiyak kong sabi at lumuhod sa harapan niya. Hinawakan ko ang kamay niya habang nakikiusap.
“K-kahit m-magtrabaho ako s-sa’yo, k-kahit hindi mo a-ako bayaran. Basta, b-basta i-ilayo mo lang a-ako. Nakikiusap ako!” hirap na hirap na saad ko.
“Tumayo ka miss,” sabi niya. Umiling-iling ako.
“H-hindi ako t-tatayo hanggat h-hindi ka p-pumapayag,” umiiyak kong tugon.
“Okay, pumapayag na ako. Tumayo ka na riyan,” sagot niya. Napangiti naman ako dahil doon at dali-daling tumayo. Niyakap ko siyang mahigpit.
“Salamat! Salamat!” natutuwang sabi ko. Pagkatapos niyon ay inalalayan niya akong pumasok sa kotse. Pagkatapos ay sumunod siya at pinaandar na ito.