Chapter 4

1778 Words
Syrel's POV Paggising ko ay nasa hospital na ako. At may nakakabit na dextrose sa aking kamay kaya't napabalikwas ako ng bangon. “ Anong ginagawa ko dito?” Nagtatakang tanong ko sa aking sarili. Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok si Ninong Kalix kasama si Patrick. May bitbit siyang isang basket ng prutas samantalang si Patrick ay may dalang supot. Ano kaya laman nun? “ Gising kana pala.” Seryosong sambit ni Ninong Kalix sa akin. Ano palang nangyari? Lumapit si Ninong sa akin at sabay na umupo. At sabay niyang hinawakan ang kamay ko ngunit agad ko itong kinuha nang maalala ko ang pagtataksil niya sa akin. Aisssh! May dapat ba akong ikaselos? eh? Hindi ko naman nobyo si Ninong Kalix. Wala kaming label eh pero nasasaktan kasi ako sa nakita ko. “ Ang sabi sa akin ni Manang hindi ka raw kumain? At nagpaulan ka raw?” Tanong nito sa akin. Sinumbong pala ako ni Manang sa kaniya. Sumbungera talaga ang matandang iyon. “ Alam mo ba ang taas ng lagnat mo ha? Kundi kalang namin naisugod agad dito sa hospital baka ano na ang nangyari sayo ngayon.” Panenermon niya pa ngunit nagbingi-bingihan lamang ako. Ang sakit na nga ng ulo ko, nanenermon pa sa akin. Hays! “ Alam mo bang pinag-alala mo ako ha?” Nag-alala pala siya sa akin eh? Bakit nagpapalandi siya sa iba? Gagi ka Ninong K. Ako lang dapat eh.“ Hey! Nakikinig kaba sa akin, Syrel Mae Beltran?!”naiinis nitong tanong sa akin ngunit nanatili akong walang imik. “ Pat, call the doctor now! ” Utos nito kay Patrick. Lambing lang naman ang katapat nito eh. Bakit di niya pa magawa? Lumabas si Pat upang tawagin ang doctor na nag-asikaso sa akin. Idinampi ni Ninong Kalix ang palad niya sa noo ko. “ Nahihilo kaba? Anong nararamdaman mo ngayon?” Nag-alalang tanong nito sa akin ngunit wala parin akong imik sa kaniya. Nagtatatampo ako sa kaniya. Nang makabalik si Patrick ay kasama na niya ang doctor. “ Doc, please check on her di kasi siya nagsasalita.” Ma-awtoridad na utos nito sa doctor. Kung makautos siya sa doctor ay parang siya ang nagpapasweldo dito. “ Hija? Anong nararamdaman mo?“ Tanong sa akin ng doctor. “ Masakit lang po ang ulo ko.” Maikling sagot ko sa doctor. Sinuri nito ang temperature ko at naging 38.7 Ininterview ako ng doctor at sinasagot ko ang bawat katanungin nito. “ Inumin mo ang gamot na ito, hija nang sa ganun ay bumaba ang lagnat mo.” Alok sa akin ng doctor sabay na inabot sa akin ang isang tableta at isang basong tubig. Hindi na ako nag-inarte pa, dahil para nang sasabog sa init ang ulo ko. Nagkibit-balikat lamang si Ninong Kalix habang pinagmamasdan ang ginawa sa akin ng doctor. Nang umalis ang doctor ay nilapitan niya ako at sabay na pinitik ang aking noo. “ Aaaaaaaw! Ninong K!” Daing ko pa sa kaniya. “ Bakit hindi ka nagsasalita kanina? Pinaglalaruan mo ba ako, Sy? Gusto mo bang ibalik kita sa probinsiya niyo? Alalahanin mo, Sy nakasalalay sa akin ang maganda mong kinabukasan.” “ Wag na wag mo ng ulitin ang ginawa mo, okay?” Sambit nito sa akin at tanging pagtango ang itinugon ko sa kaniya at napapailing na lamang ito. Pagkalipas ng dalawang araw kong pamamalagi dito sa hospital ay nababagot na ang sarili ko. Wala akong ginawa kundi magbasa lamang ng nobela, binilhan kasi ako ng libro ni Ninong Kalix. “ Kumusta ka dito, Sy?” Seryosong tanong nito sa akin. “ Buhay pa naman, Ninong.” “ of course you're alive. Di ko ata hahayaan na mawala ka-- ay este mapahamak ka.” Kamot-ulong sabi nito sa akin.. Hindi nagtagal ay inilabas na ako ni Ninong Kalix ng hospital. Habang binabayaran ni Ninong Kalix, iniligpit ni Pat ang lahat ng gamit ko. “Alam mo bang alalang-alala sayo si Sir Kalix? Halos mabaliw si Sir Kalix nang madatnan ka niyang walang malay habang nakahandusay sa sahig. Nasapo ko ang aking mukha. Pinag-alala ko pala si Ninong K. Sorry, Ninong Kalix! kung naging pasaway ako sa yo. " Talaga?” “ Pinag-uusapan niyo ba ako?” Ma-awtoridad na tanong nito sa aming dalawa ni Patrick, nadatnan niya kasi akong nakangisi. Abot ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa ming dalawa ni Patrick at naalala ko ang rules niya, iyon ay wag ngumiti sa sinumang lalaki. “ You should obey my rules!" Mahinang bulong nito sa aking tenga nang makalabas kami ng hospital. Inalalayan niya akong pumasok sa loob ng kotse niya. “ Salamat, Ninong!” Pasalamat ko kay Ninong Kalix. Agad kong ikinabit ang seatbelt ko. Nakatulog ako sa buong biyahe. Nang magising ako ay nasa loob na ako ng kwarto ko. Ano 'to magic? Nasa kotse lang ako kanina ah? Nagsleep-walk kaya ako? Tinampal-tampal ko ang aking sarili. “ Syrel!” Boses iyon ni Ninong Kalix ah? Wait? Ay jusme! Nasa tabi ko pa pala siya. “ N-ninong Kalix, a-anong ginagawa mo dito?” Nauutal kong tanong sa kaniya. Nakapikit pa rin ang mga mata niya sa mga sandaling ito. Tatayo na sana ako nang hilahin niya ako pabalik kaya't naupuan ko ang mukha niya. “ S-sorry, Ninong hindi ko po sinasadya,” nahihiyang sabi ko sa kaniya at agad na umalis. But he just smile at me. I let him sleep nalang sa kwarto ko. At t'saka di ko naman talaga pagmamay-ari ang kwartong ito siya ang may-ari ng mansyon na ito. Nakikitira lang ako sa mansyon. Tumayo ako at sabay siyang kinumutan. Napagpasyahan kong maligo upang gumaan ang pakiramdam ko. Fifteen minutes ay natapos na akong maligo. Kukuhanin ko na sana ang tuwalya ngunit nadulas ang mga paa ko kayat sumimplang ang pwet ko sa sahig. “ Aaaaaaaaaah!“ Daing ko sa sobrang sakit. Ang sakit ng balakang ko.“ Syrel? What happened to you?” Awtomatikong napatakbo si Ninong Kalix papasok sa loob ng banyo. Inalalayan niya akong makatayo. “ N-ninong,” nahihiyang sambit ko sabay na tinakpan ang aking sarili. Nakahubad kasi ako nang madatnan niya ako sa loob ng banyo. “Ngayon ka pa nahiya? I've already saw your naked body.” Sabi niya sabay na napalagok at agad na nag-iwas ng tingin sa akin. Kinuha niya ang tuwalyang nakasabit sa dingding at tinakpan niya ang katawan ko. So gentleman ng Ninong Kalix ko, but hindi ko parin maalis sa isip ko ang ginawa niyang paglalandi. Girlfriend niya kaya 'yon? Nagsiping kaya sila ng buong gabi? Aissh! “ What are you thinking?” Nabalik ako sa huwisyo nang muling magsalita si Ninong Kalix. Nagtaas-baba ang adam apples niya. “ N-nothing, Ninong uumm pwede po bang lumabas ka muna saglit, Ninong? Magbibihis lang po ako.” Nahihiyang sabi ko sa kaniya. “ Ooooh sorry,” Sagot niya at sabay na inayos ang kaniyang sarili. Dali-dali siyang lumabas ng aking kwarto. Kinabukasan ay maaga akong nagising at agad kong hinanda ang aking sarili, absent pa naman ako ng ilang araw. Hinatid ako ni Patrick sa university..Wala na kasi si Ninong Kalix nang magising ako. Ang sabi ni Manang ay maaga daw itong umalis dahil may kikitain daw itong importanteng tao. Pagdating ko sa unibersidad ay pinagtitinginan na naman ako ng mga estudyante. " Miss Beltran proceed to the dean's office!” Ano kayang sadya ni Dean sa kin at pinapunta niya ako sa opisina niya? Habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Dean ay may nerdy akong nabangga. Tumilapon ang bitbit niyang libro kaya't tinulungan ko siyang pulutin ito.Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ito, at iyon ay walang iba kundi ang childhood bestfriend kong si Anya. Anong ginagawa niya dito? Wait? Parang kamukha siya 'nung babaeng kasama ni Ninong 'nung gabing iyon. Iyong pumulupot sa braso ni Ninong. Siya kaya ang nobya ni Ninong Kalix o di kaya asawa? Jusme! Magiging karibal ko pala ang aking bestfriend na si Anya. “ Anya?“ Inayos niya ang kaniyang salamin. “ Syrel? Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong niya sa akin. “ Ikaw ba iyong transferee student from Cebu Province? Oh my god! I can't believe na ikaw pala ang tinutukoy ng lahat. How are you na? Working student kaba dito sa maynila? “ " Nope! Nakatira ako sa Ninong ko. How about you?” “ Ah, natagpuan ko na kasi si Kuya. Naging working student din ako dati ngunit nang magkita kami ulit ni kuya ay naging buhay prinsesa na ako.” Naol nalang ba uy! “ Hanggang ngayon nerdy ka pala. Bakit di mo baguhin ang style mo?” Tanong ko sa kaniya. “ Did she know her?” “ May lumalapit pala sa nerdy na iyan!” Grabe naman sila makapagsalita kay Anya. Wala namang ginawang masama si Anya sa kanila ah? Malapitan nga! “ Hoy! Mga inggrata, sinong nagbigay sa inyo ng permiso para pagsalitaan niyo ng ganiyan ang bestfriend ko?” Galit kong sabi sa tatlong babae. “ Bakit sino kaba ha? Transferee kalang dito. Wag kang umastang entitled!” Aba ayos ah? Di porket transferee lang ako dito, magpapaapi na ako, no way! “ Hayaan mona sila, Sy.“ Awat ni Anya sa akin “ No! Wala silang karapatan para pagsalitaan ka ng di maganda.“ Giit ko pa sa kaniya kaya't walang nagawa si Anya. “ Tapang-tapangan?“ Taas kilay na tanong sa akin 'nung isa sa mga babae. At pinalibutan nga nila ako. Aba! Ito ang gusto ko, ang makipagbasagan ng mukha. Sasampalin na sana ako ng isang babae ngunit nasalo ko ang kamay niya. “ Stop it, guys! Wag niyong pagtulungan si Syrel!“ sigaw ni Anya “ Don't worry, beshie sisiw lang sa akin ang tatlong ito.” Sambit ko pa kay Anya. Pinalibutan kami ng mga estudyante sa mga sandaling ito. Iyong iba ay kinukuhaan kami ng video at iyong iba ay tila nagpupustahan pa. Ginawa ba naman kaming sabungan ng manok! “ Don't you dare touch my face!” Itinulak ko iyong isang babae kaya't napaupo ito sa sahig. “ Aaaaaaaah! You'll pay for it!” galit na sigaw nito sa akin at inalalayan naman siyang makatayo ng dalawa nyang kasama. “ Anong kaguluhan ito?” Lahat kami ay napalingon nang may nagsalita. Anong ginagawa ni Ninong Kalix dito? Sunod-sunod ang paglunok ko ng laway nang makita ko nang sinamaan ako ng tingin ni Ninong Kalix. “ Hindi ba't pinapatawag ka sa Dean Office? what the hell are you doin here?“ “ At kayong tatlo, kapag nangyari ito ulit. Awtomatically ko kayong tatanggalin sa eskwelahang ito!“ Sambit ni Ninong sabay turo sa tatlo. “ And you Syrel! Sumunod ka sa akin ngayon din!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD