Chapter 2

3229 Words
CHAPTER 2   Charlotte's Pov: Sabado ngayon at nandito lang ako sa bahay. Dahil sa wala si Manang Josie, ako na ang kumilos para maglinis ng buong kabahayan. Two days ko ring tinapos ang mga gawain dito at pakiramdam ko’y isa na akong certified housewife. Ako rin ang naga-asikaso ng pagkain naming dalawa. Maya’t-maya rin sa pagbibigay ng utos sa akin si Clark na akala mo ay isa ako sa mga personal maids n’ya. I’m surprised to see him here for two days. Hindi s’ya lumalabas ng bahay. At dahil nga sa nangyayari ay nararamdaman ko na ang pagod samantalang s’ya ay hindi man lang nag-atubiling tumulong sa akin. Sigurado akong maaga akong makakatulog mamaya. "Aw! Ang sakit na ng katawan ko! Bwisit na lalaking ‘yon! Hindi man lang talaga s’ya kumikilos para tumulong sa paglilinis kahit itong pagva-vacuum man lang ng sahig,” naiinis na bulong ko sa sarili habang hinihilot-hilot ang balikat ko. Nasa harapan ako ng pintuan ng malaking closet dito may kusina kung saan itinatabi ni Manang Josie ang mga gamit sa paglilinis. Itinaas ko ang mga braso ko at nag-stretch at likod. Dinig ko ang malakas na paglagutok ng mga buto ko. Grabe ang physical activity ko kahapon at ngayon! Binuksan ko ang closet at kinuha ang vacuum cleaner sa loob at extension wire na nakasabit naman sa pinto ng closet saka ko isinara iyon at bumalik sa salas. Dinukot ko ang cellphone ko at iniwan ko sa ibabaw ng island ng kitchen counter. Nag-set up na ako para makapagsimula sa pagva-vacuum samantalang si Clark naman ay tutok na tutok sa panonood ng NBA sa TV na mukhang hindi man lang n’ya nararamdaman or naririnig ang pagiingay na ginagawa ko. “Tsk! Napakatamad. Hindi man lang ako tulungan,” naiiritang bulong ko sa sarili. Nagsimula na akong mag-vacuum. Maingay talaga iyon pero si Clark ay hindi man lang natitinag. Patuloy s’ya sa panonood ng TV. “Hmp! Talaga lang ha. Makatagal ka kaya sa ingay ng vacuum?” bulong ko at umismid pa ako sa naiisip. Sumisipol pa ako habang nagva-vacuum sa sala. Napasadahan ko na ang  mahigit three-fourths ng sala at tanging sa may pwesto na lang ng TV at ng sofa kung saan nakahiga si Clark ang hindi ko nalilinis. Mukha na s’yang couch potato sa lagay na iyon. Amazing lang at maganda pa rin ang pangangatawan n’ya. Nagpatuloy ako sa pagva-vacuum hanggang sa narating ko ang harapan ng TV. Sumisipol pa rin ako nang bigla na lang akong sinigawan ni Clark. "Hoy! Ano ba? Umalis ka nga sa harapan ng TV! Ang laki mong harang!” naiiritang bulyaw n’ya sakin. Nagulat man ako ay ipinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa. "Teka lang po Sir, nakakahiya naman po sa inyo at nanunuod lang kayo nang TV buong araw," sarkastiko kong sagot sa kanya. Lumingon ako sa kanya at ikinunot ang noo ko. “Bwisit na ‘to.” Tumingala ako at saglit na pumikit habang hawak ang handle ng vacuum. “Mahabagin sa itaas, patawarin mo po ako sa magagawa ko sa lalaking ito,” mahinang usal ko pa saka yumuko at itinuloy ang pagva-vacuum. Bigla itong umupo at ipinatong ang remote sa coffee table. “Nagrereklamo ka na?” pagbabanta n’ya at pinagkrus ang mga braso n’ya sa dibdib. “Hindi. Sabi ko nga, aalis na ako rito,” sagot ko sa kanya. Hindi ko na naisip pang patulan si Clark dahil siguradong mauuwi talaga itong bangayan naming sa tunay na away at ayoko kong mangyari ‘yon. Nai-stress na nga ako makisama sa lalaking ito, dadagdagan ko pa ba? Minadali ko na lang ang pagva-vacuum sa pwesto ng TV at sofa. Hindi na rin muling nagsalita si Clark. Marahil ay nakita rin n’ya na marumi nga ang sahig. “Sa wakas, nakatapos na rin ako!” sigaw ko nang matapos ko ang pagva-vacuum. Ibinalik ko ang vacuum at extension wire sa loob ng closet sa kusina at lumapit sa island counter saka isinalampak ang sarili ko sa upuan. I sprawled my upper body on top of the island counter. Ilang minuto rin ako sa pwestong iyon bago ko naisipang bumangon upang magbanyo. “Ano bang masarap na meryenda?” pagtatanong ko. Katatapos ko lang sa banyo at naghuhugas ng kamay. “Ah! Mag-bake kaya ako ng chocolate chiffon cake?” dagdag ko saka pinihit para maisara ang gripo at kinuha ang apron na nakasabit sa pader saka inilabas ang mga gagamitin. Inihanda ko na rin ang mga ingredients at saka sinimulan ang pagba-bake. Halos dalawang oras din ako sa kusina. Habang nakasalang ito sa oven ay sinimulan ko na muli ang pagliligpit at paglilinis ng mga ginamit ko. Unti-unti ay naaamoy ko na rin ang nakakagutom na aroma ng cake. At nang tumunog na ang oven, hudyat na tapos na ito sa pagluluto, lalo pa akong nasabik na kumain. Nagtimpla na rin ako ng kape para i-partner sa cake. Tuwang-tuwa ako habang nilalagyan ko ng palaman ang cake at maging sa paglalagay ng frosting, kahit pa sabihing dito lang ito kakainin sa bahay ay mas ginusto ko pa ring pagandahin ang paglalagay ng disenyo sa cake. Worth it naman kasi, katulad ng paparating kong pagtatapos sa kolehiyo. Mahirap, ngunit sulit na sulit sa huli. “Ayan! Perfect!” pumalakpak pa ako pagkatapos ilagay ang shaved dark chocolates as toppings sa cake. “Ang ganda tingnan! Wait, let me take a photo! Bago ka man lang mapunta sa tyan ko, dapat nakuhanan muna kita ng picture,” dagdag ko pa habang inaabot ang cellphone. Matapos iyon ay kumuha ako ng dalawang dessert plate at fork sa cabinet. Bibigyan ko rin ang asungot na iyon. Nasa salas pa rin s’ya at busy sa panonood ng TV. Ibinulsa ko ang cellphone ko at binuhat ang tray. Dala-dala ang tray ng meryenda, lumabas na ako ng kusina. Tinawag ko si Clark. "Magmeryenda ka muna Clark, gumawa ako ng cake and coffee,” paga-alok ko sa kanya. Ibinaba ko ang tray sa coffee table saka umupo sa single seat sofa at nakangiting napatingin sa kanya. Pero para yatang nakikipag-usap ako sa pader. Hindi ako sinasagot ni Clark o kahit man lang tingnan. "Di ka ba kakain?" I asked him pero wala pa rin. Tutok na tutok si Clark sa TV. Napatingin na rin ako sa pinanonood nya. Walang anu-ano’y bigla na lang s’yang tumayo at pinatay ang TV. Nagulat ako sa inasal n’ya. Ayos lang naman sa akin ‘yon dahil hindi ko rin naman gusto ang pinapanood n’ya. Nilingon ko s’ya at muling tinanong. “Di ka ba talaga magme-meryenda?” Naglakad patungo sa hagdan si Clark. Tumigil s’ya saglit at lumingon sa akin. “Wala akong plano na ma-food poisoning,” pangiinis n’ya at saka nagtuloy paakyat sa kanyang kwarto na nasa ikalawang palapag din ng bahay. Napanganga lang ako sa sinabi n’ya saka ikinuyom ang kamao ko. “What? Sana pala hindi na lang kita inalok kung ganyan din lang ang sasabihin mo. Napakagaspang talaga ng ugali mo!” panggigigil ko sa kanya. “Kung ayaw mo, di wag!” dagdag ko pa. Dinala ko muli sa kusina ang inihanda kong tray ng meryenda para sa kanya at inilagay iyon sa refrigerator katabi ng natirang cake. Ang plato na pinaglagyan ko naman ng kinain ko at ang tasa ng naubos na kape ay dinala ko na sa lababo para hugasan. Padabog kong hinuhugasan ang mga iyon. Di ko mapigilang mainis kay Clark. Hindi ko na alam kung saan ko pa huhugutin ang pagpapasensya ko sa ugali n’ya. Nang matapos ko iyon ay nagtuyo na ako ng kamay saka ibinulsa ang cellphone at nagtungo na rin sa kwarto ko. “Kung magutom ka man, bahala ka sa buhay mo!” bahagya ang kahinaan ng boses ko nang nilingon ko ang direksyon patungo sa kwarto n’ya. Pinandilatan ko pa iyon bago tuluyang pumasok sa kwarto ko. Naupo ako sa gilid ng kama. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at ipinatong sa bedside table. Naiinis pa rin ako sa nangyari pero kailangan kong masanay sa kanya. Sana lang talaga karmahin s’ya at magbago na ang ugali n’ya. Tumayo na rin ako pagkatapos at nagtungo sa sarili kong banyo para maligo. “Ito ang sagot sa lahat ng stress na nangyari ngayong araw!” sigaw ko pa. Inasikaso ko na ang paliligo. May isang oras din ako sa banyo. “Ah… ang sarap sa feeling kapag fresh ka,” pagkakausap ko sa sarili habang tinutuyo ang buhok. Naka-bathrobe ako at umupo sa harap ng salamin at kinuha ang hair dryer. Matapos iyon ay saka ako nagbihis ng pangbahay na damit at humilata sa kama. Pagod na pagod ako ngayong araw. Ilang saglit pa’y naradaman ko na ang pagdalaw ng antok at di nagtagal, tuluyan akong nakatulog. Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. “Sino ba ‘tong tumatawag?” naiiritang wika ko. Pilit kong iminulat ang isang mata para basahin ang caller ID. Si Jasmin. Sinagot ko na ang tawag n’ya. "Hello, Jas?" pagbati ko. Halatang-halata sa boses ko na nakatulog ako. "Hi, Beshy! Tapos mo na ba ang limang case studies? Bukas na ang submission ng papers,” bungad ni Jas. Agad akong napabalikwas ng bangon. “s**t! Seryoso ka ba?” gulat na gulat na pagtatanong ko kay Jas. Nanlaki ang mga mata ko. Kung bakit sa lahat ng pwede kong makalimutan, yung case study pa! Binuksan ko na rin ang bedside lamp. Ang dilim na sa kwarto ko at tanging ang ilaw ng lamp shade lang ang nagbibigay liwanag sa kabuuan niyon. Rinig ko sa kabilang linya ang pagtawa ni Jas. “Don’t tell me, Charlotte Jen De la Fuente, nakalimutan mong bukas na ang submission?” nanga-asar na wika n’ya. “Beshy! Tulungan mo ako, please? Lagot ako kay Ms. Agatha kapag late akong nag-submit ng papers!” pagmamakaawa ko kay Jas. "Oy, besh. Di pa rin ako tapos,” natatawang sabi n’ya. “Good luck na lang sayo. Hahaha! Huwag ka na lang pumasok bukas. Bleh!” pagpapatuloy pa ni Jas. “Nakakaasar ka! Friend ba talaga kita? Good bye na at hindi ko pa nasisimulan ang gyera!” sagot ko sa kanya. Rinig na rinig ko rin ang paghalakhak ni Jas sa kabilang linya. “Grabe ka! Humanda ka sa akin bukas Jasmin!” pagbabanta ko sa kanya. "Bye Beshy! Mwah! Wag ka na matulog. Hahaha! Bye!" huling sabi n’ya. Iyon lang at bigla n’ya akong binabaan ng telepono. I panicked. “Paano na ‘to? Wala pa akong natatapos doon kahit isa!” Napatingin ako sa digital wall clock. 07:34 PM. Dali-dali akong bumaba sa kama at binuksan ang ilaw sa kwarto saka tinakbo ang study table ng ma-realize kong matagal pala akong nakatulog. Nakakalat lang sa ibabaw niyon ang mga libro ko. Kinuha ko na rin ang laptop na nasa drawer ng table at binuksan iyon. Humihikab man ay hinanap ko ang file ng case study na gagawin ko. Saglit akong natigilan at saka napaisip sa mga gagawin. Wala na akong choice kundi pagpuyatan ang case study para matapos ko iyon at mai-submit bukas. Malaking kabawasan sa grades kapag na-late ang submission ko niyon. Itinigil ko muna ang paghahanap sa file at tumayo upang magbanyo. Kailangan kong gisingin ang sarili upang matapos ko kaagad ang limang case studies. Ang mga case studies na ibinibigay sa amin ay scenario-based at hango sa naging health status ng mga dating pasyente sa ospital ngunit hindi naman kinukuha ang lahat ng personal na detalye nila so hindi namin kilala kung sino-sino sila. At lahat ng mga ginagamit na relevant information para sa case study ay naka-summary na. Kailangan lang naming gawin ay pag-aralan ito at magsulat ng kumpleto at detalyadong report at nursing care plan para rito. Kaya lang, ang isa sa nakakapagpagulo sa tuwing may ipinapagawang case study ay ang pagsisingit ng mga professors ng mga pampalitong sitwasyon kaya kailangan naming maging mapanuri at masanay na magprioritize. Lumabas na ako ng banyo. Naisipan kong magtimpla ng kape para magising habang ginagawa ko ang case studies ko. Naalala ko rin na may tira pang cake sa refrigerator. Kinuha ko ang isang silk robe sa closet ko at ibinalabal iyon sa aking katawan saka ako lumabas ng kwarot at nagtungo sa kusina. May kadiliman ang buong kabahayan. Kinapa ko ang pader para hanapin ang switch ng ilaw sa hagdanan at binuksan iyon. Binuksan ko lang ang dalawang floor lamp sa salas at nagtungo na sa kusina para kumuha ng cake at inuming tubig kahit pa may pagkain na kami para sa hapunan. “Hmm… Nasaan na ba yung isang sliced cake rito? Kinain ba ni Clark?” tanong ko sa sarili habang hinahanap ang cake slice na inialok ko kay Clark kanina sa loob ng refrigerator. “Napakaarteng lalaki, kakainin din naman pala. Ayaw, ayaw pa!” dagdag ko. Inilabas ko na lang ang natirang cake at kumuha ng bagong slice. Puno ang loob ng refrigerator pero nakita ko pa rin ang isang naka-glass tupperware na pagkain doon. “Iyon siguro ang pagkain ni Clark. Teka, nasaan nga ba ‘yon?” tanong ko muli sa sarili ko. “Ay! Ewan ko sa kanya, bahala s’ya sa buhay n’ya!” pahabol ko. Inilagay ko sa maliit na tray ang cake slice at maliit na tumbler na may tubig. Sinamahan ko na rin iyon ng ininit ko sa microwave na iba pang nakita kong pwede kong kainin mula sa refrigerator. Sa kwarto na lang ako kakain para matapos ako kaagad. It’s 01:56 AM and I’m not yet done with my case studies. Halfway through pa lang ako at nakakaramdam na naman ako ng antok. Tiningnan ko ang tray ng pagkain na inakyat ko kanina at nakita kong ubos ko na lahat ng pagkain na dinala ko rito sa kwarto maging ang tubig sa tumbler. “Makapagkape nga muna ng magising ako,” sambit ko saka ako nag-stretch ng likod at mga braso. Tumayo ako sa kinuupuan upang magpunta muli sa kusina bitbit ang tray ng hugasin. Habang nagtitimpla ng kape at narinig ko ang ingay ng pagsasara ng gate. “Huh? Si Clark ba ‘yon? Late na s’ya umuwi ah…” komento ko sabay tingin sa wall clock ng kitchen. Maya-maya pa’y narinig kong nagbukas ang pinto sa kusina na siyang ikinagulat ko at halos maitapon ko ang kapeng tinitimpla. Dali-dali akong kumuha ng basahan upang punasan ang kaunting kape na natapon sa kitchen counter. “Pambihira naman oh!” sambit ko habang nagpupunas. Alam kong narinig n’ya ako pero himalang wala man lang s’yang rebuttal sa sinabi ko. Napatingin ako sa gawi n’ya at nakita kong sumusuray si Clark papunta sa refrigerator. Pinanood ko s’ya habang kumukuha ng maiinom na tubig. “Saan kaya nanggaling ito at lasing?” pabulong na tanong ko sa sarili. Patuloy kong pinanood si Clark habang umiinom ng tubig at maging ako’y napalunok din sa nakikita. Sinundan ko ng tingin ang pagtaas-baba ng Adam’s Apple n’ya sa bawat paglunok at pakiramdam ko’y pinagpapawisan na ako. Bumalik ako sa huwisyo nang ibaba n’ya at halos mabasag ang baso sa ibabaw ng kitchen counter na malapit sa refrigerator. Iniwan lang n’ya iyon doon at saka tumingin sa akin. Hindi kami nagkibuang dalawa at pagkaraan ng ilang minuto ay umalis na ito sa kusina. Charlotte! Grabe ka! Umaariba na rin ang kalandian mo! Narinig ko ang mabibigat na yabag ni Clark sa hagdan na para bang kinakaladkad ang sarili dahil sa kalasingan. Samantalang ako nama’y hindi magkaugaga sa pagpapaypay sa sarili. Si Clark lang yata ang kilala kong Med student na nababalanse ang studies at social life. “Sana all matalinong tulad mo!” malakas na sabi ko. Hindi naman iyon umabot sa pandinig ni Clark dahil narinig ko na rin ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto n’ya. Bumlik ako sa aking kape at inubos na ito saka inilagay sa lababo. “Mamaya ko na lang kayo huhugasan, di pa ako tapos. Sasabak na muli ako sa laban!” dagdag ko pa habang tinutuyo ang kamay sa nakasabit na hand rug. Umalis na rin ako sa kusina at iniwan ko na lang na bukas ang kalahati ng mga recessed light bulbs. Alas-sais na ng umaga ng matapos ko ang case studies ko. Nai-print ko na rin ang copy. May klase pa ako ng alas-siete y media kaya naman nagmadali na ako sa pagaasikaso sa pagpasok sa school. Halos liparin ko papunta sa kusina para lang makapaghanda ng kakainin namin ni Clark para sa agahan. Nagluto na lang ako ng bacon, hotdogs and eggs at nagsaing sa rice cooker ng brown rice. Kumain na rin ako pagkatapos magluto. “Huwag kang choosy Clark sa breakfast mo mamayang paggising mo,” komento ko. Inayos ko na lamang ang pagkain at inilagay ang ulam sa electric food warmer. Mamaya pa kasing alas-siete ang gising ni Clark. Nag-iwan na lang ako ng note sa lamesa saka umakyat papunta sa kwarto upang maligo at magbihis ng uniform. Nakaalis ako sa bahay ng maga-alas-siete. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa labas ng village at pumara nang taxi. Nakarating naman ako sa university mga sampung minuto bago mag-alas-siete y media. Mabuti na lang at allowed ang taxi na pumasok sa loob ng campus upang magbaba ng pasahero. Sa parking lot sa tapat ng building ng Institute of Nursing na ako bumaba at kaagad na tinungo ang silid ng first class ko. “Beshy!” pagtawag sakin ni Jas na nakaupo sa likuran. Mabuti naman at wala pa ang professor. Lumapit ako kay Jas at naupo sa katabing bakanteng upuan. “Ano girl, natapos mo ba?” pagtatanong pa n’ya. Hinahabol ko pa ang hininga ko dahil sa pagmamadali kong makarating dito sa university. “Yeah, buti na lang talaga kinaya pa ng powers ko. Nahirapan ako besh. Akala ko sasabog yung utak ko rito,” sagot ko sa kanya. "Grabe ka kung makapag-hyperbole ah. Hahaha!" natatawang sabi ni Jas. Inirapan ko na lang s’ya at umayos ng upo. Inilabas ko na rin ang laptop ko para ready na ako. Ilang minuto pa’y dumating na ang professor at nagsimula na ang klase. Minimal lang ang mga naging mali ko sa case study presentation kaya katulad ng iba ay pinayagan ako ng professor na ayusin muli ang papers ko at i-submit ito kinabukasan. Natapos ang klase after four hours. Lunch break na rin ‘yon after kahit eleven thirty pa lang. Sumasama na rin ang pakiramdam ko na para bang matutumba ako any minute. Nanatili kami ni Jas na nakaupo sa loob ng silid habang ang ibang estudyante ay naglabasan na para kumain. “Beshy, okay ka lang? Namumutla ka,” puna ni Jas sa akin. Inalalayan n’ya akong tumayo at maglakad palabas ng lecture room. Sa hindi ko malamang dahilan ay nahihilo ako. “OMG! CJ! Dadalhin kita sa clinic!” malakas na sabi ni Jas sa akin. Kami na lang dalawa ang natira sa loob ng lecture room. Patuloy pa rin akong inaalalayan ni Jas. “Hey, CJ! OMG, hindi kita kayang buhatin mag-isa papunta sa clinic. Hang in there please!” pakiusap n’ya sa akin. Naga-alala na ang kaibigan ko at nagsisimula na ring umikot ang paningin ko sa paligid. “Beshy—,” marahang pagtawag ko kay Jas ngunit bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay natanaw ko ang isang pigura ng lalaki na tumatakbo palapit sa aming dalawa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD