Syrel's POV
Habang nasa dining table kaming dalawa ni Ninong Kalix, bigla siyang nagsalita. Kinabahan ako sa mga sandaling ito. “ I've already enrolled you in MSU (Magallanes State University) At t'saka pasasamahan kita kay Manang Lucy mamaya upang makabili ng school supplies at iba pang kailangan mo sa pag-aaral. Bayad na rin ang tuition mo sa loob ng apat na taon.” Nabigla ako sa sinabi ni Ninong Kalix.
“Thank you so much, Ninong Kalix.” Tatayo na sana ako upang yakapin siya ngunit pinigilan niya ako.
“Balik sa pag-upo!” ma-awtoridad niyang sambit sa akin kaya't kamot-ulo akong bumalik sa pag-upo.
“ May rules ako at kailangan mo iyong sundin.” Nabigla naman ako. May rules siya?
“ Ano po ang mga iyon, Ninong?”
“ Una, bawal kang gumala kahit saan without my permission at makipagkaibigan sa mga lalaki. Pangalawa, uuwi ka ng maaga pagkatapos ng klase mo deretso uwi. Pangatlo bawal kang magpaligaw ng kahit sino nang walang permiso galing sa akin. Pang-apat bawal kang ngumiti sa kahit sinong boys o di kaya lumipat at panghuli bawal kang umibig sa iba.” Napalagok naman ako ng laway. Ang daming ipinagbabawal ni Ninong Kalix, one of the boys pa naman ako. Paano na ito?
Mapipilitan akong makipagkaibigan nito ng mga babae eh. “ Understood?” Kunot-noong tanong niya at tumango naman ako sa kaniya bilang tugon.
Bahala na si Batman sa akin. “ You have your own buttler, ang tagasundo at tagahatid mo kapag wala ako.” Dagdag niya pa. Di pa pala siya tapos.
Pagkatapos naming nag-agahan ay agad akong nagbihis. Bibili ako ng kakailanganin ko sa eskwelahan. First year student ako sa kolehiyo sa kursong BSBA- Management. Kasama ko si Manang Lucy at may personal driver ako at iyon ang buttler kong si Patrick. May nakakabit na wireless bluetooth sa tenga niya at konektado ito sa kaniyang bibig.
Nang makarating kami sa Mall ay agad kong binili ang lahat ng kakailangan ko at naiwan sa kotse ang buttler kong si Patrick. “ Ikaw, Manang may gusto kabang bilhin?” Seryosong tanong ko sa kaniya ngunit umiling-iling lamang ito sa akin.
“ Wala na, Ma'am Sy ako na po anh magdala ng mga iyan.” Sagot nito at sabay na kinuha sa akin ang dalawang paperbags na may lamang school supplies.
“ Salamat, Manang Lucy. Nagugutom ka po ba?”
“Busog pa ako, Maam Sy. Salamat nalang po."
Habang pababa kami ng hagdan may tinulungan akong lalaki dahil muntik siyang mahulog sa escalator nang muntik na umusog iyong katabi niya. Mabuti na lamang ay agad ko siyang nahawakan kundi sa baba siya pupulutin. Medyo maatas pa naman. Nasa 3rd floor kasi kami at pababa kami ng second floor. “ Okay kalang?” Nag-alalang tanong ko sa kaniya at nanginginig siyang tumango sa akin.
“O-okay lang ako, Maam. Maraming salamat po utang ko po sayo ang pangalawang buhay ko.” Sagot nito sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya.
Paglabas namin ng mall ay nagulat ako nang makita ko si Ninong Kalix. “ Sinuway mo ang rules ko.” Ma-awtoridad nitong bungad sa akin kaya't naalala ko ang ginawa ko sa lalaki don sa escalator. “ S-sorry po, Ninong muntikan na..po kasi siyang mahulog.” Rason ko pa sa kaniya..
“No more excuses, Sy. I saw it.” Napatikhim na lamang ako at agad na pumasok sa loob ng kotse.
“ Kinakausap pa kita, Syrel Mae Beltran!”
Inilagay ko sa magkabilang tenga ko ang aking headset at nagpatugtog. Bahagya kong ipinikit ang aking mga mata. Nagulat ako nang biglang may humalik sa labi ko kaya't awtomatiko kong naidilat ang aking mga mata. “ N-ninong Kalix?” Agad akong napabalikwas, at agad na nagpalinga-linga sa paligid.
Nakauwi na pala kami. “ Why did you kiss me, Ninong?” Dagdag kong tanong sa kaniya.
“ Because I owned everything about you.” Tanging sagot niya sa akin at sabay niyang hinawi ang buhok ko at iginilid ito sa tenga ko. Owned? As in pagmamay-ari niya ako? Hala uy!
At muli niyang sinunggaban ng halik ang labi ko. “ Remember, sinuway mo ang rules ko kaya't you have punishment from me.” Bulong nito sa tenga ko.
Hindi na ako nagsalita pa, nauna siyang lumabas sa akin. Nawei-weirduhan ako sa mga ikinikilos at pinagsasabi ni Ninong K. Pagsapit ng gabi ay muli niya akong ginapang ngunit itinali niya ang kamay't paa ko. “ Ninong? Bakit ako nakatali?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.
“ It's your punishment, Sy.”
Di na ako kumontra pa sa kaniya. Hinayaan ko na siyang gawin ang gusto niya sa akin. Nakailang rounds rin kaming dalawa at halos wala na akong lakas. “ Good morning baby.“ Bati niya sa akin at sabay na hinalikan ang noo ko.
Paglingon ko sa may gilid ng kama ko ay may nakapatong na isang tray na may lamang pagkain at isang tubig. “ Take your breakfast, baby at maligo kana rin upang di ka malate sa klase mo.” Mahigpit nitong bilin sa akin.
Agad rin siyang lumabas ng kwarto ko. Dali-dali akong kumaripas ng takbo papunta sa banyo nang mapagtanto kong tanghali na pala it's already seven thirty at alas otso ang first class ko.
Kahit unang klase ko ngayong araw na ito. Responsibility kong gawin ang nararapat bilang estudyante. At dahil late na nga ako, di na ako kumain, nilagay ko nalang ito sa plastik at nilagay ko ito sa aking bag..
Nang makalabas ako ng kwarto ay wala na si Ninong Kalix, nakaduty na rin siya sa opisina niya. At nakapamulsang nakaabang sa akin si Patrick ang buttler ko. “ Good morning, Ma'am Sy.” Nakangiting bati nito sa akin, tumango lamang ako sa kaniya dahil bawal akong ngumiti sa mga lalaki.
Magiging nonchalant ako nang wala sa oras nito. Agad niya akong pinagbuksan ng pinto at pinaandar niya na rin ang kotse papuntang university. Muntik pa akong masarhan ng gate mabuti na lamang ay napigilan ito ni Patrick. “ Hija? Estudyante kaba dito?” Seryosong tanong sa akin ng gwardiya at tumango lamang ako sa kaniya kaya't pinagbuksan niya ako ng gate. Umalis na rin ang buttler ko.
“ Bagong estudyante kaba dito, hija?“ Tanong nito sa akin at tanging pagtango ang itinugon ko sa kaniya. Wala na talaga akong oras para makipagchikahan sa kaniya. Kaagad kong hinanap ang BSBA-Management Building at dahil maraming pasikot-sikot mas lalo akong nalate sa aking klase. Mabuti nalang may lumapit sa aking babae. “ Naliligaw kaba?“ Tanong nito sa akin.
“ Oo, eh. Saan ba ang BSBA Building?“ tanong ko naman sa kaniya.
“ Bago kaba?“ muling tanong niya.
“ Pareho pala tayo kahapon lang din ako naenroll dito. Ako nga pala si Joanna, ikaw anong pangalan mo?”
“ Syrel.“ Maikling sagot ko sa kaniya.
" Oo nga pala, Sy. Maling building itong napuntahan mo. Nasa ikatlong building ang BSBA, lagpas kana criminology kasi kurso ko.” Napahilamos ako ng aking mukha sa sinabi niya.
"Nice meeting you again, Joanna. Thank you at maiwan na kita.” Paalam ko sa kaniya at muling kumaripas ng takbo..Kanina pa ako naiilang sa mga titig ng mga estudyante sa MSU ngunit di ko ito pinapansin. Pagdating ko sa BSBA Building ay nagsilabasan na ang mga classmates ko.
Ang lalagkit ng mga titig nito sa akin at iyong iba ay nagbubulungan.“ Ikaw ba ang bagong student dito?“ tanong ng isang babae na medyo may edad na. Professor ko ata ito. “ Sino siya?”
“ Siya ba ang bagong estudyante dito sa MSU?“
“ Kakaiba ang karisma niya.”
“Mas maganda pa nga siya kay Quin.”
Sino naman iyong Quin na iyon? Nah ayoko sa mga petition na iyan. Hindi ako nag-aaral upang magkaroon ng katunggali sa anumang bagay, nag-aaaral ako upang mabigyan ko ng magandang buhay ang sarili at pamilya na naghihintay sa akin sa probinsiya. “ Yes po. Pasensya na po at nahuli ako sa klase mo.”
“ Wala iyon, hija. Sa susunod, medyo agahan mo nalang okay? Para naman makaabot ka sa klase ko. May next class kapa, right?”
“ Samahan na kita kay Prof. Brianna nang sa ganun ay di kana maligaw. “ Napangiti naman ako sa kaniya.
Sinamahan nga niya ako sa pangalawang subject ko. At nang makarating kami ay naglingunan ang mga estudyante. “ Eyes on the board!”
“ Excuse me, Prof. Briannah. Siya ang bagong estudyante mo. O sige hija, pumasok kana sa loob.“
Nahihiya akong naglakad papasok sa loob at agad na naghanap ng pwedeng mauupuan. Napangiti ako nang makita kong walang nakaupo sa pinakadulong parte na malapit sa may bintana ngunit habang naglalakad ako ay bigla akong nadapa sa sahig nang biglang may pumatid sa akin..Pinagtatawanan ako ng mga estudyante. Agad din itong tumayo at sabay na pinagpag ang uniporme ko. “ Stop laughing! Hindi nakakatawa ang ginawa mo, Miss Tuazon!” Pinagtaasan lamang ako ng kilay ng babaeng pumatid sa akin.
“ Apologize to her.”
“ No way!”
" Di na po kailangan, Professor Briannah. Okay lang po ako.” Sambit ko pa.
“ Okay, have a seat at magpakilala ka sa amin!”
" Ako si Syrel Mae Beltran 18 years old from Cebu.” Maikling pakilala ko sa kanila.
“ Okay thank you, Miss Beltran. Please take your seat!"
Binalewala ko ang paninitig ng mga kaklase ko sa akin. Baka kasi may mata si Ninong Kalix dito at maparusahan pa ako. Buong maghapon akong naging nonchalant. Pagkalabas ko ng gate ay nakaabang na sa akin si Patrick..Agad niya akong pinagbuksan ng kotse.