Syrel's POV
“ Ninong!“ Tawag ko kay Ninong nang makababa ako ng kotse. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap.
Kung nakakaadik ang droga mas nakakaadik ang amoy ni Ninong K. “ Kumusta ang una mong klase?”Pangumusta nito sa akin.
Mas lalong naging concern si Ninong K sa akin simula 'nung may nangyari sa aming dalawa. Paulit-ulit na naman iyon, ginagawa. Di naman siguro bawal ang ginagawa namin, dahil wala naman siyang asawa o girlfriend. Si Ninong K lamang nakatira sa napakalaking mansyon siya maliban sa mga katulong niya. Minsan nga ay natatakot ako sa tuwing naglilibot ako sa buong mansyon. “ Okay lang naman po, Ninong.” Nakangiting sagot ko sa kaniya.
Inakbayan niya ako papasok sa loob ng mansyon. “ Manang, ipaghanda niyo ng snacks ang maam Syrel niyo!” Ma-awtoridad na utos ni Ninong K sa mga katulong niya na nasa kusina habang abala ang mga ito sa kanya-kaniya nilang gawain dito sa bahay.
“ Opo sir,”
Agad kong hinawi ang kamay ni Ninong K sa aking balikat at agad akong nagpaalam sa kaniya." Akyat muna ako sa kwarto ko, Ninong K nang sa ganoon ay makapagshower ako.”Paalam ko sa kaniya.
“ O sige, Sy. Ipapatawag nalang kita mamaya. May aasikasuhin din ako sa opisina ko.“ Sagot niya naman sa akin at ngumiti ako sa kaniya. May sariling opisina si Ninong Kalix sa loob ng kaniyang mansyon at nasa 3rd floor iyon. Nasa limang palapag ang bahay ni Ninong K sa sobrang laki nito at may elevator din ito ngunit mas gusto ko sa hagdan kasi nakikita ko ang iba't-ibang klase mamahaling pigurin. Kung tutuusin kulang pa ang buhay ko sa presyo ng bawat pigurin na nakapalibot sa kaniyang mansyon. “ Balang araw maibigay ko rin ang buhay na ganito sa pamilya ko.” Mahinang bulong ko sa aking sarili.
Pagpasok ko sa loob ng aking kwarto ay agad kong inilapag sa sopa ang bag ko at sabay na naghubad ng uniporme. Dumiretso ako ng banyo pagkatapos.
Maya-maya ay kumatok si Manang Lucy sa labas ng kwarto ko. " Maam Sy! Handa napo ang iyong snacks!" tawag nito sa akin. Itinali ko muna ang aking buhok bago ko ito pinagbuksan ng pinto. “ Akina po iyan, Manang Lucy, at magsnacks rin po kayo.“
" Di na po kailangan, Maam Sy. Bawal po iyan dito, amo po namin kayo at bawal kaming sumabay sa amo namin.” Sagot nito sa akin
Ganito pala ang patakaran ni Ninong sa mansyon niya. Kung ganun ay espesyal guest pala ako dito kasi kung tratuhin nila ako parang senyorita eh. Kung magkakaroon ng pamilya ni Ninong, ang swerte ng magiging asawa at ang mga anak niya. Para silang nasa fairytale, buhay reyna ang asawa niya samantalang buhay prinsesa't prinsipe ang kanilang mga anak. Hay! Sa libro ko lang talaga na-eencounter ang mala-fairytale na buhay na iyan.
Kinain ko ang ihinanda nilang snacks sa akin. Isang platong cookies at isang basong gatas. Ngayon lang ulit ako nakainom ng gatas simula 'nung bata ako. Ilang cartoon din ang binili ni Ninong K at iyon ay para lamang sa akin. Mahigpit niya akong pinagbawalang uminom ng kape o di kaya t'saa kasi di daw ito nakakabuti sa matres ko ay este sa kalusugan ko pala. Nakangiti akong nakatingala sa kisame ng kwarto ko habang na kumakain ng cookies.
Kinikilig ako sa simpleng galawan ni Ninong Kalix at mas lalong kinikilig ang kepyas ko nang muli kong maalala ang unang gabi namin ni Ninong K. Murag mabubuang ako nito ng maaga ba! Abs palang ni Tito, daig ang lechon mapapamukbang ka talaga hanggang magdamay sa abs niya.
Pagsapit ng alas siyete ng gabi, di ko na muling nakita pa si Ninong K, di ko alam kung ano itong nararamdaman ko tila namimis ko na siya. Napagpasyahan kong bumaba at nakasalubong ko Manang Karing. “ Gutom kana ba?" Tanong nito sa akin ngunit umiling lamang ako sa kaniya.
Hinanap ng mga mata ko si Ninong K. “ Umalis saglit si Sir Kalix may kikitain siyang kliyente. Sa pagkakaalam ko, babae iyong kliyente niya from states.” Sambit nito at tila nag-iisip pa
Nang marinig ko ito, parang piniga ang puso ko. Ano ba itong naramdaman ko? Ngayon lang ako nagkakaganito? Di kaya may sakit ako sa puso? Wag naman sana oy! Napahawak ako sa aking bibig na agad namang napansin ni Manang Karing.
" Maam Sy? Okay kalang po ba?” Nag-alalang tanong ni Manang Karing sa akin. Tumango ako sa kaniya kahit ang totoo ay di ako okay.
“ O sige, maiwan na ho kita. May tatapusin lang po ako sa kusina.” Paalam nito sa akin at pilit akong ngumiti sa akin upang maipakita na okay lang ako.
Makaginhawa pa bitaw ko, payts lang! “ Dahan-dahan akong naglakad papunta sa sopa at agad na umupo dito. Maya-maya ay nagring ang phone ko na nasa loob ng gilid ng panty ko, kinuha ko ito at sabay na tinignan kung sino ang tumawag. Wala pa naman ako sa mood sa mga oras na ito. “ Aguy! Videocall man diay ni ba!
Si Ninong K. Sasagutin ko ba? Medyo nagtatampo rin kasi ako sa kaniya. Tinap ko ang answer button.
“ Bago ka matulog, don't forget to drink your milk okay? Di ako makakauwi ngayon.”Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Kung di siya uuwi ngayon, saan siya matutulog?
Mas lalong napakunot ang noo ko nang babaeng lumapit at agad na kumapit sa kaniyang braso. Sa suot palang nito ay halos kita na ang kaluluwa nito, kinulang ito sa tela. Kung makakapit ang impakta sa braso ng Ninong Kalix ko daig niya pa ang linta.
Umusok ang ilong ko sa inis sa gabing ito. Kaya pala hindi siya uuwi kasi may kasama pala siyang ibang babae. “ I'll see you tomor-----” hindi na nito natapos ang kaniyang sasabihin nang p*****n ko ito ng videocall.
** toooot*
Padabog kong ibalik sa gilid ng panty ko ang aking selpon at padabog na umakyat ng kwarto ko. Nawalan ako ng ganang kumain sa mga nakita ko. Tssk. Feeling entitled iyong babaeng kasama niya, feeling pa ito maganda. Tsssk. Mas maganda pa sa kaniya ang paa ko.
Ilang beses akong tinawag ni Manang Lucy ngunit di ko siya sinagot at pinagbuksan ng pinto. Wala akong ganang makipag-usap ngayon o di kaya kumain. Paulit-ulit akong napabuntong hininga habang nakatingala sa mga bituin. Nandito ako ngayon sa balkonahe. At biglang bumuhos ang ulan.
Kasabay nun ay ang pagtulo ng aking luha. Di ko alam kung bakit nasasaktan ako sa nakita ko. Ngayon lang ako nagkakaganito sa tanang buhay ko.
Ilang minuto din akong namalagi sa labas ng balkonahe.
****
Paggising ko ay sobrang sakit ng ulo ko, tila binibiyak ito sa sobrang sakit. At nang subukan kong tumayo ay naging 360 degree ang paningin ko kaya't mariin akong napahawak sa gilid ng kama ko.
Hanggang sa unti-unti akong nawalan ng malay sa sobrang sakit ng ulo ko.
Third Person's POV
Sa sobrang sakit ng ulo ni Syrel ay nawalan ito ng malay. Nireport ni Manang Lucy ang bawat pagtanggi sa kanila ng dalaga sa kanilang among si Kalix kaya't nang malaman ito ng Ninong Kalix niya ay dali-dali itong umuwi ng mansyon.
Halos paliparin niya ang kaniyang kotse pauwi ng mansyon. Alalang-alala siya sa kaniyang inaanak na si Syrel. Pagdating nito sa kanyang mansyon ay kumaripas ito ng takbo papasok sa loob at agad na umakyat sa kwarto ng inaanak. Tatlong beses siyang kumatok sa labas ng kwarto nito ngunit hindi siya nito sinagot at pinagbuksan kaya't natataranta na si Kalix.
“ Manang, iyong susi ng kwarto ni Syrel!" Natatarantang utos niya sa kaniyang kasambahay na si Manang Lucy. “ Manang, dalian mo!“
“ Ito na po, Sir.”
Dali-daling binuksan ni Kalix ang pinto ng kwarto ng kanyang inaanak at nadatnan niya itong nakabulagta sa sahig. Kaya't awtomatiko siyang napatakbo patungo sa dalaga at agad niya itong binuhat palabas ng kwarto. Kaniya itong ginising ngunit umungol lamang ito. Idinampi nito ang kaniyang palad sa noo ng dalaga. “ Diyos ko! ang taas ng lagnat niya!" Natatarantang sambit nito.
“ Patrick pakihanda ang kotse ko, dadalhin natin sa hospital si Syrel!”
Awtomatikong sinunod ni Patrick ang utos nito. Nag-alala rin ang mga naiwang kasambahay sa mansyon nang makita ang dalaga habang walang malay.