Glase Point Of View Narito kami ngayon sa kusina. Pareho kami ni Kellix na hindi mahigop ang isang basong kape na nasa harapan namin. Napahinga nang malalim si Ma’am Chaira at sumimsim ng kape. Pagkatapos ay tumingin siya sa amin. “So, parang wala pa kayong balak sabihin sa akin o sa amin kung ‘di ko pa kayo nakita?” tanong ni Ma’am Chaira. “Hindi naman po sa ganiyan mom, nais lang po sana namin ni Glase na mag-usap muna. At balak naman po namin itong sabihin pero hindi pa namin alam kung paano sisimulan,” sagot ni Kellix at hinawakan ang aking kamay. Nagkatinginan kaming dalawa at nakagat ko ang ibabang labi ko. “Sige, pag-usapan niyo muna iyan nang maiigi. Sigurduhin niyong handa na kayo sa pinasok niyong relasyon. Wala namang masama talaga kung maging kayong dalawa. Matanda na rin

