GLASE POINT OF VIEW “Mommy, maligo na po tayo!” excited na sabi ni Krizza. Kaming dalawa lamang ang nakasakay sa elevator. Kagigising lang namin kanina. “Mamaya na lang Krizza kapag kompleto na tayo sa baba. Okay? Manood muna tayo ng sunrise. Ang aga pa ngayon,” tugon ko. “Sunrise! Sige po mommy! Naalala ko po, sabi ni daddy, favorite niya raw manood ng sunrise saka sunset dito. Lalo na noong nagsusulat daw siya. Ang gaan-gaan daw po ng pakiramdam niya mommy,” nakangiting saad ni Krizza. Napangiti naman ako. Biglang pumasok sa isipan ko ang mga numerong sinabi ni Sir Kellix. Hindi ko mawari kung ano ba ang ibig sabihin n'on. Nang makababa na kami ay wala pa ang iba rito. Magkahawak ang kamay namin ni Krizza at naglalakad sa buhangin. Patungo kami sa pwestong pinuntahan ko kagabi.

