GLASE POINT OF VIEW “Mommy… huwag mo po sana sabihin kay daddy ang tungkol po sa b-book.” Pabulong na sabi ni Krizza sa akin. Kapapasok lamang namin sa kaniyang kuwarto. “Pero hindi pwedeng hindi natin sabihin sa kaniya, mas magandang hindi ka magsinungaling sa kaniya. Malay mo, mas matulungan niya pa tayo, ‘di ba?” Malumanay kong sagot. “Pero po n-natatakot po ako. Hindi po kaya m-magagalit si daddy?” Mayroong pag-aalala na nadarama ang bata habang nagtatanong. Huminga ako nang malalim at nag-isip ng paraan kung paano mapapakalma ang bata. “Huwag ka mag-alala, ako basta ang bahala. Okay? Promise, sisiguraduhin kong hindi mangyayari iyan, ayos ba iyon?” tanong ko habang may ngiti sa labi. Marahan kong hinahaplos ang kaniyang buhok habang nakahiga na siya. “Okay po, mommy. Goodnight

