GLASE POINT OF VIEW Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Napakurap-kurap pa ako dahil malabo sa una ang paningin ko. Kagabi, naaalala kong kinantahan ako ni Sir Kellix kahit na sintunado siya. Hindi ko akalaing gagawin niya 'yon. Wala na siya sa tabi ko. Nag-inat-inat ako ng braso at saka dumiretso sa banyo. Naligo ako at agad na nag-ayos bago lumabas. May ngiti ako sa labi nang pumasok sa kwarto ni Krizza. “Krizza...” ani ko saka tinapik-tapik siya. “Gising na, Krizza.” Maya-maya pa'y dinilat niya na ang kaniyang mata. Ngumiti naman siya agad nang makita ako. “Mommy, good morning po!” masayang saad niya. “Good morning din! Bangon ka na,” nakangiti kong tugon. Hinintay ko ulit siyang makapag-ayos bago kami lumabas. Habang naglalakad pababa ng hagdanan ay nakita ko na si S

