GLASE POINT OF VIEW July 31, 2007… Hulyo na pero nandito pa rin si Angel. Halos sa loob ng nakaraang dalawang buwan ay pakiramdam ko hindi na ako makahinga. Hindi ko akalaing aabot ng ganito katagal ang pananatili niya rito. Sa tuwing wala akong kasama roon naman siya darating. Darating para insultuhin ako. Si Sir Kellix ganoon pa rin. Walang ipinagbago. Napapaisip tuloy ako na umalis na lang dito. “Glase, tawagin mo na sila Sir Kellix. Kakain na tayo ng hapunan,” ani ni Ma'am Chaira. “Opo, Ma'am Chaira.” Dali-dali akong naglakad papuntang garden. Naroon siya kasama si Krizza at Angel. “Sir Kellix, Krizza, kakain na raw po tayo,” saad ko. Tama lang ang boses ko para marinig nila. Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad akong bumalik sa loob. Nang pumasok sila ay agad kaming nanalan

